Chapter 5: Am i A Third Wheel HERE?!

122 9 0
                                    

A/N:

Annyeong Guys! believe it or not 15 hours tulog ko kanina! ^_^ haha kasi 'di ba nga walang pasok! yey! ayun lang daming keme ni author.

Mae Ann's POV

3 pm na at dahil nga ito ang karaniwang labasan ng mga regular class dito sa school namin nakatambay lamang kami dito sa blue table.

"Gravity si Kuya Ryan ano?"

"Oo nga, hindi porket 7th year na siya e mukha na siyang banker!"

"No offense guys, mukhang pera talaga si Kuya Ryan."

"Mukha pa kamo magnanakaw."

"Akala ko noong unang kita ko dun mabait siya, hindi pala."

Ganito kasi 'yon readers, alam ko na hindi kayo maka relate sa pinag-uusapan namin magkakaibigan. Kaya ako na lang magpapaliwanag.

Nagpaluwagan kasi kaming sampu, tapos ang naghahawak lahat ng pera ay si Kuya Ryan. Sa totoo lang, gwapo 'yun at may itsura. Bakla nga lang at napaka pangit ng ugali isama mo pa na dinadaya niya kami sa aming paluwagan.

Speaking of the devil. Sabi ko ng makita ko si Kuya Ryan na naglalakad mula sa 'di kalayuan kasama si Ate Marie.

At gaya nga ng aming inaasahan..

"Bayad mo Mae Ann at Yannie?" Taas kilay pa nitong tanong at kasabay ng pame-meywang nito sa harap namin.

Kung nakakapatay lang talaga ang tingin. Nako matagal na itong patay sa titig ko. Nanggigigil ako grrrrr.


FASTFORWARD>>

*Rondalla Class

By groups ulit ngayon ang pag practice at pagtuturo. At ano ba ang bago? Na o-op na naman ako ngayon dito.

Kung lumipat na lang kaya ako sa gitarista? E kung bakit ba naman kasi nasa gitara si Mark pwede naman dito sa Octavina.

"Ganito kasi 'yung intro do, fa, la, la, la, sol, la, sol.."

Na iingit tuloy ako kay Ate Mirajane. F na f talaga niya na silang dalawa lang ni Kuya Richard. Excuse me mga teh baka naman 'di ba? Nag e-exist rin kaya ako dito. Katabi ko lang 'tong si Ate Mirajane pero wala. Parang invisible lang talaga ako dito.

Tama ba na si ate Mirajane one on one niya tinuturuan samantalang ako sasabihan lang na aralin ko muna yung national anthem ng mag-isa? Tama ba 'yon?

Tiningnan ko na lamang iyong bagong bili sa akin ni Inay na Baby-g watch. Oo, gusto ko sabihin yung brand bakit ba?

5:55 pm

Napabuntong hininga na lamang ako ng ma realize ko na matagal ko pa titiisin itong pagiging third wheel ko dito. Ang aga aga pa kasi.


A/N:

mianhae! short update lang po itech! kasi sinilip niyo lang 'yung side ni Mae Ann na parang nagiging third wheel sya haha again sorry for short update. hayaan niyo next update ko maya maya. nga pala ti nype ko ito nung friday pa po ng umaga problem ngayon ko lang po na i-post kaya intindihin niyo na lang :)

My Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon