ACT 21: Ang Bigkis ng Tunay na Pagkakaibigan✔

4 0 0
                                    

ACT 21: Ang Bigkis ng Tunay na Pagkakaibigan

SA TAHIMIK na ikasampung palapag ng condominium, umalingawngaw ang masayang tawa ni Wendy habang sinusubukan niyang sagutan ang isang activity sa harap ng tutor nilang si Blanca Nieves. Nakaupo sila sa maayos na sala, na may mga libro at activity sheets na nakakalat sa mesa.

"Wendy, focus tayo, ha? Sagutan mo itong Activity 12 to 15," ani Blanca habang iniaabot ang isang libro.

"Yes, Ate Blanca!" masiglang sagot ni Wendy, agad na nagtrabaho sa mga aktibidad.

Samantala, si Peter, ang nakakatuwa ngunit pasaway niyang kapatid, ay mukhang walang balak sumunod sa utos. Lumapit ito kay Blanca, may hawak na tablet. "Ate Blanca, laro muna tayo ng Candy Crush, please? Sige na!" nakangiting pangungulit ni Peter, sabay pakyut.

"Peter, mamaya na! Assignment muna bago laro," sagot ni Blanca, ang ngiti'y may halo nang pagod. "Basta matapos mo ang Activity 12 to 15, maglalaro tayo, promise!"

"Ayaw ko!" Nagtampo si Peter, umupo sa sofa at nagkusot ng mukha. Halatang inaatake ng pagka-inis.

Napabuntong-hininga si Blanca. Lumapit siya kay Peter, hinawakan ang balikat nito. "Peter, tandaan mo, kapag natapos mo ito, mas masarap maglaro kasi wala ka nang iniisip na ibang gagawin."

Tumingin si Peter sa kanya, parang nag-aalangan. "Promise ba 'yan?"

"Promise! Scout's honor pa," ani Blanca, sabay taas ng kamay at pilit na ngiti.

Napaayos ng upo si Peter, kinuha ang activity book, at nag-umpisang magsulat. "Okay, pero dapat mabilis ka maglaro mamaya, Ate, ha!"

Pagkatapos ng ilang minuto ng pagtuturo, napansin ni Blanca ang oras sa kanyang relo. Alas-sais na ng gabi. Napakunot ang noo niya. *Bakit wala pa si Paka?* Bulong niya sa sarili.

Tumayo siya, iniwan ang mga bata sa mesa. "Saglit lang, me tatawagan lang akong importante. " paalam niya. Nagmamadali siyang pumunta sa isang sulok kung saan hindi siya maririnig ng mga bata. Pinindot niya ang kanyang communication device na nasa anyong relong-pambisig.

"Ella? Ella? Naririnig mo ba ako?" tawag niya, ngunit walang sumagot. Naulit ang kanyang tawag, ngunit nanatiling walang sagot.

"Anong nangyayari?" Tumaas ang kaba niya. Alam niyang hindi ordinaryo ang katahimikan ni Cinderella.

---
Nagpipilit kumawala si Cinderella habang ang kanyang isip ay nagwawala. "Hindi maaari! Hindi pa ako puwedeng mamatay! Pa'no ang love life ko? Hindi ko pa nasasabi kay Kevin Metawin na crush ko siya! Hu hu hu!"
Umiling-iling si Cinderella.

"Hoy, Cinderella, tumigil ka sa pag-iilusyon!" bulong niya sa sarili habang ginagalaw ang kanyang mga kamay.

"Ha ha ha! Katapusan mo na, Warrior Princess!" muling sigaw ni Jason, kasabay ng pagkislap ng kanyang sandatang sumisimbulo sa kadiliman. Naglalakad ito palapit kay Cinderella , tila inaasahan nang siya'y sumuko.

Huminga nang malalim si Cinderella. "Hindi pa ito ang katapusan, Jason," aniya sa malamig na tinig. Sa kabila ng kaba, pinilit niyang ipakita ang tapang na humihingi ng lakas mula sa puso ng kanyang mga layunin-ang protektahan ang mundo, ang kanyang mga kaibigan, at ang mga inosenteng buhay na nasasangkot sa labanang ito.

"Magnificent Sapphire Blazing Blizzard!"

Nagpakawala ng niyebe si Snow White gamit ang kanyang sibat ngunit mabilis na naiwasan iyon ni Jason. Ang kanyang snowballs ay nagkalat sa lupa, mistulang yelo sa isang nagbabagang gabi.

"Nakakatawa ang laban na 'to," wika ni Jason. "Walang laban ang niyebe sa apoy ko!"

"Sayang!" buntong-hininga ni Snow White habang mahigpit na hawak ang Sibat ng Karunungan. Hindi niya magawang itago ang inis. "Napaka-pilosopo mo talaga, Jason!"

WARRIOR PRINCESS CINDERELLA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon