ACT 28: Ang Dalawang Mundo✔

308 8 3
                                    


ACT 28: Ang Dalawang Mundo

Sa loob ng maaliwalas na silid-aklatan ng Fablecrest Academy,ang liwanag ng araw ay dahan-dahang bumabagsak sa makintab na mga estante. Tahimik na nakaupo sina Blanca at Ella sa dulong mesa, habang ang kanilang mga mata ay nasa pahina ng mga binabasa nilang aklat.

"So, paano iyan, nahahati ang puso mo kay Prince Florian at kay Jayden?" tanong ni Ella, pinupuno ng panunuya ang boses nito habang binabasag ang katahimikan.

Napangiti si Blanca, ngunit bakas sa kanyang mga mata ang lungkot. "Naitanong ko na rin iyan sa aking sarili," sagot niya habang tumitig sa labas ng bintana, na parang sinisilip ang malayong hinaharap. "At alam mo ba kung ano ang sagot ko?"

"Hindi pa. Di mo pa naman sinasabi e," sagot ni Ella, nakangisi.

"Ella!" saway ni Blanca, napailing sa pagkakapalusot ng kaibigan.

"Sorry na!" sabi ni Ella, sabay tawa. "Pinagagaan ko lang ang sitwasyon. Di madali ang pinagdadaanan mo, beh. Biro mo, si Jason na taga-Black Empire na mortal nating kalaban, siya pa palang Prince Florian na love interest mo sa mga fairytale books! Tapos, in lababo ka rin kay Jayden na isang pangkaraniwang tao. Ang wild ng love life mo, girl."

Napabuntong-hininga si Blanca. "Kaya nga sinasabi ko sa iyo e," aniya, bahagyang natawa sa kakulitan ng kaibigan. "Alam mo ba kung ano ang sagot ko?"

Umiling si Ella, tinatago ang kaseryosohan sa likod ng biro.

"Dahil isa akong prinsesang mandirigma. Si Prince Florian ang nakatakda para sa akin. He is my destiny. So, kailangan kong kalimutan si Jayden."

---

"Speaking of Jayden," bulong ni Ella habang lumilinga. "Papalapit na siya rito, beh!"

Mabilis na napatingin si Blanca sa pintuan ng silid-aklatan. Tumayo siya, handang umalis, ngunit huli na. Naroon na si Jayden, nakangiti ngunit halatang may kaba sa kanyang mga mata.

"Hi, Blanca," bati ni Jayden, sabay sulyap kay Ella. Tumango lamang si Ella bilang tugon.

"Tayo na, Ella," sabi ni Blanca, iniiwasan ang tingin ni Jayden.

Ngunit mabilis na humarang si Jayden, tinakpan ang daraanan ni Blanca. "Iniiwasan mo ba ako?" tanong niya, ang tinig ay puno ng pag-aalala.

Napatingin si Blanca sa kanya, saglit na katahimikan ang namayani bago siya sumagot. "Kung sasabihin ko na oo, titigil ka na?"

Nanlaki ang mga mata ni Jayden. "Blanca, bakit? Anong nagawa kong mali?"

Ngumiti si Blanca, ngunit halata ang lungkot sa kanyang mga mata. "Hindi ikaw ang mali, Jayden. Ako."

"Hindi ko maintindihan," tugon ni Jayden, isang hakbang na lang ang layo sa kanya. "Bakit mo ako tinatanggihan? May iba ba? Sino? Sino ang lalaking iyon? Iharap mo siya sa akin."

Nilingon ni Blanca si Ella, tila humihingi ng suporta, bago muling tumingin kay Jayden. "Makikilala mo rin siya," aniya, ang boses ay malamig ngunit puno ng kirot.

---

Tulala si Jayden habang unti-unting naglalakad palayo sina Blanca at Ella. Nanatili siya sa kanyang kinatatayuan, tinatanggap ang bigat ng sagot na hindi niya pa rin lubos maunawaan.

"Blanca!" sigaw niya, ngunit hindi na lumingon ang dalaga.

Sa kabila ng tila matigas na desisyon ni Blanca, ang kanyang mga mata ay puno ng luhang pinipigil. Nang makarating sila sa dulo ng pasilyo, tumigil siya sandali, pinilit ang sariling huminga nang malalim.

WARRIOR PRINCESS CINDERELLA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon