Chapter 6: Investigation

154K 4.6K 243
                                    

┏━━━❆❘༻🀦༺❘❆━━━┓

INVESTIGATION

┗━━━❆❘༻🀦༺❘❆━━━┛

Hindi ko napaghandaan ang katanungan na 'yon. Hindi sumagi sa isipan ko na makakahalata sila. I remember what just happened a while ago. Muntik nang mawala sa akin si Sendy. Napakawalang kwenta kong Ina dahil hindi ko siya kayang ipagtanggol. Gusto ko lang naman siyang protektahan pero bakit parang salungat sa akin ang kapalaran? Bakit kailangang humantong sa ganito ang tahimik naming pamumuhay noon?

"She's an orphan. Galing siya sa Angel's Home na bahay ampunan at ipinaampon sa akin."

"Hindi po ba sumagi sa isip niyo na you are a Sorceress and she's just a normal person? Alam niyo po na pwedeng malagay sa kapahamakan ang buhay niya dahil nasa puder niyo siya." Naguluhan ako sa sinabi ni Airyn.

"Paano siya malalagay sa panganib kung ako ang kasama niya? Isa akong Sorce—"

"That's not her point, Sorceress," pagsabad ni Charlie. "I guess you have no idea what just happened in the academy these past few days?"

"Magsimula nang manirahan kami rito, naputol na rin ang komunikasyon ko sa mundong iniwan ko. Wala na akong balita sa school niyo." That's true. Wala na akong balita roon. 

They all sighed.

"Your life is also in danger now, Sorceress!" Jater exclaimed. 

My eyes widened. Ano?!

"What? But how?! Hindi ko kayo maintin—"

"They were looking for you, Sorceress! Akala ng mga Dark Nox Pugnator ay nasa academy pa kayo!" 

Hindi ako makapagsalita dahil sa sinabi ni Kairo. I don't know what to think. At sino naman ang mga Dark Nox Pugnator? Bakit ngayon ko lang narinig 'yan?!

"Ngunit bakit nila ako hinahanap?! Sino ang mga 'yan? I've never heard them before!"

"Sorceress, they are the Dark Night Fighter! They are our enemies! Pagkatapos ng paglusob ni Chaos ilang taon nang nakararaan, mas lalo pa siyang lumakas ngayon at dumami ang mga alagad niya!" nababahalang sambit ni Jater.

Napatingin naman ako kay Airyn. "Jater is right. We don't have any idea why they're looking for you. Maraming nadamay na kapwa naming estudyante dahil sa biglaang paglusob nila sa academy. At ang nakakapagtaka ay kung paano sila malayang nakapasok sa academy! Our academy is the safest place after all! Hindi sila basta-bastang makakapasok lalo na't marami muna silang dadaanang patibong at ang academy ay may makapal na barrier kaya invisible ito sa paningin nila!" mahabang paliwanag ni Airyn. 

CREWD ACADEMY: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon