Lucky Ring? NOT. - Part 45 (Ang Letter)

349 12 5
                                    

-------------------------------------------------------------------------------------

FELIX HERNANDEZ'S POV 

Dear Felix,

 

 Hey. It's been a while. How was your 2 years with out me? Masaya ba? How's Gela and the others?

 

I don't know how to start this. I'm so confused. To be honest, I regret leaving you there. I should have stayed there with you and go to college together. But it was too late. It's for our own good, we needed time to think things through. You and I have shared great moments together and I will never forget that. Even though the whole time tayo actually nag-away. But always remember that everything I did for you was real, hindi kita niloko o kung ano man. I loved you. Araw-araw ikaw ang iniisip ko. You're always invading my mind even if I'm busy. 

 

 It's hard right? Na malayo ka sa pinakamamahal mo. We both know how it feels, because even if you're having fun and you make new friends, there would always be something missing. I got scared though, na baka someday.. mainlove ka sa ibang lalaki. Na iiwanan mo ko sa ere at sasabihin mong may iba ka nang mahal. Hindi ko maiwasang isipin yan. It's crazy, seriously. 

 

 I don't know if I'm here with you today. I may not be brave enough to face you.. because I'm still scared. I may not be ready. Or I just don't want to.

 

 

Or maybe because.. 

 

 

I fell inlove with someone else.

 

 

 

Sabay nagsipatakan ang mga luha ko, at biglang umulan ng malakas. 

 

 

 

I know it sounds like an excuse, but please believe me when I say that i didn't mean to fall in love with someone else. If I don't really understand how it happened, how can you?

 

 

I'm sorry.

 

 

Sincerely,

Paolo.

Inlove siya sa ibang babae. I knew it. 

Ito nanaman ako, nagmumukmok. Buti nalang umuulan. Hindi ako magmumukang tanga dito, kahit wala naman talagang taong makakakita sakin dito. Diba ang labo? Nababaliw na ko. Hindi ko na alam gagawin ko. Sayang ang dalawang taong pagaantay ko! Sayang!! Fvck!!!

Tumayo ako agad at nagpunas ng luha, pero patuloy parin itong bumabagsak. Ang sakit. Ang sakit sakit.

Kinuha ko yung bag ko nang nalaglag ang isang maliit na papel. 

 Yung invitation over dinner..

 -

"Felix, iha! I'm glad you came.. pero, bakit ganyan ang suot mo?" Agad na bati sakin ni Tita Gwen sa loob ng restaurant. Fine dining. Basang basa pa pala ako.

Inayos ko buhok ko kahit basa basa. "I-I'm so sorry tita.."

"Tsk tsk, don't you have an umbrella?" Tanong niya habang tinutulungan akong tanggalin ang cardigan kong basa. Tapos binigay niya sa isang babae. Mayaman si Tita Gwen eh.

"W-wala po ehh.." Sabi ko.

"Psh.. alright. Sit here first." Tinuro niya ang isang upuan at naglagay ng makapal na tuwalya. 

Tumayo siya at naglakad papalayo. Ta's ako umupo.

Sino kaya yung ipapakilala niya sakin? Paano kung.. si Paolo yun? PSH! ASA NAMAN AKO!! Pero.. sana.. kahit papano, mabait yung lalaki. Pagod na pagod na ko sa mga lokohan.

Patuloy parin akong naiiyak pero pinigilan ko. Muka kong baliw dito sa restaurant kahit ang konti lang ng tao. Sobrang yaman ng dating dito, candle lit pa. Tapos ang cozy nung ilaw. Hindi masyadong maliwanag.

Nagulat naman ako nung biglang nakaramdam ako ng jacket na pumulupot sakin. 

 "You must be Felix?" Sinabi niya at umupo sa upuan katabi ng harap ko.

"Alec?!"

 ---------------------------------------------------------

A/N: Ang mga silent readers jan, magsilabasan na kayo!!


VOTE.


-MT

Lucky Ring? NOT.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon