Chapter 3: "May nag de-date" ayieee :>

189 9 1
                                    

A/N:. 

ang chuge nakakainis i hope sana i hope na nga may sana pa? err basta sana ayos lang 'yung chappie na 'to kasi po ang phone ko ay bigla biglang nag log out ang watty at ka boom! sa isang iglap ang 3 chapters na pinag hirapan ko nag laho ng parang bula -_- so guys please understand me na lang o kaya kahit hindi na mianhae pala sa mga naghihintay ng update ko sa Real to Real Life. mahaba kasi update nun kaya pasensya tamad si author, 'to lang kaya ko sa ngayon because err 'yung laptop ko po! long story and again sorry sa mga typos nung mga last chappies pasensya 'di ako magaling na magaling para mapansin and sorry kung mahaba 'yung author's note. namiss ko kayo e :* muah!

Allie's POV

Kakatapos lamang ng aming Rondalla Class at alam niyo na kung ano ang ginagawa namin ngayon. Charot lang wag kayong green ha alam ko na 'yan!

"Tara ghost hunting?" Masiglang sabi ni Ate Mirajane sa amin.

Tumango na lamang kami bilang tugon. Dahil narin siguro sa kadiliman at kakaunti na lamang ang tao ng ganitong oras sa school.

"O may bible ba kayo diyan at rosary?" Tanong naman ni Mae Ann.

"Syempre meron ako!" Taas kamay naman na sagot ni Stephanie.

Tuwang tuwa pa ang gaga. Napakakulit talaga nitong si Steph hindi nga lang halata dahil kahit member na rin 'yan sa prayer room hindi mo halata na may tinatagong taglay itong mag ingay.

Gusto niyo ba ako makilala? Teka nga bakit ko ba kayo tinatanong? E kahit naman na ayaw niyo magpapakilala parin ako. I'm Allie Mae Jung, 15 years old. 3rd year high at wag niyo na alamin kung saan ako nag-aaral secret lang 'yon.

"Malamang meron ka nun kasi nagdadasal ka rin sa harap ng stage tuwing umaga." Sarkastikong sambit ni Mae Ann dito.

"When jealousy strikes nga naman talaga." Asar naman ni Steph.

"Oy ang kapal ha, excuse me si Harry Styles lang mahal ko!"

"As if namang maniniwala ako sayo!" Singit naman ni Ate Mirajane.

Napangiwi na lamang uli ako ng nagsimula na naman sila mag-asaran.

Nagtataka ba kayo kung bakit hindi ako masyado nakikisali sa kanila? Actually ok lang naman sa akin dahil nagbabasa lang naman ako ng spg sa phone ko. Tama kayo ng basa. Nagbabasa ako ng ganoon pero hindi naman ibig sabihin na ginagawa ko na rin. Huwag kayo green pwede ba.

Mae Ann's POV

Dapat pala sa susunod kapag nag ghost hunting by groups tayo.

"Ha? Paano naman 'yan?" Tanong naman ni Allie sa akin.

Ganito, 'yung isa group andun lahat ng mga takot sa kabila naman mga hindi takot. Gets?

Naisip ko lang rin kasi parang walang thrill kung marami kami at sama sama na nag go ghost hunting.

"E dapat ganito na lang, 'yung group na mga takot dapat may isang matapang doon tapos 'yung isang group naman may isa namang takot dun. Para patas." Saad ni Stephanie.

"Oo nga agree ako dun"

"I second that motion"

Oo na, kung lahat naman kayo sa sang-ayon kay Steph e 'di go tayo diyan.

Pero kailan ba tayo mag go ghost hunting ulit Ate Mirajane?

"Tsaka na, kapag may time na ulit tayo." Tugon nito sa akin.

"Ayaw namin hindi natutuloy 'yung mga ganyan ganyan e!"

Natawa na lamang ako ng sabay na sumagot si Yannie at Stephanie. Akala mo kambal e.

"G na g kayo? Oo na, December call?" Napapailing na lamang si Ate Mirajane ng tanungin niya ang mga ito.

"Call!"

"Arasseo!"

May times talaga na hindi namin maintindihan si Steph sa mga pinagsasabi niya dahil nga fan siya ng Kpop. Habang kami naman nila Ate Mirajane, at Allie ay directioners. Pero hindi naman ibig sabahin nito na hindi kami nagkakasundo. Sa katunayan nga e kahit na iba iba ang iniidolo namin ay magkakaibigan parin kami.

Nagpatuloy lang silang mag-usap usap habang naglalakad na kami papalabas ng paaralan.

"Tara na, 7 pm na pala e uwi na tayo." Aya ni Ate Mirajane.

Mabuti naman at papagalitan na ako nito. Sabi ko habang nag-iisip kung papaano na naman ako haharangin sa bahay namin at tatadtarin ng mga tanong kung saan ba ako nanggaling.

"E bakit nag vi video ka parin? Itigil mo na kaya uuwi na tayo 'di ba?" Tanong naman ni Yannie.

Kanina pa kasi nag vi video 'tong si Ate Mirajane ayan tuloy lahat ng pangyayari ngayon nakuhaan niya. Pero dahil nga uwing uwi na ako nauna na akong maglakad sa kanila at hinayaan silang magtalo-talo doon. Ngunit napatigil nga lamang ako sa paglalakad ng marinig ko silang nag-iingay.

"May nag de date!"

"Ayieee!"

Rinig ko pero hindi ko makuhang lumingon dahil alam ko sa sarili ko na nagseselos ako.

"Bawal maingay dito."

"Pinagalitan nga kami kanina e"

Hindi ko na kailangan tingnan pa kung kanino nanggaling ang mga boses na 'yon pero kusa akong dinala ng aking mga paa papaharap sa mga ito. 

"Ilang months na po kayo? Ilang months na po 'yung chan niyo?" Tuwang-tuwa tanong ni Ate Mirajane sa kanila. Habang ang kanyang phone ay papalit palit sa mga mukha nila Ate Minah at Kuya Mark na kasalukuyang tutok na tutok sa tablet.

"Bakla po ako." Sarkastikong sagot ni Kuya Mark.

"Tomboy po ako." Sambit naman ni Ate Minah na iki-natawa nilang lahat.

Maliban na lamang sa akin. Bakit nga ba? Bakit nga ba ako nag kakaganito? Simple lang naman. Huwag na natin gawing complicated pa ang lahat Mae Ann.

Naging crush ko na kasi talaga si Kuya Mark unang kita ko palang sa kanya sa Rondalla. Dumagdag pa na ang galing nitong mag gitara.

Hindi ko na nga rin lang nalamayan na nakalapit na pala ako sa kanila.

"Ay Mae Ann meet Mark!" Pagpapakilala ni Ate Mirajane sa akin na akala mo naman 'di kami magkakilala.

"Biggest fan mo pala" dagdag pa nito.

"Sino?" Tanong naman ni Mark.

"Ay siya ba si Mark? Hi, Kuya" Sabi ko na lamang at sinabing hindi ko naman siya kilala na hindi ako malandi tulad ng isa diyan.

Pang-aasar pala ah? Aba game na game ako diyan Ate Mirajane walang papatalo.

Ngunit hindi na pinansin pa ni Ate Mirajane ang tugon ko at nagpatuloy na lamang sa pakikigulo ki na Kuya Mark at Ate Minah.

"Hindi daw, pero kanina hinahanap hanap niya." Asar naman ni Yannie sa akin.

"May crush lang, malandi na agad?"

"Ayoko na nga, uwi na tayo." Sabi ko na lang para huminto na sila sa pang-aasar dahil hindi ko alam kung kakayanin ko ngayon na makipag sabayan sa trip nila.

Mabuti na lamang at sumunod sila ngunit hindi rin nagtagal ay nagsimula na naman silang mang-asar sa akin.

"Selos si Mae Ann!"

Selos ka diyan umbagan kita e.

"Asus kunwari pa deny deny pero deep inside nag seselos!"

Tama na kasi. Uuwi na ako. Maiwan ko na kayo ha? Baboos na mga sisterlaloos. Paalam ko sa mga ito at nagpatuloy na sa paglalakad.

Mabuti na umalis ako ng maaga, dahil kung hindi ay baka mapaamin ako ng wala sa oras sa kanila.

My Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon