Kaye's POV
Ginising ako ng nurse na nagmamadali.
'Sir gising po! Nasan po yung pasyente?'
'Ha? Tita, si Rhaine wala!' Asan kaya yun?
Tinawagan ko si Kamille para papuntahin agad dito. Tinawagan ko din si Rhaine pero Out Of Coverage Area ung phone niya. Diyos ko na saan na kaya siya!
'Nurse, pwede ba natin icheck yung CCTV ng Hospital?'
'Sige po, wala naman problema eh.'
'Kaye, nasan na si Rhaine? Nasan na ang anak ko, di siya pwedeng umalis delikado...' iyak ng mama ni Rhaine.
'Don't worry tita hahanapin ko siya, pupuntahan ko lang ung CCTV para malaman kung anong oras siya nakalabas ng ospital.'
Madaling araw umalis si Rhaine sa Ospital. Wala naman siyang alam na pwedeng puntahan dito at di niya kabisado.
Pumunta ako sa Chapel para magdasal.
'Diyos ko, ituro niyo po sakin kung nasan si Rhaine, wag niyo po siyang pababayaan.'
Bumalik na ko sa kwarto baka sakaling nandun na siya.
'Dad! Mom!' Sabay yakap ng mahigpit. Natatakot ako na baka may mangyari na di maganda kay Rhaine.
'Don't worry anak nagpatulong na kami sa mga pulis na hanapin si Rhaine.'
Wala akong idea bakit ginawa toh ni Rhaine alam niyang delikado! Nagsisimula na yung inis ko sa kanya! Ano bang gusto niyang palabasin?! Na di niya kami kailangan?! Grabe naman ata siya!
'Kaye, tinawagan ko si Em-Em baka sakaling alam niya kung nasan si ate.'
'Ha?panong may alam siya Eli Davao toh hindi Manila! Sana di mo na siya tinawagan!'
'Sorry Kaye nandito din kasi siya. Nung umalis kayo sinundan niya kayo. Dahil bago kayo magkakilala ni ate napansin na daw niya na may mga pasa na naman si ate kaya nagalala siya. Sumunod siya dito. Malaki kasalanan ni Em-Em kay ate nasaktan niya toh ng sobra kaya gusto niya bumawi kahit alam niya na ikaw na mundo ni Ate. Mula nang niloko ni Em-Em si ate binuhos na ni ate lahat ng atensyon niya sayo bilang Fan, nagtaka nga kami kasi para pinaikot ni ate sayo ung mundo niya. Minahal ka niya ng higit sa pagmamahal ng isang Fan,at alam un ni Em-Em, pero hinayaan na lang niya un kasi nga nasaktan niya si ate at alam niya malabong magkakilala kayo ni ate. Pero nung nalaman ni EmEm kay Rhea na nagkakilala kayo bigla niyang pinuntahan si ate un ung time na nagkakilala kayo. Nagaalala si EmEm na baka iwanan mo siya pag nalaman mo ung naging sakit niya, sana maintindihan mo Kaye, mahal lang talaga ni EmEm si ate kaya nagawa niyang sundan kayo. Hinahanap na ni EmEm si ate ngayon.'
Ganon pala ako kamahal ni Rhaine, minahal niya ng higit sa pagmamahal ng isang Fan.
'Eli, hinding hindi ko iiwan ang ate mo, kung ako ang mundo niya sia naman ang buhay ko, mamamatay ako pag nawala ate mo, siya lang minahal ko ng ganto siya lang nagparamdam saken ng ganto. Hindi sumagi sa isip ko na iwan siya.'
Lumabas ako ng Ospital para hanapin si Rhaine, kailangan makita ko siya!
Rhea's POV
Ang ganda ganda sa lugar na toh parang paraiso sa ganda.
Pumunta ko sa isang simbahan para tanungin siya kung bakit..
'Bakit? Bakit ngayon pa? Kung kelan masaya na ko kung kelan natagpuan ko na yung taong mamahalin ako? Masamang tao ba ko para parusahan mo ng paulit ulit? Di naman ako nagkulang ha? Araw arw gabi gabi nagdadasal ako nagsisimba din naman ako, pero bakit ako? Ang daming masasamang tao pero ako pa din pinili mong ilagay sa ganitong sitwasyon!'
Walang mapaglagyan ang luha ko, nasasaktan ako natatakot ako sa mga pwedeng mangyari. Pano sila mama at Eli? Pano si Kaye pag nawala ako? Ang daming tanong sa isip ko.
Inabot na ko ng gabi, pero ayoko pa din bumalik sa ospital ayokong makita sila na nagaalala at naawa saken.
Binuksan ko ang cp ko and daming messages at miscalls, si Kaye galit na galit na, pero parang wala akong pake kung lahat sila magalala at magalit saken. Ang gusto ko lang mapag isa un lang!
'Rhaine....'
Nagulat ako sa tumawag saken
'Em-Em, pano mo.....?'
'Mula ng umalis kayo ni Kaye papunta dito sinundan ko kayo. Nagalala ako sayo dahil yung huling kita natin napansin ko na may mga pasa ka na naman sa braso mo, kaya nagalala ako sayo, natakot ako na bumalik ang sakit mo at iwan ka ni Kaye pag nalaman niyang may sakit ka noon, Rhaine mahal na mahal pa din kita pero alam kong nasaktan kita kaya lahat ng oras at pagmamahal mo binuhos mo kay Kaye, sobra akong nasaktan nung nalaman ko kay Rhea na magkakilala kayo ni kaye. Nasa ospital ako nung sinugod ka ni Kaye nasa hotel din ako nung maging kayo nasa loob ako ng restroom kaya lahat narinig ko, nakita ko lahat Rhaine kung pano mo siya titigan at halikan na di mo nagawa sakin. Tanggap ko lahat un Rhaine, halos gusto kong magwala nung nalaman ko na bumalik ung sakit mo, hiniling ko na sana sakin na lng ung sakit mo kasi di mo deserve yan, napaka bait mong tao, kung pwede ko lang akuin lahat ng sakit mo gagawin ko makabawi lang sa lahat ng naging kasalan ko sayo. Patawarin mo ko Rhaine, mahal na mahal kita.' Umiiyak si EmEm habang nagkwekwento, hinalikan niya ko sa kamay.
Umiiyak lang din ako, alam kong sobra ang pagsisisi ni EmEm pero huli na si Kaye na mahal ko. Niyakap ko lang ng mahigpit si EmEm.
'Matagal na kitang napatawad Em, kalimutan mo na yun. Kalimutan na natin ung mga nangyari'
'Tinawagan ako ni Eli nagaalala silang lahat sayo lalo na si Kaye, bumalik na tayo sa Ospital,please. Masyado ng gabi bka mapano ka pa.'
Bumalik na kami sa ospital.
YOU ARE READING
I Am Your Angel
FanfictionFirst time qng gagawa ng story so hope you like it... Hindi about toh sa buhay talaga ni Kaye Cal nainspire lang ako gumawa ng story na siya ang Main Character.. medyo maiiyak kayo sa story,matatawa,kikiligin, maiinspire... sna magusyuhan niyo... In...