GENIE#18

363 14 1
                                    

Magka-holding hands kaming dalawa ni pitt habang nalalakad-lakad sa sea side,,ako na ata ang pinakamasayang lalaki sa universe..hindi mabura ang ngiting kanina pa nasa labi ko..at ayoko itong mabura lalo na't kasama ko ang babaing nagiging dahilan ng mga ngiti ko ngayon






Muli ko syang sinulyapan habang naglalakad parin kami,,may kinakain syang ice cream tapos sa bulsa nya may mga kendi..ang sarap nyang kurutin at panggigilan sa totoo lang..ayaw nya raw kasing mabitawan ang kamay ko pero gusto nyang kumain kaya ayan sya..dalawang kamay nya may hawak-hawak







Nakakita ako ng bench kaya inaya ko muna syang maupo dahil mukang nababagot na syang kakalakad..baka gusto nya rin munang kumain,,tss hindi naman tumataba pero parang construction worker kung lumamon.,naaalala ko tuloy si arci sakanya






Hinahaplos ko ang buhok nya na ngayon ay puting-puti na lahat..kitang-kita ko nung isang gabi kung paano nagliwanag yung buhok nya tapos unti-unting nakukulayan ng puti..marami ngang nagtatanong sakanya kung saan daw sya nakabili at nakakita ng pang-kulay sa buhok na puti para daw pang-highlights lang..di ba nila alam na natural yang pumuti..!!




"Pitt?!"




"Bakit?"





"Hindi ba napapagod yang panga mo?kanina ka pa kain ng kain."tanong ko sakanya,ngumiti lang ito saka umiling kaya pasimple akong napangiwi







"Hindi ako mapapagod dahil mahal kita..BOOM!".sabi nya saka tumawa ng mataginting..napatingin samin yung mga dumadaan at pasimple akong kinikindatan lalo na kapag batang babae o teenager ang dumadaan..iniirapan ko nga dahil wala akong pakialam sakanila,si pitt lang ang papansinin ko kapag sya ang kumindat sakin






"Joke ba yan?!.pick up lines ba yan?"..naitanong ko nalang habang kaakbay sya..hindi ko kasi maipag-konek kung ano bang pagkakaparehas nung tinanong ko sa sinabi nya..para talagang tanga tong genie na to..pero mahal na mahal ko sya kahit ganyan sya





"Pitt after this ihahatid na muna kita sa condo..pupuntahan ko si ashley to make this things clear between us..kaylangan kong iurong ang kasal namin and..makikipaghiwalay na ko sakanya,,,dahil ayoko na syang lokohin na mahal ko pa sya kahit hindi na,at pati sarili ko hindi ko na kayang lokohin"







Niyakap nya ko sa bewang kaya nalagyan ng ice cream yung damit ko..hayaan na nga.."natatakot ako na baka magalit satin si ashley..baka kasuklaman nya tayo..ayoko pa naman ng may nagagalit sakin"






"At ayoko rin namang lokohin pa ang bawat isa satin..kaya ngayon palang sasabihin ko na ang desisyon ko kay ash,masakit to sa part nya but i think its the right thing to do"..sabi ko habang nakatanaw kaming dalawa sa dagat at pinapanood ang payapang alon







"Andito lang ako para sayo carl..!"mahinang sabi nya saka sumandal sa dibdib ko at pasimple pa nyang inaamoy..halos matawa ako sa huling sinabi nya






"Eng benge ni fefe cerl...emey yemmey!"kakanuod nya yan ng mga malalanding scene sa tv kaya nagagaya sya pero hayaan na


***************************************

*PAKK*


Napatingin ako sa muka ni ash na ngayon ay hindi na mailarawan..basang-basa na ang muka nya sa kakaiyak,,i felt guilty at the same time mas nangibabaw ang urge na ipagtapat sakanya ang nararamdaman ko








Tahimik lang akong nakikinig sa sumbat nya..afterall ay kasalanan ko rin,pero sana pagkatapos ng mga sumbat nya sakin ay maging maayos na ulit sya,,hindi ako ang lalaking para sakanya at hindi ako ang deserving sa pagmamahal nya







"Parang nung isang gabi lang nag-propose ka sakin ng kasal tapos ngayon ito na,,nakikipaghiwalay ka na sakin.ano pa bang pagkukulang ko ha carl?tell me?".sigaw nya habang panay iyak parin








"No ash,.wala kang pagkukulang,,sadyang hindi lang siguro tayo para sa isa't-isa..ayoko ng lokohin ka pati na ang sarili ko..na hindi na pala kita mahal",mahinahong pagpapaliwanag ko sakanya pero panay iling lang sya








"Ginawa ko naman lahat para sa relasyon natin..ginawa ko naman lahat dahil mahal kita pero bakit ganyan ka?parang napakadali lang sayo ng lahat carl?!".








"I'm sorry ash..pero hindi na talaga kita mahal,"








"Is this because of pitt?,,answer me carl!si pitt ba ang dahilan kung bakit ka nakikipaghiwalay?"..







Wala akong nagawa kundi ang tumango dahil kaylangan kong ipagtapat sakanya na gusto ko si pitt at wala akong balak na mawala pa sya sakin








"Humanda sakin ang babaing yan,,akala ko mabait sya at inosente pero may tinatago palang kalandian at bitchness sa katawan..!".galit na galit na sabi nya kaya bumangon narin ang galit sakin,,hindi ko sya hahayaang kantiin nya kahit dulo ng daliri ni pitt







"Don't you dare hurt pitt or else kakalimutan kong minahal kita ash at baka ano pang magawa ko sayo..stop it will you?tanggapin mo nalang na darating tayo sa hiwalayan.grow up ash,.makakahanap ka pa ng mas better sakin.again im sorry but we're done!"..sabi ko saka na naglakad palabas ng bahay nya.naririnig ko pa ang pagtawag nya sakin at ang malakas na pag-iyak nya..nasasaktan din naman ako na nakikita sya sa ganung kalagayan pero tama na to..









Pagkasakay ko sa kotse ko ay saglit akong napatingin sa bahay ni ash..bigla nalang akong napangiti dahil parang may kung ano sa loob ko na nagkaroon ng kalayaan at kasayahan

GENIE'S WILL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon