GENIE#2

584 18 1
                                    

Binalya nya ko sa isang malaking kama dito sa hotel,naririnig ko parin mula dito ang tugtog at kasiyahan sa engagement party nila ate saka ni kuya jam.I sigh,thank god my body touched the soft bed




"Bye alis na 'ko.basta ikaw nalang bahala bukas sa sarili mo,ikaw na rin ang bahala sa food service mo!"





Sandali akong nagmulat ng mata saka sya tinignan na akma ng lalabas sa pinto




"Teka!!..ano nga palang pangalan mo?"tanong ko,lumingon sya sakin saka ngumisi ng kakaiba






"Ako pala si merry..isa sa mga staff dito sa hotel".sabi nya saka na sinara ng tuluyan yung pinto.sayang hindi manlang ako nakapagpasalamat sakanya pero di bale.staff naman pala sya dito kaya bukas ko nalang sya hahanapin para makapagpasalamat narin






I was about to close my eyes to drift on sleep ng mapansing may kakaiba sa kwarto kaya nagmulat agad ako ng mga mata.what the--






Kulay blue ang paligid ng kwarto maging ang kama ko puro bulak at hindi na sya kama..napaupo ako habang iniinspeksyon ng tingin ang paligid..dala lang ba 'to ng kalasingan ko oh ano?.nananaginip ba ko o tinitiktik.?teka wala namang buntis kaya scratch the last word..





Makinang ang kapaligiran na para akong nasa fairytales..marami ngang kayamanan at ginto sa paligid pero dinedma ko lang..mayaman ako kaya hindi ko na kaylangan ng mga ginto na 'yan.






May nakita akong bagay sa mahabang silya na gawa sa ginto ata kaya tinignan ko,nakakaagaw pansin iyon at napakakinang..para akong minamagnet papunta roon.napapalibutan parin ito ng usok na kulay blue..ng makalapit ako ay nawala ang usok kaya nakita ko na kung ano iyon..ISANG LAMPARA?!






Lampara sya na kulay silver pero muka namang luma.ibang-iba sa mga kulay ng bagay dito sa paligid ko..agad ko syang kinuha saka pinasadahan ng tingin







"Magkano kaya to sa sanglaan?!".nasabi ko nalang habang nakatitig sa lampara.aksidente ko itong nabitawan kaya pinulot ko..napangisi ako ng maalala yung palabas na alladin..kinuskos roon yung magic lamp kaya may lumabas na genie kaya ayun ang ginawa ko






Pero ilang minuto ko pa yung ginagawa ay wala paring genie ang nagpapakita..ginogoyo lang ata ako ng lamparang to e..kaya binato ko nalang yun sa gilid..walang kwenta,,naalala kong lasing lang ako kaya tinulog ko nalang ang lahat..may naririnig pa kong kalabog pero hindi ko na nakuhang idilat ang mga mata ko dahil sa hinila narin ako ng antok

***************************************




Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa muka ko..dahan-dahan akong bumangon at sandaling umupo sa kama..nakapikit parin ako habang kinakapa ng paa yung tsinelas pero wala at tanging carpet lang ang nararamdaman ng paa ko..nagmulat ulit ako ng mga mata at mas lalo lang lumaki dahil naalala kong wala nga pala ako sa kama ko at nasa isang hotel ako



Tumingin ako sa paligid at tama nga ang hinala ko.iba ang arrangement ng mga gamit dito..tumayo nalang ako at medyo nagtaka ng makitang naka-sando ako at boxer shorts..e kagabi naka-formal suit ako a..saan galing 'tong suot ko?! Ito ang isa sa  main reason kung bakit ayokong masyadong magpakalasing..I don't remember any single damn thing the next day






Pumunta nalang ako sa banyo para maghilamos at ayusin ang sarili..pagka-ayos ay agad na kong nagpalit nung suit na soot ko kagabi saka na lumabas ng kwarto.pero bago ko tuluyang isara ang pinto ay sumulyap ako sa huling pagkakataon sa loob ng kwarto pero wala namang bago bukod sa magarang kwarto..parang pang VIP pa ata pero walang kaso yun sakin.ang iniisip ko lang is yung atmospera kagabi..baka nananaginip lang talaga ako






Pagkababa ko galing sa elevator ay bumungad sakin ang iilang tao sa lobby,,may mga nagbabasa ng dyaryo.may kagagaling sa jogging,,meron namang ginagala ang mga aso nila..pumunta na ko sa receiption area at nakita roon ang isang magandang receiptionist.ngumiti ito sakin ng nakakaakit pero hindi ko yun pinatulan





"How can i help you sir?!".pilyong tanong nito sakin,,kung chickboy lang siguro ako ay baka muli akong babalik sa nilabasan kong kwarto kanina dala ang babaeng to,,but i'm not like that..ayokong magpaka-cheap




"Itatanong ko lang sana kung nasan yung nagngangalang merry?!"pagdidiretsa ko.kita ko ang pagkunot ng noo nya kasabay ng pagpapaputok ng bubblegum nya tapos dinilaan nya yung bawat gilid ng labi nya na parang nagpapa-akit pero may bahid parin ng pagtataka





"Merry?.but sir i dont know what are you talking about?wala akong kilalang merry?"





"Eh isa raw sya sa mga staff dito..sya ang nagdala sakin kagabi sa kwarto ko at magpapasalamat sana ako sakanya.!"





Sandali syang yumuko at may kinuha sa cabinet..nakita kong isa iyong makapal na libro at mukang iniisa-isa nya ng tingin ang pahina..kumunot ulit ang noo nya sabay baling ng tingin sakin





"But sir walang merry ang name na naka-assign kagabi at kahit sa iba pang sections walang merry na empleyado dito"..taka nyang sabi sakin at maging ako ay nagtaka narin.may nakita syang dumaan sa likod ko kaya tinawag nya ito





"Ayla ayla may itatanong ako!"sabi nya..tumingin saglit sakin yung tinawag nya saka ito kumindat ng palihim sakin kaya napataas ako ng isang kilay..




"Diba ikaw ang isa sa mga staff na nandito kagabi?.may nakasama ka bang empleyado na merry ang pangalan?!".kita kong kunot ang noo nito saka umiling




"Wala tayong merry na katrabaho..marami nga kami kagabi ang naka-assign dahil sa may engagement party dyan sa convention pero kilala ko lahat ng nakasama ko sa trabaho!"..ani nya




"Sorry sir pero walang merry dito..but if you want ako nalang sir i'm free and single!".pilyong sabi nya.napa-roll eyes ako.binigay ko sakanya ang credit card kaya ini-swipe na nya.





"You know what.just do your f*cking job and stop flirting because i have a girlfriend!"..mariin kong sabi sakanya saka na sya tinalikuran at naglakad palabas ng hotel na nagtataka..pero katulad ng suot nung merry yung uniform nila






Napangisi ako ng makita parin ang nakatindig na montero ko sa parking lot.uuwi nalang muna ko sa condo then magbi-breakfast and pasok sa office

GENIE'S WILL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon