Chapter 6: Akwardness Between Mark and Stephanie

143 7 1
                                    


Third Person's POV

Friday ngayon. At tuwing Friday tumutugtog ang Rondalla sa Flag Retreat. Ngunit ang araw na ito ay hindi lang karaniwan na Friday dahil mayroon bisita na dumating galing Indonesia na siyang kasama ang Rondalla at Violin group na tutugtog para sa mga ito.

Sa katunayan niyan lahat ng Performing Clubs under MAPEH ay mag pe-perform. 7 am ang umpisa ng klase sa kanilang paaralan, ang iba naman ay 8 am ngunit dahil nga sila ay magtatanghal 6 am pa lamang ng umaga ay nagsisipasok na ang mga ito.

Lahat ng miyembro ng Rondalla ay kasama bukod ki na Mirajane at Mae Ann sa kadahilanang hindi daw nila kaya pa tugtugin ang mga pyesang itatanghal.

7:30am

"Lucy, natapos rin 'yung program" Tuwang tuwang sambit ni Stephanie sa kaibigan.

"Alam ko, kanina pa kaya." Walang gana naman nitong tugon. 

Hindi ata masabayan ni Lucy ang kakulitan na mayroon ngayon ang kaibigan.

"Hindi ba talaga makakasama si Ate Mirajane at Mae Ann?" Pangugulit pa ni Stephanie.

"Hindi nga sabi, Steph 'wag ka muna makulit mag practice na lang muna tayo ng Sua Sua"

Sumunod na lang si Stephanie sa sinabi ng kaibigan, tama lang naman na sila ay mag practice lalo na at bago pa lamang sila mahirap na magkamali pa sila kapag sila na ang nagtatanghal.

Sa totoo lang ay hindi pa naman talaga sila lahat kumpleto. Pilipino time nga naman. Pati nga ang adviser nila ay wala pa.

Ang iba sa kanila ay nakaupo sa may labas ng prayer room at nagdadaldalan samantalang ang iba naman ay naglilibot.

Stephanie's POV

Nagpaalam muna ako sandali kay Lucy ng makita ko na paparating si Ate Minah. Mabait kasi ito at hindi nito binibigyang pansin ang pagiging angat nito sa amin ng isang taon.

"Steph, gusto ko sana tumugtog kasama niyo." Malungkot na sabi ni Ate Minah.

Nagtaka naman ako dito dahil lahat naman ng miyembro ng Rondalla ay kasama sa mga tutugtog.

"Oo nga, pero hindi ko kasi alam kung makakaabot ako e."

Bakit Ate Minah? May problema ka ba? Tugon ko dito.

"Representative kasi ako ng klase namin sa quiz bee, 'yung partner ko kasi absent kaya hindi ako pwedeng wala rin dun." Pagpapaliwanag naman nito sa akin.

Naalala ko tuloy noong elementary ako sinali ako ng teacher ko diyan sa quiz bee pero dahil nga 'di naman ako matalino 'di ako nanalo. Natatawa na nga lang ako kapag naaalala ko 'yon. Madami pa sana akong gustong sabihin kay Ate Minah ngunit mukhang nagmamadali na rin siya

Hayaan mo na Ate, galingan mo na lang muna. Give your best shot ipag pe-pray kita. Kaya mo yan at makakahabol ka dito. Fighting! Sabi ko dito.

Hindi man na nagsalita si Ate Minah, nakita ko naman na sa bibig niya ang salitang 'salamat' bago siya tuluyang umalis.

Hanggang ngayon ay hindi parin dumarating iyong mga bisita. Napunta lang sa Pilipinas, Pilipino time na rin kaya sila? Kaya naman napagdesisyunan ko na lamang na bumalik sa UNB (under the new building). Andito kasi halos lahat ng mga Rondalla members na kanina pa naghihintay.

Tahimik lang ako sa isang sulok nang dumating si Kuya Mark. Minsan talaga na we weirduhan ako dito dahil bigla bigla na lang 'to sumusulpot. Hiniram pa naman ng isang senior namin iyong gitara ko. Wala tuloy ibang magawa dito kung hindi ang manghalungkat sa phone ko.

Hinayaan ko na lamang na umupo si Kuya Mark sa tabi ko at nag tututugtog ng kanyang gitara.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na ganoon, nagulat na lamang ako ng dumating na muli si Ate Minah  na siyang hiniram naman ang gitara ni Kuya Mark.

Ayan parehas na kami na walang ginagawa. Ang tahimik na tuloy.

"Nasaan si Kuya Richard?"

Nagulat na lamang ako noong may nagsalita sa gitna namin. Si Dhenz lang pala. Member rin siya sa prayer room kaya kilala rin ito ni Kuya Mark.

Siguro tamad lang kami magsalita ni Kuya Mark kaya parehas kaming nagkibit balikat na lang sa tanong nito.

Ang tahimik talaga. Mabuti pa 'yung iba ang dadaldal kami naman dito ang tahimik.

Kinuha naman bigla ni Kuya Mark 'yong gitara ko na oo nga pala na balik na kanina pa sa akin. Hindi ko na rin namalayan pa. Hinayaan ko na lamang at nakinig na lang sa tinutugtog nito.

Pamilyar ang kantang tinutugtog nito, alam ko ang title pero hindi ko maalala kung ano ba ito basta alam ko na plucking 'yun kahit na mahina lamang ang kanyang pagtugtog dito ay naririnig ko naman dahil magkatabi lang naman kami.

Na iingit tuloy ako kay Kuya Mark, ang galing gali niya mag gitara. Isang beses rin kasi nakita ko itong tumutugtog ng electric guitar sa harap ng stage. Pero sa kabila ng lahat ng 'yun hindi ko parin alam lung bakit hindi ko ito magustuhan siguro dahil na rin sa ugali nito. O baka hindi lang talaga kami nagkakasundo? Hindi ko alam.

Pagkatapos niya tumugtog niyakap niya na lang 'yung gitara ko. Sabi ko sa inyo ang feeling nito e. May gitara naman siya pero bakit hindi iyon ang gamitin niya?  Hinayaan ko na nga lang tutal ang bastos ko naman kung kukunin ko na lang ng walang pasabi 'yung gitara ko pero teka nga kinuha niya ng basta basta lang sa akin kanina gitara ko e? Aba ewan.

Mabuti pa 'tong si Yannie at Lucy nagtatawanan. Na iinggit tuloy ako.

"Tabi nga tayo Steph, na o-op ako dun ki na Yannie at Lucy e"

Lapit ni Allie at umupo na sa tabi ko. Hulog ka ng langit Allie. Kung alam mo lang kung gaano ka awkward dito kanina pa.

"Ito na nga oh." Sambit ni Kuya Mark habang hawak hawak ang aking gitara.

Tingnan mo 'to ngayon lang ibabalik kasi aalis na siya. Ni wala man lang thank you? Pero syempre since senior nga siya sa amin hinayaan ko na lang rin.

8:00 am

Eksaktong dating ni Maam ang aming Adviser sa Rondalla. Wala itong inaksayang oras kaya naman agad niya kami ipinatawag upang makasabay sa pag practice ang Violin Ensemble kasama ang Salinlahi Dance Troupe.

Hindi rin nagtagal ay nagtanghal na rin kami sa loob ng conference room. Kaming tatlo nila Lucy kasama si Kuya Mark ang magkakatabi habang kami ay tumutugtog sinasabayan ko nga lang si Kuya Mark sa ginagawa niyang chords dahil intro at Am lang naman ang alam ko dito.

Well, I must say na this day is so na kakapagod! pero maganda naman ang kinalabasan. maraming naganap na magagandang pangyayari na talaga naman na ikinatuwa ko..

Nag libot-libot 'din pala kami kanina sa SM bago umuwi at dahil nga malapit ang bahay nila Ate Mirajane at ni Mae Ann doon dinaanan narin namin ang mga luka.

                                                                                                                     

A/N:

annyeong guys! sana nagustuhan niyo please comment, vote, be a fan. ano pa ba? haha bala na kayo? :D

My Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon