SPECIAL CHAPTER : ANG BABAE SA TOILET SA THIRD FLOOR - PART D✔

532 10 6
                                    

WARRIOR PRINCESS CINDERELLA

Written By: ABJCStories

Genre: Fantasy, Adventure, Magical Girls, Love and Romance

Date: November 01, 2013

Time: 2:11 P.M.

©ALL RIGHT RESERVED

Author’s Note:

Good Morning! Happy  Halloween po sa inyong lahat! Muli ay tunghayan natin ang ika-apat na bahagi ng Special Chapter ng “Warrior Princess Cinderella”. Ang special chapter na ito ay nangyari after na matalo ng mga Warrior Princess ang magkapatid na berdugo ng Black Empire.  Again, walang taga- BLACK EMPIRE ang mababasa sa kabanatang ito.  Sana po ay maibigan ninyo ang last part. Sa tutuo lang, medyo sabog ang brain cells ko nang mga oras na ito. ^-^

SPECIAL CHAPTER : ANG BABAE SA TOILET SA THIRD FLOOR. MULTO! MULTO! BAKIT KA NAGPAPAKITA? – PART  FOUR(LAST PART)

"LADIES AND GENTLEMEN, we are now here at one of the most awaited events by all of you. The free concert. Let the music begin! Here they are, one of the hottest Pop Idols  in all of Fablecrest Academy, the envy of men, adored by women, fantasized by the gay community, and idolized by lesbians... The Wonders Boys!"

Sa ilalim ng makukulay na ilaw ng gymnasium, isa-isang lumabas ang mga miyembro ng Wonder Boys, bawat isa’y may dala ng natatanging karisma. Ang sigawan ng mga tao ay halos ikabingi ng sinuman. Sa bawat hakbang ni Kevin Metawin, ang kanilang leader, ay lalong nag-iingay ang mga fans. Kasunod niya si Vincent Walker, ang visual ng grupo, na ngumiti lamang at halos matunaw na ang karamihan. Panghuli ay si Theo Wright , ang main rapper, na nagbigay ng malupit na wink sa audience. Ngunit kapansin-pansin ang kawalan ni Jayden Keating, na ayon sa management ay nasa recovery stage pa dahil sa kalusugan nito.
Sa harap ng lahat, nagsalita si Kevin, hawak ang mikropono at puno ng pasasalamat:

“Good evening, everyone! Sa lahat ng mga estudyante ng Fablecrest Academy at sa mga bisitang narito ngayon, maraming-maraming salamat po! Hindi magiging posible ang event na ito kung wala ang suporta ng Student School Government at ng buong eskuwelahan. Nasa recovery stage pa si Jayden dahil sa kalusugan niya," paliwanag ni Kevin nang magsimula ang kanilang performance. "Pero sabi niya, gusto niyang magpasalamat sa inyong suporta. Para sa kanya rin ang gabing ito." 

Naghiyawan ang audience, tila ipinararating kay Jayden ang pagmamahal nilang lahat. 

"Mamaya po, may espesyal kaming duet kasama ang ating 'Perfect Idol,' si Ms. Arielle.” dugtong pa ni Kevin. Sabay turo niya sa isang bahagi ng audience, at doon ay inilawan ng spotlight si Arianna Aquarius, ang pinakasikat na pop idol ng Fablecrest. Kumaway ito sa lahat, ngiti pa lang ay parang umakyat na ang temperatura ng lugar.

“Thank you po! Thank you po!” sabi ni Ariana, kumakaway na parang beauty queen.

Sa gilid, binulungan siya ng kaibigang si Ella.
“Showbiz na showbiz ka, Idol.

"Heh! E ikaw kaya, gusto mo ring sumikat?” ganting sagot ni Aria, sabay kindat. 

“Belat!” tuksong sagot ni Ella, sabay dila, na
ikinailing na lang ni Ariana.

Nagpatuloy si Kevin, puno ng sigla.

“Mamaya po, aakyat si Ms. Arielle dito sa stage. Pero bago ‘yan, kantahin muna namin ang isa sa mga paborito ninyong awitin—‘Aking Prinsesa.’ Para sa inyong lahat ito!”

Nagsimulang tumugtog ang intro ng kanta. Sa bawat nota, parang sumasabog ang damdamin ng mga fans. Tumayo ang balahibo ng marami nang sabay-sabay silang umawit:

Tatawirin ang ilang bundok at dagat...
Makita ka lang at masilayan ang mapupungay mong mata...
Masabi ko na minamahal kita,
Aking Prinsesa, aking prinsesa...

WARRIOR PRINCESS CINDERELLA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon