Chapter 48: Training Part 3

89.8K 3K 471
                                    

□◇◇♡◇◇□

TRAINING PART 3

□◇◇♡◇◇□

ANTHONETTE'S POV

Mabilis ako umalis doon at hindi makapaniwala sa nakita at nalaman. Shit! No way! Hindi totoo ang lahat ng 'yon! Hindi siya ang Luminus Princess!

Bakit Luminus Magic ang hawak niya?! Hindi naman siya ang Luminus Princess?!

"She's not the—hmm!" May bigla na lang tumakip sa bibig ko at hinatak ako papunta sa gilid kung saan walang makakakita sa amin.

Nang tanggalin na niya ang kamay niya sa bibig ko ay nagulat ako.

"Charlie?! Why did you do that?!" Umawang ang sulok ng labi ko. Feeling ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa pisngi ko. May feelings na ba siya sa akin?

Pero nawala ang ngiti ko nang mapansin ko ang mga matatalim niyang tingin sa akin. Bigla akong kinabahan.

"W-why? Did I do something wrong? Bakit ganiyan ka kung makatitig? N-nakakatakot.." I asked stuttering.

"Don't tell anyone what have you heard nor seen."

Kumunot ang noo ko. "What? I don't get you—"

"Nakita mo. Alam mo ang kakayahan ni Selendria."

My eyes grew wider. "Alam mo rin?! You saw it, too?! Siya ba ang nawawalang prinsesa?!" I exclaimed. Ngunit parang ayaw kong marinig ang magiging sagot niya dahil alam ko naman na.

I just can't accept the fact that Selendria is the long lost Luminus Princess! Ayoko! Ayokong tanggapin! Please! Pwede namang iba, bakit siya pa?! Shit!

"You already know the answers to your questions."

I bit my lower lip because of frustration. "No! This can't be! She's not the Luminus Princess! Baka nagkukunwari—"

Unti-unti siyang lumapit sa akin kaya napaatras ako. Parang ang bigat sa pakiramdam ng mga titig niya. Napasandal ako sa pader.

"Wala akong pakialam sa sinasabi mo. Just shut the fuck up and don't tell to anyone!"

Hindi ako nagpatinag. Bwisit na Selendria! "If I don't want to? Bakit hindi ko pwedeng sabihin sa kanila? What are you going to do if I'll tell them?" mapanghamong tanong ko.

He grinned. Tinapat niya ang bibig niya sa tainga ko. "You know what I can do. Wala akong sinasanto."

Iniwan niya akong nakatulala roon. No... This can't be! Hindi siya ang Luminus Princess!


"Ahhh! I will kill you, Selendria!"


SELENDRIA'S POV


Nang makarating ako sa dorm ay nadatnan ko silang nakahilata at mukhang pagod na pagod mula sa training. Sana ay hindi sila maghinala sa akin kung bakit laging wala ako sa training. Dinadahilan ko pa si Principal Grey. At alam naman ng Principal ang ginagawa ko kaya pinagtatakpan niya ako.

"Oh, ano? Tapos na ba ang pinapagawa ni Principal Grey sa'yo? Last training na lang bukas, 'di ka pa ba sasama?" tanong ni Dara habang nakahiga sa sofa at minamasahe naman ni Val ang mga paa ni Dara. Swerte naman.

"Tapos na at sasama na rin ako."

"May cookies ba?" agad na tanong ni Faye.

CREWD ACADEMY: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon