ano ba?
"o anu rin?"
ewan ko sayo Ate Mirajane! -__- BV na ako.
paano ba naman kasi sino ba naman ang hindi ma ba badtrip? pinapasundo lang naman saamin ni Mr. President 'yung dalawang mokong sa prayer room!
"ayiee si Mae Ann dalaga na sinusundo si Mark" pang-aasar ni Mirajane sa akin.
Asus. Ikaw Ate Mirajane sinusundo si Kuya Richard kunwari ka pa. Pabirong tugon ko rito kahit na sa totoo ay naiinis na talaga ako.
Akala siguro nito'y magpapatalo ako aba'y syempre hindi.
"-_- Mae Ann c'mon faster baka pagalitan tayo ng devil nating Presidente! grrrr"
Oo na lang po. Sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad.
Hindi pa pala ako nagpapakilala I'm Mae Ann Zaguirre, 3rd year high school and currently studying at secret! :) bakit ko sasabihin ano ako tanga? haha I'm 15 years old pala kung gusto niyo ako makita may pic na nilagay si author sa taas.
Nang dumating kami sa labas ng prayer room ay sakto naman na papalabas sila Mark at Kuya Richard.
"Hey! ginagawa niyo dito??" Masiglang sabi ni Mark sa amin.
"Sinusundo kayong dalawa. Hindi naman halata no?" buset akala ko matalino 'tong taong ito? parang hindi naman. Inis na tugon ko ngunit pabulong na lamang at hindi na nila rinig ang iba.
Siniko naman ako bigla ni Ate Mirajane na ikina-bigla ko.
"Umayos ka nga Mae Ann ano na naman binubulong bulong mo diyan. Rinig na rinig namin!" Saad ni Ate Mirajane habang pinanlalakihan ako nito ng kanyang dalawang mata.
Ha? e ganoon ba? hehehe. Nginitian ko na lamang sila ngunit isa itong plastik na ngiti.
"Ehem" pagkukunwaring ubo ni Kuya Richard.
"Mauna na muna kayo sa Rondalla Class susunod na lamang kami ni Mark pinapatawag pa kasi kami ng Adviser namin dito sa prayer room." Paliwanag naman ni Kuya Richard sa amin.
So ganoon na lang? naghintay kami para sa wala? pero syempre sa isip ko lamang 'yon. nakakatakot kaya magalit si Kuya Richard.
Ganoon ba Kuya Richard? Sabi ko na lamang dito.
Tumango tango lamang ito at hinatak na papalayo si Mark sa amin.
Alam mo Ate Mirajane ang weird nila ano? Tanong ko dito ngunit hindi ata ako nito napansin dahil sa kanina pa ata ito tulala.
Maasar nga 'to kay Kuya Richard. Mehehehe syempre pagkakataon na!
Ate baka matunaw niyan si Kuya Richard! Asar ko dito.
"ay palaka!" Gulat na sambit ni Ate Mirajane.
Sabi na e like na like mo si Kuya Richard ano? Pinagpatuloy ko pa ang pang-aasar dito. Natutuwa ako dahil halata sa mukha nitong naiinis na siya sa mga sinasabi ko.
"Hindi no!" Asar na tugon nito.
Deny pa moore Ate Mirajane. Tumatawa ko namang sabi.
"Palibhasa Mark Justin kasi! bleh!" Sigaw nito at nauna nang maglakad sa akin.
"Richard Paulo!!! Sigaw ko.
"Mark!"
Richard Paulo kasi Ate Mirajane! Malakas kong sabi sabay takbo papuntang Rondalla Class. Kung nagtataka kayo ganoon lang talaga kami mag-asaran pero friends kami nun.
__________Rondalla Class__________
Wala si maam ng makarating ako sa aming classroom. May kani-kaniyang buhay ang mga tao sa loob ng makapasok ako. Mayroon nag-uusap, nagtatawanan, practice ng modern songs samantalang 'yung iba naman ay naghahabulan sa corridor.
"Mae Ann!"
Tawag sa akin ni Stephanie. Mabait si Steph tahimik rin pero kadalasan madaldal teka ano daw? Basta friendly siya para sa akin.
Bakit? Tanong ko dito.
"Saan ka galing?" Sabi nito habang naghahanap ng bakanteng upuan sa classroom.
Sa prayer room lang. Tugon ko dito. para namang nawala ako sa mood ng ipaalala niya kung saan ako nanggaling.
"Prayer room? Pero bakit ganyan mukha mo? Parang binagsakan ng langit?" Suhestiyon pa nito sa akin.
Sasagot na sana ako ng biglang..
"Kasi nga crush niya si Mark Justin Pineda." Masiglang saad ni Ate Mirajane.
Napahawak na lamang ako sa aking noo ng umetchos na naman 'to si Ate Mirajane sa eksena.
"Ano? Hindi ko kayo ma gets?" Naguguluhang tanong ni Stephanie sa amin.
"Ganito kasi 'yon Steph, pumunta kasi kami kanina sa prayer room para sunduin si lovie doves niyang si Mark." Pagpapaliwanag naman ni Ate Mirajane na akala mo totoong toto.
Wow ha Ate Mirajane. Hindi 'wag ka maniwala diyan Steph sinundo niyan si Kuya Richard. Pagtatanggol ko naman sa sarili ko.
"Ayan ah kayong dalawa luma love life na. Sandali nga lang at i a announce ko." Masayang sabi ni Stephanie at dumire diretso na sa harap ng klase.
"Guys! Attention!"
Napatigil naman ang lahat sa kani-kanilang mga ginagawa ng sumigaw si Stephanie.
"Gusto ko lamang sabihin na crush ni Mae Ann si Kuya Mark at crush naman ni Ate Mirajane si Kuya Richard. Ayun lamang, salamat!"
Nag bow pa ito na akala mo speech ang ginawa sa klase. Na napuno naman ng asaran ang loob ng room dahil dito.
"ayiiiieeeeeee!!!!"
"dalaga na! haha"
"bagay na bagay kayo!"
"may bagong couple dito sa Rondalla Class!"
"haha sabi na e may pagtingin ka rin sa kanya!!"
"Bati naman tayo Ate Mirajane at Mae Ann 'di ba?" Sabi nito at nakuha pa mag peace sign bago tuluyang bumalik sa pwesto nito at tumugtog ng The Only Exception ni Paramore habang kausap ang kaibigan niyang si Lucy.
Naiwan naman kami ni Ate Mirajane na hindi alam ang gagawin dahil ang iba namin mga kaklase ay patuloy parin sa pang-aasar sa amin.
BINABASA MO ANG
My Unexpected Love
Romance"I fell in love with the most unexpected person on the most unexpected time" matanggap mo kaya na mahal mo na pala siya? mahal mo nga ba siya? o crush lang? ano ba talaga? you fell in love at the most unexpected time and unexpected person?? matangga...