Confession

3 0 0
                                    

Rhaine's POV

Hindi ko alam dapat kong gawin ,di ko din alam dapat kong maramdaman. Bakit kailangan niya kong saktan ng ganito? Tama nga siguro si EmEm na sasaktan lang niya ko pag nalaman niya ung sakit ko, siguro di siya ung tipo ng tao n magaalaga ng may sakit. Dapat pinakinggan ko si EmEm dapat di ako nagpadala sa nararamdaman ko noon. Nagsisisi na ba ako dahil sa nangyayari? Ayoko magsisisi dahil mahal na mahal ko siya at siya ung magandang nangyari sa buhay ko. Gusto ko siyang yakapin at halikan pero mas nanaig ung galit ko at sakit.

Lumabas ako ng kwarto para maglakad at para na rin makalanghap ng sariwang hangin.
Umupo ako sa buhangin tinawagan ko si Rhea.

'Hello Best! Kamusta na?
'Uy best! Eto ok naman, kaw kamusta ka na? Ano balita sayo? Naging kayo lng ni Kaye nakalimot kana?'
'Sorry Best, di naman sa ganon ang dami lang nangyare kaya di kita masyadong nakakausap. Rhea bumalik ung sakit ko, stage 4!
'Sinabi nga sakin ni EmEm, best may problema ka noh?
'Wala best, namiss lang kita namiss ko lang ung kaingayan mo,hahahahaha!
'Best naman eh!
'Oh bakit ka naiyak Best? Patay na ba ako para iyakan mo?
'Baliw! Nakakapagbiro ka pa talaga ng ganyan ha? Alam mo naman na ikaw lang bestfriend ko, best magpapagaling ka diba? Wag mo kaming iiwan ha? Pero anong problema Best?
'Wala nga! Namiss lang talaga kita. Oo best magpapagaling ako.'
'Kilala kita Best, may problema ka! Ano yun, bilis?'
'Si Kaye kasi Best, niloko niya ko....'
'Ano?! Asan ka pupuntahan kita wag ka ng umiyak diyan.'
'Best andito kami ni Kaye sa Davao, pero umalis ako sakanila nandito ako sa resort.'
'Ha?! Eh sino kasama mo diyan?'
'Wala ako lang Best😞'
'Wait lang Best may tatawagan lang ako, tawagan kita after.'

Binaba na namin ung phone ni Rhea. Pumikit ako at huminga ng malalim ng biglang......

'Rhaine.......'

Nagulat ako bigla akong napadilat. Dahan dahan akong tumingin sa likod ko.

'Em! Anong ginagawa mo dito? Pano mo.....'
'Diba sabi ko sayo kahit san ka pumunta lagi akong nandito? Alam ko nagaway kayo ni Kaye. Tumawag sakin si Rhea kaya tumawag ako kay Kamille tinanong ko kung nasaan ka, sinabi nga niya na nandito ka, ano bang nangyari?'
'Si Kaye Em niloko ako, nakita ni Elis si Kaye sa mall na may kasamang babae, si Carla ung Ex ni Kaye. Ang paalam niya sakin nung time na un matutulog siya, pero nagsinungaling siya. Di ko alam bakit niya ginawa wala naman akong alam na may ginawa ako para lokohin niya ako. Tama ka Em sasaktan lang niya ko dahil bumalik siguro ung sakit ko kaya nagbago na siya. Ang sakit lang Em kasi sinugal ko kahit alam kong mali at marami akong pwedeng maging kaagaw sakanya pero mas pinili kong mahalin siya. Ayoko magsisi kasi naging masaya naman ako kahit papano. Pero Em ang sakit'
'Tahan na Rhaine nandito na ko, sasamahan muna kita dito, nagusap na ba kayo?'
'Kanina nanadito siya gusto niya makipag usap pero pinaalis ko siya, ayoko siyang makita.'

Niyakap ako ni Em, ng bigla may tumulak kay Em. Si Kaye!!!!!

'ANONG GINAGAWA MO DITO! BAKIT KAILANGANG LAGI KANG NASUNOD KUNG NASAN KAMI? ANO BA TALAGANG GUSTO MONG MANGYARI? Sigaw ni Kaye kay Em

Tinulak din ni Em si Kaye!

'WALA KANG PAKE KUNG LAGI AKONG NASUNOD SAINYO! PINAGKATIWALA KO SAYO SI RHAINE! KAHIT ALAM KONG SASAKTAN MO LANG SIYA! BAKIT KAILANGAN MONG SAKTAN SI RHAINE NG GANTO, ANO PORKET BUMALIK SAKIT NIYA LOLOKOHIN MO NA LANG SIYA NG GANON GANON!'

'WALA KANG ALAM EM WALA KANG ALAM! KAYA WAG KANG NANGENGEALAM AT PASOK NG PASOK BASTA BASTA SA EKSENANG DI MO NAMAN ALAM! BAKA NAKAKALIMUTAN MO EM NILOKO MO DIN SIYA NOON, KAYA WAG KANG UMASTA NA PARANG DI MO DIN SIYA NILOKO NOON!'

Naiyak ako sa sinabi ni Kaye, so totoo ngang niloloko niya ko, para na rin niyang inamin na niloloko niya ko.

'SO TOTOO NGA KAYE? NILOKO MO KO? BAKIT ?ANONG GINAWA KO SAYO PARA LOKOHIN MO KO? KASALANAN KO BA KUNG BUMALIK UNG SAKIT KO? GUSTO KO BA TO? GINUSTO KO BA TO?'

'Rhaine, di mo naiintindihan di kita niloko o niloloko. Ang hirap ipaliwanag pero magtiwala ka, walang namamagitan samin ni Carla. Magkaibigan lang kaming dalawa, di ko magagawang saktan ang babaeng minahal ko at minamahal ko araw araw, alam ng Diyos yan. Kung alam mo lang araw araw kong dinadasal na sana ako na lang, na akin na lang yang sakit mo. Mahal na mahal kita Rhaine sana maniwala ka.'

'Ewan ko Kaye di ko na alam kung anong totoo o hindi sa mga sinsabi mo'

'Eto ang totoo Rhaine ung pagmamahal ko ang totoo. Un lang ang dapat mong paniwalaan.'

Alam ko mahal ako ni kaye pero ang hirap hirap di ko alam kung ano ba talagang nangyayari o ano ba ang balak niya samin.

Umalis muna ko, bumalik ako sa kwarto nagshower ng mahimas masan. Ilang minuto natapos na kong maligo at magbihis.

Kaye's POV

'Em, di ko niloloko si Rhaine. May surprise ako saknya dito sa resort na toh. Di ba nakanta siya dati? Un sana gusto kong gawin bukas bago ako mag propose ng kasal gusto ko muna siyang marinig kumanta, pwede mo ba akong tulungan? Si Carla sinamahan niya ko bumili ng engagement ring para kay Rhaine'

'Sorry Kaye kung may nasabi akong di maganda, tama ka wala akong alam. Ayoko lang masaktan si Rhaine dahil alam mo naman kung gano ko siya kamahal. Hanggang ngayon mahal na mahal ko pa din siya, pero dahil meron kana sa buhay niya nirerespeto ko un. Sige Kaye ako bahala ituloy mo yang surprise mo. Sasamahan ko muna si Rhaine para magawa mo ung binabalak mo. Magtiwala ka sana di ko aagawin si Rhaine sayo. Tanggap ko naman na din.'

'Salamat Em. Sige asikasuhin ko muna lahat, kaw na muna bahala kay Rhaine.'

'Sige.'

Salamat naman at naintindihan ako ni EmEm, kaya panatag na loob ko para magawa ang plano ko. Alam ko matutuwa si Rhaine at bandang huli maiintindihan niya din ako.

Natawagan ko na din ang mama ni Rhaine pati si Eli. Si Kamille papunta na din pati sila mommy at daddy para matulungan ako, pati mga pinsan at kaibigan ni Rhaine pupunta dito bukas ng madaling araw kasabay sila Tita at Elis. Gabi pa naman ang surprise kaya kelanagn ng magpahinga at maaga pa ko bukas.

I Am Your AngelWhere stories live. Discover now