Tahimik lang ako hanggang sa nakapasok ako sa kwarto, nahiga na ko habang nakatingin ako sa kisame. Naalala ko bigla si papa nung nameet ko daddy ni Kaye. Nagflashback lahat mula ng magkaisip ako. Sobrang close kame ni Papa, papa's girl ako. Lahat ng gusto ko binibigay niya wala akong hiningi na hindi binigay ni papa. Kaya nung nawala siya halos gumuho mundo ko, para akong nalumpo hanggang ngayon di ko matanggap na wala na si papa. Nadudurog ako pag nakakakita ako ng mag ama.
Hindi ko namalayan na naka idlip ako. Nagising ako nag ring phone ko.
'Hello....'
'Nagising ba kita Rhaine?'
'Ok lang Kaye, di ko namalayan na naka idlip ako.'
'Bahay na ko. Ok ka na ba? Mula kasi ng umalis tayo sa resto tahimik ka na hanggang makauwe tayo dyan sa condo mo.'
'Hindi ako ok Kaye....'
Biglang naputol usapan namin.
Nagshower muna ko ng mahimasmasan.
Sakto pag tapos ko magbihis may kumatok.
TOKTOK! TOKTOK!.
'Kaye, anu ginagawa mo dito?'
'Pumunta agad ako dito pag kasabi mo na hindi ka ok.'
'Pasok ka, di ka na sana nag abala'
Hapon n din nung makarating si Kaye dto sa Condo, ano kaya kakainin namin?
'Kaye,nu gusto mo for dinner?'
'Magluluto ka?' Naka ngiting tanong ni Kaye
'Gusto mo ba?' Tanong ko habang nakangiti
'Syempre, sarap mo kaya magluto.' 😊
'Ok lang ba samahan mo ko mag grocery ng lulutuin ko?'
'Sure😊'
Nang makarating kame sa grocery nagulat kame ni Kaye sa nakita namin.
'Si Em-Em.....'
Nagulat ako biglang hinawakan ni Kaye kamay ko. Lumapit si Em-Em samin.
'Rhaine pede ba tayo magusap?'
'Em,tigilan mo na ko please lang!'
'Kaw ba talagang di ka titigil kakakakulit sa Girlfriend ko?'
'Kaye, tama na yan tara na.'
Umalis na kami ni Kaye para di na sila magsapakan at na pansin kong namumula na si Kaye sa galit.
'Kaye, nu gusto mong lutuin ko?'
Di kumibo si Kaye.
'Kaye....'
'Kahit ano kaw na bahala'
Tumahimik na lang ako mukang badtrip pa si Kaye dahil sa pangungulit ni Em-Em.
Tapos na kame mamili, nakauwe na din kame. Hinanda ko na ung lulutuin ko, si Kaye nakaupo lang sa sofa habang nanonood. Halatang wala sa mood si Kaye dahil sa nangyare.
Nagumpisa na kong magluto tahimik lang, di ako sanay ng tahimik pag kasama ko si Kaye.
Tapos na ko magluto, tinawag ko na siya para kumain.
'Kaye, tara na kakain na.'
Tumayo na siya daretso sa lamesa. Nakita ko siyang napangiti sa nakita niyang niluto ko.
Nilagyan ko siya sa pinggan niya, tinikman niya agad toh at napapikit habang nilalasahan niya ang ulam na niluto ko. Hayyy sa wakas ngumiti din siya😊
'Ang sarap ng kare-kare Rhaine! Lam mo ba paborito ko tong ulam.'
'Talaga? Specialty ko kasi yan.'
Tapos na kaming kumain. Busog na busog si Kaye na halos di na siya makahinga.
Umupo ako sa tabi niya.
'Kaye, pasensya ka na kung nawalan ako ng sa mood after ng lunch ah?'
'Bakit nga ba Rhaine?'
'Nagflashback lang lhat kanina nung nakita ko kung gano kayo ka close lahat sa daddy mo.'
'Sorry Rhaine....'
'No Kaye its ok! Di mo naman kasalanan eh'
Nagulat ako ng bigala niya kong niyakap ng mahigpit.
'Kaye, bka gabihin ka...' bigla akong kumawala sa pagkakayakap niya.
'Sige pala Rhaine uwi na ko.'
'Ingat ka tawag ka pag bahay ka na ha?'
'Yes Boss!' Nakangiting sagot ni Kaye.
Makaraan ang isang oras, tumatawag na si Kaye.
'Hello, bahay ka na?
'Yes wifey! Hahahaha'
'Wifey? Sira ka tlaga! Sige na pahinga na tayo at alam ko may praktis ka pa bukas at pagod ka din.'
'Sige! Kaw din ha pahinga ka na.'
'Goodnight Kaye!'
'Goodnight Rhaine!'
Nakaramdam na ko ng antok, kaya nahiga na ako.
Habang nakahiga ako pinanonood sa youtube lahat ng video ni Kaye, naiinlove na ata talaga ako sakanya. Hayyyssss! Tama na Rhaine di pede maging kayo malabo as in! Makatulog na nga lang ako.
YOU ARE READING
I Am Your Angel
FanfictionFirst time qng gagawa ng story so hope you like it... Hindi about toh sa buhay talaga ni Kaye Cal nainspire lang ako gumawa ng story na siya ang Main Character.. medyo maiiyak kayo sa story,matatawa,kikiligin, maiinspire... sna magusyuhan niyo... In...