Lucky Ring? NOT. - Part 24 (Ring)

441 5 0
                                    

Pagkatapos naming sumayaw at magkaaminan,

Nginitian niya lang ako. Tapos nagsalita siya. Huh? Bakit di ko marinig?

"A-ano?" tanong ko

"FELIX!" Oh? Bakit boses ni Gela?!

"Paolo?" Inalog alog ko siya..

Maya maya natauhan ako at nagkamalay. Binuksan ko ang mga mata ko at napansin kong nakahiga ako sa sofa.

"A-asan ako?!" Nasa party pa pala ako! Nakahiga lang sa sofa sa gilid. Tumingin ako sa paligid ko. Andito pa si Gela, si Ariane, si Paulinne at ang iba kong friends.

"Bes?! Anong nangyayari sayo? Ok ka lang?" Nagaalalang tanong ni Gela.

Teka bakit andito agad ako?!

"Felix, nananaginip ka ba? Sumisigaw ka ng Paolo!" si Shie

"Sh*t!! Nananaginip lang ako?! Asan si Paolo? Kailangan ko siya makausap! Teka ba't ako napunta dito?!"

"Nalasing ka sa juice. May nag lagay ng alak sa juice, yung iba natipsy. Ikaw ata naparami yung inom mo. Pero no need to worry. Ok na lahat." sabi ni mary joyce

"Juice?! Ahh.. asan si Paolo?!"

Kumunot noo nila. "K-kasama ni Chloe, nasa backstage, magpeperform na silang dalawa?"

Mag peperform? Lintek! Akala ko totoo! Jusko! Bigla nalang pumasok sa kokote ko yung mga nangyari kanina.

Flashback..

"P-paolo?!"

Di niya ko sinagot. Kahit ngiti manlang wala.

Nilagyan niya ng juice yung isang baso at humarap ulit sakin.

Kukunin ko na sana yung binibigay niyang juice nang biglang binigyan niya ko ng oh-feeler-mo-naman look. Tumagilid siya at hinarap naman si Chloe para ibigay ito.

A-akala ko sakin?

"Oh hi Felix!!" nilapitan ako ni Chloe "What's up? OMG I like your gown! Super! San mo nabili yan?" nakangising tanong ni Chloe sakin, habang nakatitig sa mga details ng Gown ko.

Di ko siya sinagot. Pero kay Paolo lang ako nakafocus. Bakit di niya ko pinapansin? Bakit andito siya? Akala ko di siya pupunta? Bakit biglang nag-iba itsura niya? Bakit di niya ko nginingitian?

"Paodew.." sabi ko ng mahina

"It's Paolo" SH*T?! Bakit pati boses niya mejo nag-iba?! Naging husky na sexy na ewan?!

"A-akala ko di ka pupunta?"

"Chloe, what time is our solo performance?" Oh? Bakit di niya ko sinagot?

"Baka after 15 minutes pa daw" sabi ni chloe, sabay hawi ng buhok. Psh! Flirt!

"Paolo can we talk? Outside?" Tinignan niya ko. Walang expression. Parang mas magkakaexpression pa ata siya pag sa bato siya tumitig eh.

"No" Maikli niyang sagot. Inikot ikot niya yung baso niya, parang hinahalo. Tapos tinignan yung kisame ng venue. Suminghap siya.

"Please? Saglit lang."

Di nanaman siya sumagot. What's his problem? Cold na siya ganun? Porket ganyan na itsura niya?

"Paolo! Answer me! Bakit?" inalog ko siya, sh*t lang. Iba na yung inaalog ko hindi na walis tingting. Parang bato na.

Tinignan niya lang ako. Expressionless. "What" malamig niyang sabi.

Kinilabutan ako sa boses niya. Wala ngang tono eh. Nakakatakot.

Lucky Ring? NOT.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon