Lucky Ring? NOT. - Part 28 (Phone)

465 8 2
                                    

 --------------------------------------------------------------------

FELIX HERNANDEZ'S POV

Cause it's you and me and all of the people
With nothing to do, nothing to lose
And it's you and me and all of the people
And I don't know why I can't keep my eyes off of you

Agad agad akong bumangon at pinatay ang alarm ng cellphone ko. Tumayo agad ako at nag unat unat. Tapos tumakbo ako agad sa cr at nagtoothbrush, naligo at nagbihis ng uniform. Pagkatapos, inayos ko ng mabuti ang buhok kong mahaba. Nakulot sa ends. Tinirintas ko yung buhok ko sa ibabaw ng tenga ko papunta sa likod. Ngayon lang ako nag-ayos ng todo papuntang school. Excited ata ako masyado?

Siyempre, paaaminin ko na si Paolo.

Bumaba agad ako sa may kainan at nakita ko si mama, nagluluto palang. Kumunot ang noo niya at pinagmasdan ang itsura ko.

"Hindi ka naman ata masyadong excited ano felix?" aniya

Lumapit ako sa kanya at kinuha yung mga lutong cornedbeef at inilagay sa plato ko. "Ahmm. Mejo lang naman po. " humalakhak siya

"Sige mabuti yan para di ka na malate." 

Nung natapos na ko sa lahat, agad akong lumabas ng bahay at nagpadrive sa bago naming driver na si Mang Gabo.

Mejo madilim pa pala.. hindi naman ata ako masyadong excited makita si Paolo ano? Ang plano ko lang naman ay ipakita sa pagmumuka niya ang wallpaper ko sa cellphone niya. Tapos, siyempre wala na siyang excuse, kaya aamin siya!!

Napangiti nalang ako bigla sa iniisip ko. Maya-maya nakarating na kami sa D High. Ibinaba na ko ni Mang Gabo at ibinigay sakin ang bag ko.

"Anong oras ka mamaya lalabas Felix?" tanong niya sabay abot nung bag ko

Napaisip ako. "Wag na ho mang gabo, may maghahatid na po sakin eh" Sino pa ba? Edi si Paontain Dew! Lagi niya kaya ako hinahatid pauwi nung nililigawan pa niya ko. Mamaya, magkakabati ulit kami! YEHEY!

Kumunot noo niya sa sinabi ko. "Ah ganun ba? Sige mag ingat ka" Ngumiti nalang siya

Pumasok na ko sa loob ng campus at dali daling pinuntahan ang classroom ni Paolo. Eh diba lagi siya maaga pumapasok? Anyare dun? Nadatnan ko lang dito si Chloe, nagbabasa ng libro. Huh! Itsura palang niya naiinis na ko! Bakit niya kasi inaagaw si Paolo sakin? Argh!

Pumihit ako at pinuntahan ang classroom ko. Andito na si Maria Bernadette! Ang class nerd. Pati si Kryssa! Ang class clown na babae. Isama mo na ang fans niya este, friends niyang sila Herschel, xhi xhi, Angelica, Jessa at si Marzilla.

"Wow Felix ang aga mo ata?" gulat na sabi ni Herschel. Kaya napalingon yung mga classmates ko sakin. Puro babae sila dito ah?

"Yeahh.." sabi ko nalang

Lucky Ring? NOT.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon