Natapos ang meeting na mukang okay naman..nasa tabi ko lang nun si pitt na nakikinig at pamaya-mayang nagte-take down notes about sa mahahalagang bagay na tino-topic namin sa conference room
Ng makalabas na kaming dalawa ay dumiretso kami sa elevator,inutos ko sakanyang pindutin ang ground button na ginawa naman nya.magkatabi kami at para syang batang pakanta-kanta habang nakatingin sa numbers
"Akin na yung mga tinake-down notes mo titignan ko!"sabi ko sakanya.kinuha nya iyon sa folders na yakap nya saka inabot sakin ng hindi manlang ako tinitignan.ignoranteng genie
Halos mahulog ang panga ko sa sahig ng makita ang nasa book..all this time akala ko tumino sya pero mukang hindi..paano'y puro drawings ang nasa notebook.asan ang mga mahahalagang topic na nadiscuss kanina sa meeting?!naloko ako a..
"Hoy!diba sabi ko sayo na yung mahahalagang topic ang isulat mo?bakit ka nagdrawing?.anong kala mo dito sketch book?!".bulyaw ko sakanya,humarap sya sakin ng tuluyan na parang inosente..ibaon ko kaya tong genie na to..
"Eh kasi ang bibilis nyong magsalita wala akong naintindihan kaya nagdrawing nalang ako para atleast may ginagawa din ako!".anito,halos mapasabunot nalang ako sa buhok sa sobrang inis..
Wala rin palang kweta ang pagsama ko sakanya sa meeting room.ibalik ko nalang kaya si elli?!.
Ng bumukas ang elevator ay nagmamadali akong naglakad palabas ng building..ramdam kong nakasunod sya pero hindi ko sya pinapansin..nakakainis alam nyo yun?!.pumasok nalang ako sa kotse ko at nakita ko syang biglang sumulpot sa tabi ko
"Galit ka ba Carl?.sorry na oh..natandaan ko naman yung mga sinabi nyong lahat magmula sa umpisa!"nakangiti nyang sabi habang nakatingin sakin..tuluyan akong napaharap sakanya ng nakakunot ang noo
"And why the hell should i believe in you?.e ang dami-dami nung pinag-usapan namin?!".iritang turan ko,,kinuha nya yung isang mahabang book tapos tinakpan nya ng palad nya,,nakita kong lumiwanag yung palad nya at buti nalang tinted tong bintana ko sa kotse kundi iisipin ng mga makakakita e gumagawa ako ng milagro
Ng matapos sya ay pinakita nya sakin ang nakalagay sa book at halos mamangha nanaman ako ng makita ang bawat salita at pinag-usapan naming lahat roon.medyo natawa ako dahil kahit ang pag-ubo at pag-excuse ng isa kong ka-meeting ay nailagay pa rito..no wonder wala palang imposible sa babaing to..dapat yata sanayin ko narin ang sarili kong alamin na ang kakayahan nya
Nawala rin ang inis ko dahil madali naman palang makasight ang babaing to kapag badtrip na ko kaya mukang makakasundo ko rin sya yun nga lang minsan pasaway parin talaga sya
"Saan nga pala tayo pupunta?".she ask out of the blue.hawak parin nya yung libro pero mukang wiling-wili syang nakatingin sa labas
"Sa boutiques..bibilhan ka ng bagong damit.kasi yang mga sinusuot mo gamit ng magic mo parang hindi katiwa-tiwala..and doon ka sa bahay ko titira".sabi ko sakanya,,tawa naman sya ng tawa na parang may nakakatawa sa sinabi ko..baliw na genie=_=
Ng makarating sa bilihan ng damit ay pumasok na kami,,pinagtitinginan kami ng mga tao pero hindi ko nalang pinansin.pero itong katabi ko parang tuwang-tuwa sa nakukuha nyang atensyon.kumapit pa sya sa braso ko pero tinanggal ko.ayaw nyang tumigil sa pagkapit kaya bandang huli ay hinayaan ko nalang,naisip koring baka mawala sya at maligaw dahil sa laki ng mall na to.e gusto ko nga yun e ang maligaw sya para hindi na sya makabalik
Habang naglalakad ay palihim nya kong sinisiko.inis akong napatingin sakanya."problema mo?"
"E kasi kanina pa nakatingin satin yung mga tao..ano bang meron?".inosenteng tanong nito kaya muntikan akong mapabunghalit ng tawa
"E ikaw ba naman may kasamang gwapo talagang pagtitinginan ka nila.sa lugar ba ng mga genie walang ganun?".tanong ko,umiling-iling sya
"Isa isa kami ng lalagyang lampara kaya hindi kami nagkakasama.!"sabi nya..napaisip lang ako,,kung iba siguro yung nakuha kong genie yung mas maganda sana tapos sobrang sexy saka madaling mapaliwanagan at higit sa lahat hindi pasaway gaya ng katabi ko siguro payapa ang buhay ko ngayon
"Hoy alam ko yang pumapasok sa isip mo..!"angil nya kaya natahimik nalang ako at buti nalang narating na namin yung bilihan ng damit,dito ko rin kasi madalas bilhan ng damit si ash kapag binibigyan ko sya ng gifts or presence..i'm not good at chosing some proper dress na babagay sa kurba ng babae o sa balat nya buti nalang may saleslady dito na nagbibigay ng advice sakin kaya nagugustuhan ni ash yung mga nabibili ko kahit hindi ako nagagandahan sa mga yun..lagi kasing revealing at ayoko ng ganun
Buti nalang talaga at kasama ako sa pagbili dahil kung mag-isa lang sya ay baka kung anu-anong damputin gaya ngayon..puro men's underware ang kinukuha..napapahilamos nalang ako ng muka sa sobrang kunsumisyon sa genie nato
BINABASA MO ANG
GENIE'S WILL [COMPLETED]
FantasyAno nga kaya ang kahihinatnan ni Carl sa pagpapalaya nya sa mahiwagang babae sa lampara?! Swerte ba o malas?!sumpa ba o pag-ibig na di inaasahan?!