Lucky Ring? NOT. - Part 27 (Wallpaper + Heart)

394 6 3
                                    

--------------------------------------------------------------------------x

FELIX HERNANDEZ'S POV

"Anak tahan na.. ok lang yan. Magkakaayos rin kayo." Sabi ni mama habang hinahaplos yung buhok ko.

Grabe naman kasi kanina. Napaluhod na ko sa harap niya, ang cold parin niya. Ni wala akong nakitang lungkot sa muka niya. Mahal pa ba niya ko?

"Mahal mo ba si Paolo anak?" seryosong tanong ni mama.

Mahal ko na ba si Paolo?

"Hindi po siguro ma. Siguro namiss ko lang siya?"

Hindi ko talaga kasi alam eh. Ayoko magsabi na mahal ko siya kung hindi pa ko sigurado sa nararamdaman ko.

Buti nakang saturday ngayon. Makakapagrelax muna ko. Nakatambay lang ako dito sa kwarto ko, nagmumukmok.

"Gusto mo na ba kumain?" mahinhing tanong ng mama ko sa may pintuan

"Wala po akong gana" sambit ko, yung muka ko nasa unan

Kelan nga ba kasi kami magkakabati? Anong mangyayari pag bati na kami? Liligawan niya kaya ako ulit? Sasagutin ko kaya siya?

Aish! Makatulog nalang.

Pag gising ko, gabi na. Sinilip ko cellphone ko at aba! 24 new text messages.

Gela: Girl! Asan ka? :)

Shie: Uyyy felix! Alis tayo!

Mary Joyce: Felix bonding tayo?

April: Pst girl amboring, saturday ngayon! Tara gala? =))

Ariane: Heyya sistah! Shopping? <3

Paulinne: Sino available jan? Tara hang out! Gm.

Puro katropa ko ah?

Nagscroll pa ko ng bago, puro si JD naman.

JD: Felix?

JD: Are you okay?

JD: Hey hey hey

JD: Asan ka?

JD: Pst

JD: Wanna talk?

Tapos yung iba, random gm from my classmates.

Wala talaga akong gana. Di ko sila mareplyan. Bahala na.

Lumabas ako ng kwarto ko at dumiretso ako sa kusina. Kumuha ako ng pasta sa ref at ininit ito sa microwave.

Nag huhumm ako nang biglang may nagring sa bulsa ko. May tumatawag?

PAODEW :(

Answer Ignore

SH*T!! Wala pang 3 seconds nasagot ko na agad yung tawag.

"H-hello Paolo?" naiiyak ko nanamang sagot

[Hello po, hindi po 'to si Paolo] narinig ko sa kabilang linya. Hindi 'to si paolo?!

"S-sino to?"

[Ako po si Kirsten. Napulot ko po tong cellphone na to, gusto ko lang po sana ibalik sa nagmamay ari.]

Gumuho nanaman mundo ko. Kala ko si Paolo na. Akala ko papatawarin na niya ko. Psh.

"A-ah ganun ba? Sige uhmm puntahan mo ko sa adress na to"

Binigay ko adress ko at maya maya may nagdoorbell sa unit namin. Binuksan ko yung pintuan at may isang babaeng nakajogging pants at sando. Tapos nakaearphones pa siya. Ano to galing siyang jogging?

"Eto po oh" sabi niya sabay bigay nung cellphone ni paolo sakin ng nakangiti.

"Ah thank you" Kinuha ko. "B-bakit ako yung tinawagan mo?"

"Ah kasi po yung contact name, may heart. So ikaw po ata yung girlfriend niya." nakangiti niyang sinabi. MAY HEART YUNG CONTACT NAME KO?!

Lumiwanag yung muka ko. "Ah sige thank you ah? Nako dito ka nalang magdinner!" imbita ko sa kanya sabay bukas nung pinto

Ang dami kasi nung pasta eh, di ko maubos.

"Ay nako wag na! Ok lang po ako, may pupuntahan pa kasi ako eh." sabi niya

"Ah ganun ba? Sige thank you talaga ah?"

Nagpaalam na siya a bumaba ng condo. Sinilip ko yung cellphone ni Paolo at sininghot ito ng todo.

"Hm hm hmmm! Paooolo nako talagaaa! Pati ba naman siguro yang kamay mo binubuhusan mo ng pabango!" Bulong ko sa sarili ko

Nako buti nalang walang password phone niya! T-teka..

Picture ko to ah! PICTURE KO 'TONG NASA WALLPAPER NIYA?!

Tapos may maliit pa na PelDew <3 sa baba?

Nagulat ako sa nakita ko. PelDew? Mahal pa ba niya ko?

"Sh*t" napatakip ako ng bibig. Sabay tulo ng luha ko.

Ang saya ko! Ang saya saya ko! MAHAL PA KO NI PAOLO!!

Nagising nalang ulit ako kinaumagahan. Na may malaking ngiti na nakadisplay sa muka ko. Dumiretso ako sa dining table and as usual, si papa umiinom ng kape at nagbabasa ng newspaper, si mama, naghahanda na ng almusal.

"Good morning ma! Good morning pa!" masayang bati ko sa kanila sabay upo.

Tumaas kilay ni papa. "Oh, mukang masaya ka na ngayon ah?"

"Opo pa!" sagot ko

"Eh kasi naman ted, may heart yung pangalan niya sa cellphone nung paolo tapos picture niya yung wall paper." Oo nakwento ko agad agad kay mama yun. Close kami eh!

Tumaas baba kilay ko na nakatingin kay papa. Humalakhak lang siya at ginulo yung buhok ko.

Nung natapos kaming kumain, nagsimba kami. Nasabi ko na bang hindi ako catholic? Christian ko. Bible based ata? Di ko sure eh hahahaha!

So andito kami sa Tiarra Hotel. Dito kasi nagrerent yung church namin every sunday.

Nung natapos na magpreach, nagfellowship break. Fellowship, yung kakamustahin mo at ifefellowship mo yung mga church mates mo.

"Felix! Oh kamusta ka na?" Bati ni Cristel. Isa sa mga friends ko dito sa church namin.

"A-ah ok naman po" ngumiti ako at nag fellowship hug.

"Good good!"

Nung natapos na yung buong worship service, umuwi na kami sa bahay.

Umupo ako sa sofa at tinitigan ang wallpaper ni Paolo sa cellphone niya.

Hindi mo na ko mahal ah? Nice try Paolo.

Ngumiti ako ng nakakaloko. "Nice try."

------------------------------------------------------

A/N: Sorry for the short update!

Sa tingin mo, mahal pa ba ni Paolo si Felix?

COMMENT BELOW! :D

-MT <3

Lucky Ring? NOT.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon