Last Chapter: Fallen

92.4K 2.8K 537
                                    

□◇◇♡◇◇□

Fallen

□◇◇♡◇◇□


Kanina pa gumagawa ng paraan si Faye kung paano niya makakalagan ang mga kadenang nakagapos kay Sendy. Kapag sinusubukan naman gamitin ni Sendy ang magic ay mas lalo lang siyang nasasaktan.

"Anong klaseng kadena ba mga ito at bakit ayaw rin gumawa ng magic ko rito?!" reklamo ni Faye.

Nagulat naman sila sa babaeng dumating.

"Avrelle?"

Naging emotional si Avrelle habang unti-unting lumalapit kay Sendy. Tumango ito. "Ako si Avrelle... ang matalik na kaibigan mo noong mga bata pa tayo."

Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Sendy nang marinig iyon kay Avrelle. Nagsimula na rin tumulo ang luha niya dahil sa sobrang saya. "Ikaw rin ang nagligtas sa akin noong mga bata pa tayo."

"Dahil iyon ang tungkulin ko at dapat na gawin dahil kaibigan mo 'ko."

Binuksan ni Avrelle ang palad niya at naroon ang susi. Kinuha naman agad ni Faye iyon at nagmadali. Ngunit hindi pa man nagagamit ni Faye ang susi nang mapasigaw si Sendy.

"You're a traitor."

"Avrelle!" sigaw ni Sendy at nag-umpisa nang uminit ang mga mata niya dahil sa mga bumubuhos niya luha.

Napatingin si Avrelle sa dibdib niya at may espadang nakatarak doon na nanggaling sa kaniyang likuran. Hindi namalayan ni Avrelle na bigla na lang pa lang sumulpot sa likuran niya si Ivory. Sumuka siya ng maraming dugo. Maging si Faye ay nagulat at hindi nakagalaw sa nasaksihan.

"Sinira mo ang tiwala ko sa 'yo. You deserve to die!" sigaw ni Ivory at binunot ang espada kaya bumulwak ang dugo mula sa katawan ni Avrelle.

Tira tumigil ang oras. Tila hindi natulala si Sendy sa nasaksihan. Naninikip ang dibdib niya at hindi makahinga sa sobrang sakit na nararamdaman niya. Parang gumuho ang mundo niya at hindi na niya alam kung paano pa maayos ito. Naging mabilis ang pangyayari. Kung kailan nalaman na niya na siya ang kaibigan niya ay doon pa siya mawawala.

Pinilit niyang makawala sa mga kadenang nakagapos sa kaniya at nagawa niya ito dahil sa sobrang galit. Agad siyang tumakbo papunta kay Avrelle para saluhin ito. Nanginginig ang mga kamay niya nang masalo niya ito.

Tinapik-tapik niya ang pisngi ni Avrelle. "L-Lumaban ka... please!" nagmamaka-awang sambit ni Sendy habang gumagaralgal ang boses niya. Ayaw na niyang maalala ang nangyari dati ngunit hindi niya maiwasan. Naalala niya si Sorceress Anerva noong mga panahong namatay ito dahil naging mahina siya. Hinahabol ni Sendy ang hininga niya dahil sa labis na pag-iyak. Parang nawalan na siya ng gana sa lahat.

Ngumiti naman si Avrelle kahit pati siya ay nalulungkot. "H-Huwag mo akong alalahanin, ayos lang ako."

Umiling naman si Sendy. "Hindi! Lumaban ka! Makakabalik pa tayo sa Crewd Academy! Magkakasama pa tayo-"

"Pasensya ka na, ha? Mukhang hindi ko na matutupad 'yan."

Mas lalong humagulgol si Sendy. "H-Hindi! G-Gamitin mo pa 'yong wand ng Nanay natin-"

Bigla namang naman lumitaw ang wand mula sa kamay ni Avrelle. "B-Buti na lang pinaalala mo..." Muli na naman siyang umubo ng dugo. Nanginginig pa rin ang mga kamay ni Sendy. "H-Hindi ko alam kung paano napunta sa akin 'to. P-Pero sa 'yo ko na iiwan 'to, ah? Alagaan mo ang sarili mo. I'm sorry..."

CREWD ACADEMY: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon