ACT 7: Si Blanca Nieves at ang Wonder BoysNANG makarating si Ella sa tarangkahan ng Fablecrest Academy, basang-basa siya mula ulo hanggang paa. Halos wala na siyang pakialam sa itsura niya, basta ang mahalaga ay nakapasok siya. Ngunit habang papasok siya sa bakuran, naramdaman niya ang kakaibang kilabot sa kanyang batok, para bang may nagmamasid sa kanya.
Napalingon siya sa likuran ngunit wala siyang nakita.
"Ano 'to? Ang weird naman ng araw na 'to," bulong niya. Pero binalewala niya ito at agad na tumuloy sa loob ng gusali, hindi alintana na ang kanyang pagdating ay simula pa lang ng mga kakaibang pangyayaring darating.
Sa kabila ng ingay ng kanyang mga kaklase at ang karaniwang gulo ng unang araw ng klase, pakiramdam niya ay may ibang elemento sa paligid. Ang payong na iniabot sa kanya ni Kevin ay hawak pa rin niya nang mahigpit, tila takot siyang mawala ito.
Habang naglalakad siya sa hallway, napansin niya ang mga malalalim na titig ng ilang estudyante. Hindi niya mawari kung bakit tila napapansin siya nang ganito ngayon. Pero inisip niyang baka basa lang ang uniporme niya kaya siya tinitingnan.
Sa di kalayuan, may isang pigurang tila nakatayo sa lilim ng poste. Ang babae sa dilaw na headband. Napakunot ang noo ni Ella. "Bakit siya nandito?" bulong niya sa sarili. Tumingin siya nang mas maigi, ngunit nang siya'y kumurap, nawala ang pigura ng babae.
Nanlamig si Ella at napahigpit ang kapit sa kanyang payong. "Ang weird talaga ng araw na ito," bulong niya. Ngunit sa kabila ng takot, hindi niya mapigilan ang excitement na bumalot sa kanyang puso. Alam niyang may kakaibang bagay na nagbabadya, at hindi niya maipaliwanag kung bakit tila masaya siyang maging bahagi nito.
HABANG nanonood mula sa malayo, naroon ang babae nakatayo sa anino ng mga puno.
*Ang oras ng kanyang paggising ay malapit na.
Nararamdaman ko ang kakaibang enerhiya sa kanya.""Malakas ang enerhiya niya," sagot ng palaka, na napakurap bago itinuro ang direksyon ni Ella gamit ang maliit na kamay nito. "Ngunit tila hindi pa siya aware kung ano ang taglay niya. Kailangan natin siyang bantayan."
Tumango ang babae, ngunit nanatili ang malalim niyang titig kay Ella. "Hindi siya basta-basta. Alam kong malaki ang kanyang gagampanan sa hinaharap."
Naglakad palayo ang babae sa lilim ng puno, na tila naglahong parang usok. Samantala, ang palaka ay tumalon mula sa kanyang balikat at sinimulan ang tahimik na pagsunod kay Ella.
---
"CLASS, we have a new student joining us today," ani Mr. Celso Songcuya, nakangiti sa kanyang advisory class. Gaya ng dati, maraming babaeng estudyante ang tila nawawala sa sarili sa pagtitig sa guro nilang napakaguwapo at simpatiko. Samantalang ang ilang lalaki ay lihim na pinagtatawanan ang pagka-idol ng mga kaklase nila sa guro.
"Sir, ako rin po, bago," biro ng isang estudyanteng lalaki sa likod na ikinatuwa ng kanyang mga kaklase.
"Quiet, everyone," saway ni Mr. Songcuya habang pilit na pinipigilan ang isang ngiti. "Ella, please come in and introduce yourself."
Sa utos ng guro, pumasok si Ella sa classroom. Halata ang kaba niya habang mariing hawak ang strap ng kanyang bag at ang payong ni Kevin. qaaTumayo siya sa harap ng klase at magalang na ngumiti.
"Hi, everyone. Ako si Eleonor Everwoods, pero tawagin niyo na lang akong Ella. I'm 15 years old, and I'm happy to meet you all."
May isang babaeng sumigaw mula sa likod, "Hala, ang ganda niya!"
"Tahimik! Huwag nang mag-comment!" saway ni Mr. Songcuya, ngunit may bahagyang ngiti sa mukha.
Naagaw ng pansin ng guro ang isang magandang estudyante na hindi nakasuot ng school uniform ng Fablecrest Academy, si Blanca Nieves na tumatayong class president.

BINABASA MO ANG
WARRIOR PRINCESS CINDERELLA
PrzygodoweShe is Eleonor Everwoods, better known as Ella to her friends. Fifteen years old and a Grade Nine student at Fablecrest Academy. She was an ordinary girl-kind and funny. Just like the real Cinderella in the fairy tale, she was also a Damsel in Dist...