Chapter 7.1: Minah's Bad News

122 9 0
                                    


Minah's POV

Wala ng intro intro, ipapakilala ko na kaagad ang sarili ko. Ako nga pala si Minah Jung, 16 years old at 'wag niyo na alamin kung saan ako nag-aaral basta 4th year na ako (picture sa taas). Masaya naman at simple lang kami namunuhay ng Mama at Papa ko kasama ng kapatid ko. 

May kaya kami ngunit alam naman namin kung gaano ka hirap ang buhay lalo na ngayon kaya naman kung ano lang ang kailangan ayun lang ang binibili namin. Pero sabi nga nila lahat ng bagay may katapusan, lahat ng bagay may hangganan. Kaya dapat habang nandyan pa sinusulit mo na, enjoy the moment sabi nga nila.

"Oy Minah pumunta na tayo sa school ng makapag-paalam na tayo sa mga teachers natin." Aya ni Kuya sa akin. Na nagpabalik sa aking wisyo.

Hindi pa nga pala ako nakapag-paalam sa mga kaibigan ko kung ano na nangyari sa akin. Biglaan rin kasi na miski ako hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko.

Tumango na lang ako sa kanya bilang pagsang-ayon at sumunod na rin sa paglakad nito.

FLASHBACK>>

Sabado noong napagpasyahan ni Papa pumunta ng Mall. Magpupumilit sana ako sumama dito ngunit ayaw nito dahil na rin sa papalapit na exams ko sa school.

Kaya imbes na magmatigas ay nag review na lamang ako at umasa sa pasalubong na sorpresa ni Papa pag-uwi niya galing Mall.

Nagbabasa ako ng Kayumanggi namin ng mapansin ko na tumatawag pala ang aking Tito.

Kinabahan naman ako dahil hindi naman kami gaano nakakapag-usap nito. Maliban na lang kung may family reunion kami o mga birthdays kaya bakit naman ito mapapatawag sa akin?

He-hello po Tito? Sobra sobra ata ang  kaba ko ng sagutin ko ang tawag na iyon na miski sa sarili ko hindi ko mawari kung bakit.

"Minah, pumunta ka ngayon dito sa ospital."

P-po?

Dito na nagsimulang bumilis ang tibok ng aking puso. Parang nakikipag karera kahit na nakaupo lang naman ako. Hindi ko alam pero kahit na wala pa sinasabi si Tito kung bakit e naiiyak na agad ako.

"Sige na Minah 'wag ka muna magtanong ng magtanong sa ngayon i se-send ko na lang sayo 'yong address nitong Ospital. Bilisan mo baka maabutan niyo pa siya" Hindi mapakaling sabi ni Tito sa kabilang linya.

Malakas ang kutob ko na kahit hindi sinabi ni Tito kung ano iyon ay sigurado ako na hindi ito magandang bagay.

Pagkatapos ng tawag na 'yon ay dali dali ako pumunta kay Mama para sabihin na puntahan namin ang Ospital na sinasabi ni Tito.

Hindi naman kami natagal dahil malapit lang naman pala ito sa amin kaya lang..

"Ba-bakit ngayon lang kayo?"

Tiningnan lang namin si Tito na naglakad palapit kay Mama at niyakap ito ng napakahigpit.

Hindi na rin napigilan pa ni Tito ang kanyang luha. Umiyak na rin ito kasabay ng pag-iyak ni Mama.

At bilang anak masakit sa damdamin na mawalan ng Tatay sa murang edad pa lamang. Masakit na hindi ko man lang na sabi at na iparamdam na mahal na mahal ko siya.

"Shhh Minah andito lang ako."

Niyakap ako ni Kuya dahil hindi ko na rin namalayan ang aking sarili na kanina pa pala umiiyak.

END OF FLASHBACK<<

"Minah!"

Ay Kuya! Bakit?

"Anong bakit? kanina ka pa tulala diyan e." Masungit naman nitong sabi.

Nag peace sign na lamang ako dito at hinila narin ako nito papuntang building kung saan matatagpuan ang Rondalla class namin.

Pagdating na pagdating namin sa room ay si Kuya na ang kumausap sa Adviser namin samantalang tinadtad naman ako ng mga tanong ng aking mga kaibigan.

"Totoo ba Ate Minah?"

"Condolence Ate Minah."

"Saan na ka burol Papa mo, pupunta kami ha?"

"Condolence, Minah."

Nginitian ko muna ang mga ito bago isa-isahin sagutin ang mga katanugan na itinatanong nila sa akin.

A/N:

short update lang ito pero don't worry may karugtong pa 'to :) pasensya na kung bitin mianhae.

My Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon