[ kindly play this chapters song-->>Model by before you exit]
Nakangisi ako habang nakatitig sa sariling repleksyon sa full length mirror..hindi naman sa nagbubuhat ako ng sariling bangko pero ang gwapo gwapo ko naman ata..haynaku parang gusto ko na ngang sambahin ang sarili ko dahil sa itsura ko..no wonder noong elementary highschool or nung college days ako maraming naghahabol saking chicks..pero syempre hindi ko pa kilala si pitt that time kaya hindi pa ko naliliwanagan at nagtitino
"Hayy!may maganda talagang naidudulot ang pagiging magandang lalaki,no wonder kahit genie nainlove sakin!"..sabi ko sa sarili ko,,naisipan ko nalang na hintayin si pitt sa sala dahil may date kami.niyaya ko sya kagabi at pumayag sya ng wide open arms
Nakarinig na ko ng pagbukas ng pinto kaya inayos ko na yung suot kong damit saka na tumayo sa sofa.paglabas ni pitt ay halos mapanganga ako ng ilang segundo..
Napakaganda nya sa suot nyang long white sleeves saka palda na kulay black..tapos sinuot nya narin yung binili kong black pumps sakanya..para akong nakakita ng dyosa ngayon,,pero nagtaka lang ako dahil kumulot pa yung buhok nya tapos bumalik sa pagiging itim
"Ano carl magtititigan nalang ba tayo dito?.hindi pa ba tayo aalis?",nakangiting sabi nya,,natauhan ako sa pagkatulala saka sya dahan-dahang nilapitan at ng magkaharapan kami ay isa lang ang nailabas ng bibig ko
"Ang ganda ganda mo!".tumawa lang sya saka na ko hinila paalis.e pano napako na ko sa kinatatayuan ko sa pagkatulala sakanya
Nagmamaneho na ko pero panay sulyap ko sakanya,,magka-holding hands narin kami,,
"Pitt bakit nga pala naging itim yang buhok mo?!diba kulay puti na lahat yan?"..
"Nilagyan ko lang yan ng wig.konting magic kasi hindi bumagay yung ayos ko sa white hair ko kaya nag-wig nalang ako..bakit hindi ba bagay,,hindi mo ba nagustuhan?"painosenteng sabi nya pero hinalikan ko sya ng mabilisan sa pisngi saka nagpatay-malisyang tumingin sa kalsada,,pero kahit anong ayos nya,,sya parin ang mamahalin ko,humagikhik nalang sya sa ginawa ko..sus dipa sabihin kinikilig na yan
Mabuti nalang at nakarating na kami sa resto..pinagtitinginan nga kami ng mga taong madaanan namin,,may mga bumubulong pa ngang perfect couple daw kami.pero itong katabi ko panay kaway na kala nya celebrity sya..napangiti nalang ako ng lihim
Pinauna ko syang pinaupo,nagpasalamat sya kaya tumawag na ko ng waiter..kiakausap ko palang yung waiter ay hinablot na nya dito yung menu at nagkikinang ang mga matang nakatitig sa mga pagkain doon,yung waiter naman gulat na gulat habang ako e napapakagat sa labi at pinipigilang huwag matawa ng malakas
Habang kumakain ay hindi ko maiwasang hindi sya titigan,,hindi na ata ako magsasawa..nakapangalumbaba nalang ako habang nakatingin sakanya na maganang kumakain,,ang kalat na ng bibig nya kaya sumenyas akong lumapit sya, sakin.ang cute pa ng muka nya habang unti-unting nilalapit yung muka nya,,pinagsalikop ko yung pisngi nya saka sya hinalikan sa labi at ako na ang naglinis ng kalat sa bibig nya..
"Kala ko magtatagal yung kiss mo,,paasa ka!"nakabusangot na sabi nito habang nakatingin sakin,,may kinuha na ko sa bulsa ng slacks ko,,isang red box na maliit tapos pinakita ko sakanya
Nabitawan nya yung manok na kinakain kaya natawa ako,,kinuha ko yung napakalambot nyang kamay saka sinuot yun sa kanang daliri..manghang-mangha syang nakatingin doon saka bumaling sakin na nakangiti with matching big eyes
"A-anong ibig sabihin nito Carl..?!"sabi nya,,ang cute cute nya lang na gusto ko ulit syang halikan
"Tanda yan ng pagmamahal ko sayo pitt..i love you!"..sincere kong sabi,,may nilabas syang blue dust sa kamay nya pero nasa ibaba ng mesa nya iyon tinago,ng iangat nya yung kamay nya ay may singsing narin syang hawak at kinuha ang kamay ko saka sinuot sakin yung singsing..
"Dapat ako rin may ibibigay na singsing para sa pagmamahal korin sayo..unfair kung ikaw lang,,i love you too din carl,,hanggang langit!"..parang batang sabi nya
Saglit na tumunog ang phone ko kaya nag-excuse muna ko,,tumango naman sya habang panay kain parin tapos tingin ng tingin sa singsing
Halos magunaw ang mundo ko at mabitawan ko ang phone sa sobrang shock dahil sa sinabi sa kabilang linya
NAG-AAGAW BUHAY DAW NGAYON SI ASH SA OSPITAL MATAPOS MAGLASLAS..
BINABASA MO ANG
GENIE'S WILL [COMPLETED]
FantasíaAno nga kaya ang kahihinatnan ni Carl sa pagpapalaya nya sa mahiwagang babae sa lampara?! Swerte ba o malas?!sumpa ba o pag-ibig na di inaasahan?!