Chapter 53: L Tournament Part 4

77.4K 2.8K 758
                                    

□◇◇♡◇◇□

LUMINOUS TOURNAMENT

PART 4

□◇◇♡◇◇□

Nang makabalik si Sendy ay puro tanong ang bumungad sa kaniya. Habang si Charlie ay casual lang na umupo ulit sa pwesto niya.

"Bakit naman ang tagal mo? By group na ang mga naglalaban, oh! Nauna nga sina Drage, Kliffer at Jater, eh. Sayang hindi mo napanood ang galing pa naman nila," sambit ni Dara.

"Tinawag kasi ako ng kalikasan kaya natagalan hehe..." pagdadahilan ni Sendy. Natawa na lang sila.

"Ito na ang huling round para sa boy groups na maglalaban. This time, walang guardian na tutulong sa kanila. Are you ready, students?!"

Malakas ang hiyawan ng mga babae. Halos mabingi ang mga boys sa kanila. Tumingala na ang lahat sa screen at hinihintay kung sino ang unang boy group.

The first group:

Charlie Forsyth - Red Flames

Kairo Terrenz Chandler, - Earth Element

Ash Wang - Ash Creation

Moon Junhui - Electricity

Minghao Seo - Bones

The second group:

Neithan Fier Forsyth - Blue flames

Drage Farland - Dragon

Vendell Caldwell - Vampire

Jeonghan Yoon- Glow in the Dark

Joshua Hong- Hearing

"OH MY GOSH! PRINCE CHARLIE!"

"GO! GO! PRINCE NEITHAN!"

"Hala! Ang gwapo naman n'ong Minghao ba 'yon? Gosh!!"

Nang makaapak na sila sa stage ay puro hiyawan pa rin ang mga babae. Sino ba naman ang hindi mapapahiyaw sa kagwapuhan ng mga maglalaban ngayon.

"Woah! Girls, kalma! Ako lang 'to!" pagbibiro ng emcee.

Natahimik naman ang lahat.

"Wow! 'Yon lang pala ang magpapatahimik sa inyo! Grabe kayo sa 'kin!"

Natawa naman ang lahat dahil doon.

"Okay! Ano ang ipapangalan niyo sa grupo niyo, Prince Neithan?" tanong ng emcee.

Napatingin naman si Neithan kay Sendy na siyang kinagulat niya. Naisip niya na bakit pa kailangan ni Neithan na tumingin sa kaniya.

"Selegend," nakangiting sagot ni Neithan sa emcee.

Parang kumabog naman ang puso ni Sendy sa hindi malamang dahilan. Ngunit pinagsawalang bahala niya na lang ito. 'Baka coincidence lang', aniya.

"Selegend? Wow! Paano mo naisip 'yon?"

Ngumiti naman si Neithan. "Nakuha ko sa special na pangalan."

"Wow! What about, Prince Charlie—"

"Engot."

Muntik pang masamid ang emcee dahil sa sagot ni Charlie. Mukhang wala pa nga ito sa mood dahil nakakunot ang noo nito.

"Itatanong ko lang po sana kung ano name ng grupo niyo," nahihiyang sambit ng emcee.

"Engot nga! Ba't ba ang kulit mo?"

CREWD ACADEMY: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon