Kaye's POV
'Rhaine, na saan ka na ba! Sobra na ko nagaalala!' Kinakausap ko sarili ko habang naiyak.
Si Eli tumatawag.
'Kaye nandito na sila ate. Bumalik ka na'
Salamat po Diyos ko. Pauwi na ko nagmamadali na ko di ko alam sasabihin ko sa kanya pag dating ko dun.
Nagpark na ko ng kotse. Tumatakbo na ko.
Huminga ako ng malalim bago pumasok.
'Hubby!' Niyakap ako ni Rhaine ng mahigpit. Pero di ako yumakap sa kanya.
'Pwede po ba kaming magusap ni Rhaine?'
Lumabas silang lahat. Nilock ko yung pinto. Lumayo ako kay Rhaine.
'ANO SA TINGIN MO GINAGAWA MO RHIANE?!! ANONG PUMASOK DYAN SA UTAK MO AT NILAYASAN MO KAMI?!! DI KA BA NAGIISIP KUNG MAGAALALA LAHAT NG TAO SAYO DITO?! DI KA BA NAAWA SA MAMA MO! SA KAPATID MO! SA AKIN?! WALA NA BA KAMING HALAGA TALAGA SA'YO?! RHAINE NAMAN PANO KUNG MAY NANGYARI SAYO?! INIINGATAN KA NAMIN PERO IKAW MISMO NAGPAPAHAMAK SA SARILI MO!!!! HALOS MABALIW NA KO KAKAISIP KUNG SAN KITA HAHANAPIN KUNG NAG PASSED OUT KA NA NAMAN BA! KUNG KUMAIN KA NA BA?!'
Di pa ko tapos magsalita ng biglang..............
'RHAINE!!!!!!!!!!!!!!!'
Hiniga ko si Rhaine sa kama niya. Binuksan ko agad ung nurse at cla tita.
'NURSE! TULONG SI RHAINE! TITA SI RHAINE PO!!!!!'
Pinuntahan agad ng nurse at Doctor si Rhaine.
'She's ok mukang na pagod lang siya at naistress, natakot din siguro siya dahil nagaalala kayo,maya maya lang gigising na yan at maghahanap ng pagkain. Wag na kayong magalala'
Nahimasmasan na ko. Sobrang laki ng takot ko. Ngayon lang ako natakot ng ganito.
Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa sobrang pagod at pagaalala, nakauwe na din silang lahat at kami lang ni Rhaine ang naiwan dito.
Nagising ako dahil kay Rhaine.
'Hubby....'
'Hmmmmmm,bakit wiffey anung masakit sayo? Nagugutom ka ba?'
'Galit ka pa ba? Wag ka ng magalit ha? Alam ko nagalala ka kaya ka nagalit, sorry Hubby iloveyou...'
'Di naman ako galit Wiffey nagalala lang talaga ako sayo, di ko magagawang magalit sayo, mahal na mahal din kita Wiffey.'
'Hubby nagugutom ako....'
'Sige anong gusto mong kainin?'
'Kahit ano na meron dyan.'
Ininit ko yung ulam na dala kanina nila mommy.
Sinubuan ko siya. Para makakain siya ng maayos. Habang sinusubuan ko siya kinausap ko siya ng maayos.
'Wiffey, wag na wag mo ng uulitin na aalis ka ha? Nakakabaliw kasi eh. Alam mo naman lagi kang nahihilo db? Please Wiffey don't do it again.'
'Yes Hubby di ko na po un uulitin. Sorry...."
Tapos na siyang kumain,kaya pinatulog ko na siya.
Nakapag pabook na din ako ng flight namin para bukas.
Nakakabaliw pala pag nawala ung taong mahal mo, halos di ko alam san magsisimulang mag hanap kanina. Habanag binabantayan ko si Rhaine may biglang nagbukas ng pinto.
'Kaye.....'
Si EmEm....
'Pasok ka, kala ko nakauwe ka na?'
'I want to talk to you Kaye.'
'Sige upo ka, nga pala salamat kanina ha? Siguro kung di mo kami sinundan dito sa Davao di namin mahahanap si Rhaine, salamat tol!'
'Wala un, to be honest Kaye, masakit tong ginagawa ko pero lahat toh ginagawa ko para kay Rhaine. Alagaan mo siya ha? Wag mo siyang iiwan kaw ang mundo niya. Nung naging kami ni Rhaine kagagaling lang niya nun, kinuwento sakin ni Rhaine ung pinagdaanan niya. Para kaming bestfriend ni Rhiane noon. Pero nung nasaktan ko siya lahat nagbago. Napansin kong lahat ng gig mo at t.v guestings mo nandun siya. Tuwing live kang sasalang sa contest nandun siya. Nakikipag siksikan siya makita ka lang niya. Sa mga mall shows mo. Kahit out of town or out of the country na pag popromote mo ng show niyo nandun siya, wala siyang pinalalagpas na mga shows mo. Siya din un mysterious girl na nagpapadala ng gift sayo twing birthday m at pasko. Ganon ka kamahal ni Rhaine. Nung nakita ko kayo sa restroom nung birthday ng papa sobrang sakit ung titig niya at pag halik sayo na never niyang nagawa sakin un ung nagpamulat sakin para palayain na si Rhaine. Kaye mahalin mo siya higit sa pag mamahal na binibigay niya sayo.'
Sobra kong naiyak sa kinuwento ni EmEm, sobra ang effort na ginawa ni Rhaine saken. Siya pala ung babaeng lagi kong nakikita na nanonood tuwing may mga shows ako
'Before I forgot, pabalikin mo siya sa pinaka gusto niyang ginagawa dati.'
'Anu un EmEm?'
'Ang pagkanta....'
Ha? Nakanta pala si Rhaine...
'Sige EmEm ako na bahala dun. Salamat talaga'
'Sige Kaye baka mahuli ako sa flight ko'
'Sige ingat ka.'
Ang dami kong nalaman tungkol kay Rhaine. Nagpahinga na din ako para bukas sa paguwe pabalik ng Manila.
YOU ARE READING
I Am Your Angel
FanfictionFirst time qng gagawa ng story so hope you like it... Hindi about toh sa buhay talaga ni Kaye Cal nainspire lang ako gumawa ng story na siya ang Main Character.. medyo maiiyak kayo sa story,matatawa,kikiligin, maiinspire... sna magusyuhan niyo... In...