ACT 16: Maleficent
NOONG UNANG PANAHON. Sa kagubatan ng Mistwood, si Maleficent ay kilala bilang diwata ng liwanag. Ang bawat yapak niya ay nagdudulot ng pamumukadkad ng mga bulaklak, at ang kanyang tinig ay tulad ng awit na nagpapakalma sa galit na hangin. Gayunpaman, nang makilala niya si Prince Stefan, ang kanyang masayahing puso ay unti-unting natabunan ng damdaming hindi niya maipaliwanag.
Isang gabi, habang ang buwan ay nasa kabilugan nito, niyaya ni Stefan si Maleficent sa gilid ng isang lawa sa kagubatan. Ang tubig ay nagkikislapan sa liwanag ng buwan, ngunit mas maliwanag ang ningning sa mga mata ni Maleficent.
"Salamat sa lahat, Maleficent," sabi ni Stefan. "Kung hindi dahil sa'yo, hindi ko mararating ang kagubatang ito nang ligtas."
Tumugon si Maleficent na may bahagyang pag-aalinlangan, "Walang anuman, Stefan. Pero may nais akong sabihin."
Tumigil sa paggalaw si Stefan at hinintay ang kanyang sasabihin.
"Ang puso ko'y natutong magmahal sa'yo," sabi ni Maleficent, ang kanyang tinig ay nanginginig. "Hindi ko kayang itago ito. Ikaw ang nagbigay sa akin ng kakaibang liwanag na hindi ko pa naramdaman sa tanang buhay ko."
Napailing si Stefan, ngunit sa kanyang mga mata ay may lungkot.
Maleficent," sagot niya, "ikaw ay isang kahanga-hangang nilalang. Hindi mo alam kung gaano ko pinahahalagahan ang ating pagkakaibigan. Ngunit.... ang aking puso ay nakalaan na kay Princess Philippa. Mahal ko siya higit sa lahat."
Natulala si Maleficent, ang bawat salita ni Stefan ay parang dagok sa kanyang puso. Hindi niya ito maitanggi-hindi niya magagawang pilitin ang pag-ibig. Tumalikod siya, ang kanyang mga luha ay tahimik na dumadaloy sa kanyang mga pisngi.
Dumating ang araw ng kasal nina Stefan at Philippa. Ang buong kaharian ay puno ng saya, ngunit si Maleficent ay nagmamasid mula sa lilim ng kagubatan. Sa bawat tugtog ng mga kampana ng simbahan, ramdam niya ang kirot sa kanyang puso.
Nagdasal siya sa hangin, "Bakit ang pag-ibig ay isang bihag ng tadhana? Bakit ang pusong puno ng pagmamahal ay kailangang masaktan?"
Habang ang mga tao'y nagdiriwang, ang liwanag sa paligid ni Maleficent ay unti-unting napalitan ng dilim. Nagdesisyon siyang lisanin ang Mistwood at magtungo sa pinakamalalim na bahagi ng kagubatan, kung saan ang araw ay hindi makakaabot. Sa kanyang labis na dalamhati, nilikha niya ang isang sumpa sa sarili.
"Ako'y matutulog nang habang buhay," aniya, "upang hindi na muling makadama ng sakit. Sa katahimikan ng pag-iisa, mawawala ang lahat ng kirot."
At sa isang iglap, natulog siya sa ilalim ng isang puno, ang kanyang anyo'y tila isang marmol na estatwa, tahimik ngunit puno ng lungkot.
Lumipas ang maraming taon, at ang kagubatan ng Mistwood ay unti-unting naging tahimik at ligaw.
Ang kagubatan ay naging pugad ng mga kuwento ng kababalaghan. Ngunit ang katahimikan ay natigil isang araw nang marinig ni Maleficent ang tinig ng isang bata. Nagising si Maleficent sa isang kakaibang presensya. Isang batang prinsipe, si Prince Philip, ang naligaw sa Dark Forest. Sa unang tingin pa lamang, nagulat si Maleficent. Ang anyo ng prinsipe ay animo'y salamin ng kanyang nakaraan-ang mukha ni Stefan, ngunit may kabataan at inosenteng kislap sa mga mata.
"Kuya Keith, huwag kang lumayo!" sigaw ng isang tinig mula sa di kalayuan.
Lumapit si Maleficent, ang kanyang anyo ay nagmistulang multo sa dilim ng kagubatan. Nakita niya ang dalawang batang prinsipe-si Prince Keith at ang mas nakababatang si Prince Philip.
"Sino kayo, at bakit kayo narito?" tanong ni Maleficent, ang kanyang tinig ay may bahid ng pag-aalinlangan.
"Ako po si Prince Keith, at ito ang nakakabata kong kapatid na si Philip," sagot ng prinsipe.
"P-Philip..." naiusal ni Maleficent.
"Naliligaw po kami. Tulungan niyo po kami."
"Sumunod kayo sa akin," utos niya.
Habang sila'y naglalakad palabas ng kagubatan, unti-unting bumabalik ang liwanag sa paligid ni Maleficent. Nagsimula siyang magkuwento tungkol sa kagubatan, at si Philip naman ay nagtanong nang nagtanong, ang kanyang kuryosidad ay walang hanggan.
"Bakit po kayo nananatili sa kagubatan nang mag-isa?" tanong ni Philip.
"Dahil dito lamang ako nararapat," sagot ni Maleficent. "Dito ako naghilom, at dito ko tinanggap ang aking kapalaran."
Nang makarating sila sa gilid ng kagubatan, humarap si Maleficent sa magkapatid.
"Philip, tandaan mo ito," sabi niya. "Ang kagubatan ay puno ng misteryo, ngunit ang pinakamalaking hiwaga ay ang puso ng tao. Huwag mong hayaan ang sakit na tuluyang maghari dito."
Ngumiti si Philip at niyakap si Maleficent, isang yakap na matagal niyang hindi naramdaman.
"Salamat po," sabi ng prinsipe. "Hindi namin ito makakalimutan."
Habang pinagmamasdan niya ang pag-alis ng magkapatid, naramdaman ni Maleficent ang isang bagong pag-asa sa kanyang puso. Ang sakit ng nakaraan ay hindi na ganoon kabigat. Sa halip, nakita niya ang posibilidad ng bagong simula.
Muli siyang bumalik sa kanyang tahanan sa Mistwood, ngunit ang kagubatan ay hindi na tulad ng dati. Sa bawat araw na lumilipas, bumabalik ang mga dating kulay sa paligid, at ang bawat sulok ng kagubatan ay tila may bagong sigla.
Isang araw, naramdaman niya ang presensya ni Philip sa hangin.
"Balang araw," sabi niya sa sarili, "ang prinsipe ay magiging isang hari, at ang kanyang puso ay magiging akin! "
![](https://img.wattpad.com/cover/8442548-288-k800380.jpg)
BINABASA MO ANG
WARRIOR PRINCESS CINDERELLA
AdventureShe is Eleonor Everwoods, better known as Ella to her friends. Fifteen years old and a Grade Nine student at Fablecrest Academy. She was an ordinary girl-kind and funny. Just like the real Cinderella in the fairy tale, she was also a Damsel in Dist...