Lucky Ring? NOT. - Part 32 (Plan D)

378 10 3
                                    

---------------------------------------------------------

FELIX HERNANDEZ'S POV

"Ow!" napatalon ako at umatras sa caldero, tapos sinubo ko yung daliri ko.

Napaso ako! Nahawakan ko lang naman yung caldero!

"Oh tapos hayaan mo muna yan saglit!" sigaw ni mama galing sa sala

Ano bang pinaggaagagawa ko? Nagluluto ako ng Kaldereta! Hindi ako masyadong marunong magluto actually. Pero dagdag effort na rin naman to 'no! Favorite kasi ni Paolo ang kaldereta! Kaya pinaglutuan ko siya. Dadalhan ko siya ng luuuunch.

Nung natapos na ko, tinikman ko yung sauce. Aba't?! Ang sarap ah!

Naglagay na ko sa isang tupper ware at inilagay ito sa bag ko.

Pumasok na ko sa school at nag antay mag lunch time. Nung natapos na rin, pumunta ako sa classroom ni Paolo at ibinilin ang kaldereta kay Christine.

Anong akala mo, kaldereta lang? Siyempre may note! AT, dessert! Chocolate!

"Oh girl, ano na nangyari sa Operation Paolo mo?" si Shie

"Oo nga, balita?" singit ni paulinne

Huminga ako ng malalim. "Di ko pa alam yung reaksyon niya sa kaldereta. Pag nakausap ko na si Christine."

Tumango lang silang lahat. Naglalakad na kami papuntang classroom nang biglang nasalubong namin si Christine.

"Christine!!" sabi ko sabay lapit sa kanya.

Ngumiti siya ng malungkot. "F-Felix, hindi niya ginalaw. Hindi niya rin binasa yung nasa note. Pero nung nagcr siya, nilagay ko sa bag niya! Para tikman niya pagdating niya sa bahay niya. Sayang kasi effort mo ehh."

Biglang bumagsak yung shoulders ko. Tumamlay buong katawan ko.

"Ok lang yan Felix, someday mapapatawad ka niya" bulong ng consensya ko.

-

Ilang linggo na ang nakalipas, nauuubusan kami ng letters sa alphabet. Nasa Plan X na kami.

Ilang minuto na kami nag iisip ni Gela kung ano pang pwedeng gawin. Matamlay na nakaslouch kami at naka subsob ang muka sa papel.

"Haaaaay. Ano na baaa" matamlay na sabi ni Gela.

Nanahimik nalang ako. Eh ano ba? Wala na talaga kaming maisip. O di kaya, feel namin wala na kami, este akong pag-asa.

Hanggang kelan ka ba magkakaganyan ha paolo?

Nag-isip isip kami ng biglang may nagvibrate sa tabi ko. Cellphone ko.

"Hello JD?"

[Felix! May alam ako tungkol kay Paolo.]

Kami ni JD? Wala naman, never naman ako nafall sa kanya eh. Alam ko na rin yung deal nila. Wala na lahat yun. Hindi ko lang alam kung bakit hindi rin mapatawad ni JD si Chloe. Siguro nga kasi, isa siyang spoiled brat. Maldita.

TEKA ANO?

"Ha?! Ano? Anong meron?!" Napatayo ako. Si Gela napatingin sakin.

[Ow! Don't shout! Hindi ka pinapatawad ni Paolo kasi..]

"Kasi?"

[Ang alam niya, nakikipagbati ka para bumalik yung luck mo.]

"What?! Ang bobo niya naman!!"

[Felix, intindihin mo nalang siya.]

"M-Mahal pa ba niya ko, JD?" tanong ko

Narinig kong huminga siya ng malalim. [Sorry..]

"H-Hindi na?" bumilis ang pagtibok ng puso ko

[Hindi na daw] kalmado niyang sinabi sa kabilang linya

Napaupo ako sa sofa. Si Gela nakatingnin lang sakin na parang ang curious. Hindi na? Hindi niya na ko mahal?

"S-Sino pala mahal niya?!?! Si Chloe no? Paksh*t magsama sila!!" sabay bato ng cellphone, tumama sa pader at nahulog sa lalagyan ng magazine.

Tumayo si Gela at inalalayan ako umupo. "Felix! Tama na yan.. nagsisinungaling lang yun."

Nagdrama drama lang ako sa sala. Umalis na si Gela maya maya, may mga errands pa raw siya kaya di niya pa ko matutulungan sa plan x.

Alam ko, sobrang effort. Yung nagkaroon ako ng 23 na kalokohan para lang mapatawad ng isang lalaki. Ganun eh. Ganun ko siya kamahal. Hindi ko pa 'to naranasan sa iba kong naging boyfriend. Kahit kay Kenji hindi. Si Paolo lang talaga ang nakapag ganito sa'akin. Kahit nung payatot pa siya at muka pa siyang tanga, alam kong hindi ko kayang mawala siya sa tabi ko. Hindi dahil sa gusto kong panatillihin yung swerte ko, pero dahil gusto ko siya makasama. Araw-araw, minuminuto at segu sgundo. May ganun ba? Ang labo.

Ikekwento ko yung ibang plans na nagawa namin, plan e namin, naki usap kami kung pwede namin gamitin yung intercom, na maririnig ng buong school. At doon, tinula ko yung poem ko. Joke ang labo. OO POEM! GANUN AKO KALUPET! Ganun ako kaeffort. Kaso, absent pala siya! Super F A I L talaga! Kaya everytime may madadaanan ako na schoolmate, tatanong nila kung anong nangyari.

Plan J: Alam kong naglalakad lang siya papuntang school. At memorize ko rin yung mga dinadaanan niya. Kaya ayun, yung ibang shop sa dinadaanan niya, binibigyan ko ng something na ibibigay kay Paolo. Kunyari, flowers. Oh diba, lalaki ako eh! De loko lang. O kaya, cupcake! Basta mga maliliit na tokens! (one less lonely girl lang? omg ew -MT)

Plan P: Sinubukan ko nalang kausapin si Patty at si Tito Henry na kausapin si Paolo tungkol sa nangyayari. Kaso, ayaw sila pansinin ni Paolo tuwing tungkol sakin ang paguusapan. Bad trip lang.

Nakakatamad na magkwento ng ibang kalokohan namin, dahil sa totoo lang, hirap na hirap na 'ko. Parang ayoko na. Parang wala nang pag-asang mapatawad niya 'ko.

Kinabukasan, wala kaming planong gagawin. Kumbaga go with the flow muna. Bahala na kung anong mangyayari sa'akin.

Kasama ko ngayon ang pinsan ni Gela. Si Renz. Siya na ang kasama ko halos buong araw. Wala, parang mas feel ko munang kasama ang lalaki. Pero hindi ko siya mahal ah, baka kung anong iniisip mo. Saka.. baka magselos si Paolo at patawarin niya na ko.

Baka lang naman.

"Try mo kaya 'to?" sabi ni Renz, sabay bigay sa'akin nung siopao.

Tumanggi ako. "Kadiri kaya yung bola-bola!" sabi ko

Umiling siya at natawa. "Asado 'to!"

"Ay asado ba, akin na yan."

Natawa nalang kami. Nasa field kami ngayon kumakain. Nasisilayan ko si Jayvee, si JD at si Paolo magkasama sa kabilang dulo. Anong meron? Bakit sila magkakasama?

"Uy Felix, teka ah, bili lang akong drinks natin sa canteen. Balik ako."

Tumango nalang ako. Nakatitig parin ako dun sa tatlo. Biglang tumayo si Paolo. Sinundan ko lang siya ng tingin, papunta rin pala siya ng canteen.

Natapos na ang buong araw, hanggang silip at tingin nalang ako kay Paolo. Hindi ko manlang siya nakausap. Baka akalain niya give up na ko.

Hindi pa naman. Kaya ko pa. First time talaga ako sinapian ng kasipagan. Nakakainis ka Paolo! Ano pa ba kasing gusto niya? Sa lahat ng pinapakita kong 'to, tingin niya parin pinapabalik ko siya dahil sa swerte ko or dahil gwapo siya?!

----------------------------------------------

A/N: Bitin! Hahahaha! Bakit mas marami reads nung one shot ko na Parehas kesa dito? :( 6k siya HUHUHU :(

Share niyo 'tong story sa friends niyo? :(

-MT

Lucky Ring? NOT.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon