Nakatitig lang ako sa ballpen na kanina ko pa pinapaikot-ikot sa daliri..kaninang umaga pa lipad ang isip ko,,no actually kagabi pa to e,,nung huli kong nakita si pitt kagabi..pagkatapos nun bigla na syang nawala,,hanap ako ng hanap kagabi sakanya pero hanggang ngayon hindi parin sya nagpapakita sakin..at nakakabaliw yung ganitong pakiramdam
Pagkagising ko kanina umasa akong paglabas ko sa pintuan ng kwarto ay naroon na sya at kumakain,,titingin sya sakin at biglang ngingiti pero wala..malugkot na sala ang nabungaran ko paglabas ko sa kwarto
"Hey babe are you still listening?kanina pa ko nagsasalita and it looks like na hindi ka nakikinig..nasa iba ang isip mo",,saka lang ako tuluyang napatingin kay ash na kanina pa pala nandito sa office ko,,may pagtatanong sa muka ko syang tinignan pero napa-roll eyes lang ito
"I'm sorry ash,,im not feeling well lang ngayong araw..siguro napagod ako kagabi dahil sa kasiyahan sa park"pagdadahilan ko,tumango sya na mukang naintindihan,,buti naman dahil wala ako sa mood na makipag-usap sakanya at ang tangi lang laman ng isip ko ay si pitt
Where the hell are you genie?!,i'm so damn worried about you..
Pag-alis ni ash sa opisina ko ay walang gana kong pinindot yung intercom,
"Jenna..may mga naka-sched pa ba kong meeting ngayong araw?!",tanong ko habang nakapikit at nakasandal sa inuupuan.
"Ayon dito sa records wala pa naman po so far sir,wait diba dapat po yung sekretarya nyo yung tinatanong nyo sir?!",,tanong nito pero nagpasalamat nalang ako saka na ito pinatay,,napagdesisyunan ko nalang na umuwi dahil wala naman na kong gagawin dito
Habang nagmamaneho ako ay naalala ko yung mga araw na kasama ko si pitt,,yung mga unang araw na kasama ko sya,,yung time na inis na inis ako sa weirdong yun..pero ngayon naiinis nako hindi dahil sa ayaw ko parin sakanya,yun ay dahil hindi pa sya nagpapakita sakin magmula kagabi at alalang-alala na ko sakanya..saan ka ba nagpunta pitt?!
Walang gana akong naglakad papunta sa condo,,i dont know what's gotten into me at naghagdan ako,,the typical Carl that everybody knows ay lalaking maselan,maarte ayaw napapagod..kahit nga dati sira yung mga pisting elevator e pinilipit kong sumakay dahil ayokong naghahagdan..pero ngayon hindi ko ramdam yung pagod,,ang tangi ko nalang nararamdaman ngayon ay ang sakit sa loob at pag-aalala,,
Pagbukas ko ng pintuan ay may anino ng tao akong nakita,,dahan-dahan pa ito at mukang may hindi magandang gagawin,,aba may pincode na nga tong mga units dito may nakakapasok paring magnanakaw..dapat ata double lock code para hindi mapasok e..akma ko na syang hahampasin ng biglang bumukas ang ilaw at gulat na muka ni pitt ang nabungaran ko
Naka-cross arms pa ito.."ano ba carl?!,nakakagulat ka ah!",bulyaw nya..napahinto ako sandali at napako sa kinatatayuan ko,,ng mahimasmasan ay nagmamadali akong lumapit sakanya saka sya niyakap ng mahigpit,,yung yakap na hindi ko na sya papakawalan pa
"Carl hindi kaya ako makahinga..huy ano ba?!"natatawa nyang sabi pero hindi ko sya pinansin at napapikit pa ko habang yakap parin sya..inis akong kumalas saka sya hinawakan sa magkabilang braso
"Saan ka ba nagpunta?!..kagabi pa ko hanap ng hanap sayo?!alam mo ba kung gaano ako nag-alala na halos masiraan ako ng bait..hindi ka manlang nagsabi kung saan ka pupunta para sana hindi ako hanap ng hanap sayo na parang tanga!"..bulyaw ko sakanya,,galit na galit parin ako pero hindi naman sakanya,,kundi sa sarili ko.eto naman si weirdo tumatawa lang saka ulit ako niyakap
"Sorry carl..patawad,nakita ko kasing napakasaya mo kagabi habang pinapalibutan ka ng mga kaibigan mo saka ni ashley,,pati na yung ate mo at ng mga kakilala nyo..ayoko namang maging panira kaya umalis na muna ako!"..malungkot na saad nya,napabuga ako ng hangin saka sya hinarap ng seryoso
"Hindi ka panira pitt,,oo masaya ako habang kasama sila kagabi,pero mas masaya kung ikaw yung nandoon,ikaw yung kasama ko,,kahit nga ikaw lang ang kasama ko masayang-masaya na ko at hindi ko na kaylangan ng kahit sino!"pagtatapat ko,,nanlalaki ang mga mata nya sa sinabi ko pero bahala sya,wala akong balak na bawiin ang mga sinabi ko at wala na kong pakialam sa iisipin nya basta gusto kong sabihin.sasabihin ko..yung mga lalaki kasing hindi nagtatapat ng totoong nararamdaman nila,sila pa ang bigo sa huli
"A-anong ibig mong sabihin carl?!gulat na tanong nito sakin,ako naman ang ngumiti this time
"Gusto kita..i need you in my life pitt..i want you and~~
"And?!pabitin ano na?!",apuradong sabi nya,gusto kong matawa sa itsura nya
"I love you pitt..nung nawala ka kagabi i realized something..i realized na ikaw ang gusto ko,,ikaw yung nakapagpalabas ng mga ugaling kahit sarili ko hindi ko alam na may ganun pala akong kakayahan..you gave me reasons to smile everyday when i started my day..ikaw ang nagiging inspirasyon ko kahit napaka-takaw mo at weirdo.kahit hindi ka totoong tao ikaw ang gusto ko.pitt please,,say the same!"..pakiusap ko sakanya,dahil ngayon din kung sasabihin nyang may chance ay gagawin ko ang lahat,hindi ako magsasayang ng oras na iparamdam sakanya ang totoong saloobin ko
Ngumiti ito ng napakatamis saka ako niyakap.."Carl..i'm sorry!".sa sinabi nya ay para akong pinagsakluban ng langit at lupa,lumungkot din ang muka nya..naramdaman ko nalang ang mainit na tubig na bumagsak sa mga mata ko
"I'm sorry carl pero handa na kong baliin ang batas at sequence ng mga genie para sayo..para sayo carl handa akong sumugal at harapin ang mga mangyayari sa paglabag ko sa aming batas pero sa ngayon..ipaparamdam ko sayo ang feelings ko para sayo"..sabi nya sabay bigay ng damping halik sa labi ko,,ngumiti ako dahil sa sinagot nya kaya kinabig ko pa sya saka hinalikan ng matagal.hindi sya tumutol at sya pa ang nagtulak sakin para mas mahalikan sya..perks of being pandak nga naman
From now on,,ipaparamdam ko kay pitt na nandito ako para sakanya..ako naman ang tutupad sa hiling nyang makaramdam ng may nagmamahal sakanya..
BINABASA MO ANG
GENIE'S WILL [COMPLETED]
FantasiAno nga kaya ang kahihinatnan ni Carl sa pagpapalaya nya sa mahiwagang babae sa lampara?! Swerte ba o malas?!sumpa ba o pag-ibig na di inaasahan?!