ACT 19 : Paghihiganti✔

0 0 0
                                    

ACT 19: Paghihiganti

PAUWI NA si Ella galing sa eskuwelahan. As usual, hindi na naman siya isinabay ng kanyang mga "stepsister" sa sasakyan para umuwi. Hindi rin ;bbbniya kasabay ang kaibigang si Blanca na abala sa tutorial class nito.

Naglalakad si Ella sa kalye habang marahang sumasabay ang alon ng mga ulap sa langit na tila sumasalamin sa kanyang nag-iisip na mukha. Sa kanyang balikat, nakadapo si Paka, ang guardian ng mga Warrior Princesses na tila hindi nauubusan ng kuwento. Sa mga araw ng kanilang pagsasama, tuluyan nang nawala ang takot ni Ella sa mga palaka. Sa katunayan, mas nakasanayan pa niya ang presensiya ni Paka kaysa sa tahimik na si Blanca na kasaluluyang nasa tutorial class.

"So, tell me more about the Black Empire, Paka," tanong niya habang tumitigil sa ilalim ng anino ng isang malaking puno.

Bahagyang tumagilid si Paka, na parang sinusukat ang bigat ng tanong. "Konti lang ang nalalaman ko, Ella. Pero ang sigurado, pinamumunuan ito ng Reyna ng Kadiliman."

"Reyna ng Kadiliman?" Bumuntong-hininga si Ella habang pilit iniisip ang koneksiyon nito sa kanyang panaginip. "Baka siya ang babaeng laging nasa panaginip ko. Laging nakaitim, kaakit-akit pero nakakatakot, at nakakapit sa braso ng isang lalaki."

"Kung ganyan ang eksaktong panaginip mo, Ella," sagot ni Paka, na ngayo'y seryoso na. "Masamang pangitain iyon."

"B-bakit naman, Paka?" nag-aalalang tanong ni Ella, hinihigpitan ang kapit sa strap ng kanyang bag.

"Nangangahulugan ito ng pagkapanalo ng Black Empire... at pagkatalo ng Warrior Princesses."

"Bakit? Anong mangyayari kung matalo tayo? " Nag-aalalang tanong ni Ella, na para bang ang panaginip niya ay totoo nang nagaganap.

"Kapag nagtagumpay ang Black Empire, lulubog ang liwanag sa mundo. Kaya kailangang makita na natin ang iba pang Warrior Princesses."

Huminto si Cinderella at hinawakan ang palaka. "Pero paano natin sila hahanapin, Paka? Ang mundo'y napakalawak!"

"Tulad ng sinabi ko," paliwanag ni Paka. "Lilitaw sa kanila ang marka ng kanilang mga taglay na sandata. Ang maalamat na sandata ng Langit at Lupa . Ang sibat ay nasa pangangalaga ni Snow White. Ang espada naman ay nasa iyo."

Napatigil si Ella. "Pero... anu-ano pa ang ibang sandata?"

"Ang pana't palaso ng katatagan, ang baton ng pag-asa, at ang latigo ng kagitingan. " ani Paka, na tila nasasabik. "Ilan lamang iyan sa mga makapangyarihang sandata ng mga prinsesang tagapagtanggol."

Napatingala si Ella, hinayaan ang malamig na hangin na haplusin ang kanyang mukha. "Lahat pala ng Warrior Principeesses ay may taglay na sandata," sabi niya, na para bang unti-unting naiintindihan ang bigat ng kanilang misyon.

"Tama ka," sagot ni Paka. "Kaya dapat tayong magmadali. Bago pa magtagumpay ang Black Empire."

Biglang tumigil si Ella at itinaas ang kanyang kamao. "Huwag kang mag-alala, Paka. Gagawin ko ang lahat para hindi magtagumpay ang Reyna ng Kadiliman!"

Ngunit bago pa niya maramdaman ang adrenaline, biglang bumagsak ang ulo ni Paka sa kanyang balikat. "Hay, inaantok na ako, Ella, " mahinang sabi ng palaka habang pumikit. Napagod ako sa dami ng sinasabi ko."

Napatawa si Ella. "Hindi ka lang pala madaldal, Paka. Antukin ka rin!" Kinuha niya ang palaka at maingat na inilagay sa bulsa ng kanyang school uniform. "Hay naku, dito ka muna. Don't worry, makakahinga ka naman diyan. Sayang lang at wala si Blanca. Ang tahimik ng araw na ito!"

Habang patuloy siyang naglalakad, naagaw ang kanyang pansin ng isang poster sa labas ng music store. Nanlaki ang kanyang mga mata at napatalon sa tuwa. "Wow! Major concert ni Arielle! Gaganapin ngayong buwan sa Lilo Coliseum!"

WARRIOR PRINCESS CINDERELLA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon