Chapter 27: Show Ability 3

90.3K 3.1K 193
                                    

□◇◇♡◇◇□

SHOW ABILITY PART 3

□◇◇♡◇◇□




"Sendy! Wake up! Show Ability is not yet over!"

Nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok. Ha?! Hindi pa tapos? Na naman?! Akala ko ba tapos na kahapon?! Huhu!

"Anong hindi pa tapos?! Kakatapos lang kahapon, 'di ba?!" tanong ko habang nakatingin sa saradong pinto. Halos pasigaw na dahil nasa labas si Airyn. Naiimagine ko tuloy 'yong galit niyang mukha. Hayss! Napuyat ako!

Biglang nabuksan ang pinto at mabilis na pumasok si Airyn. Hala! Naka-lock 'yon, ah?! Galing ni Airyn! Pwede na siyang maging akyat bahay.

"Sendy, this is the last part of Show Ability! Go get up and clean yourself! Make it fast, Sendy! Don't be lazy!"

Nagising na rin tuloy si Faye at nagtatakang napatingin kay Airyn. Hinila ni Airyn ang braso ko kaya tumayo na lang ako at sinunod ang sinabi niya. Wala naman akong laban sa kaniya. Pero bakit kaya may training na naman? Huhu!

**

Nandito kami ngayon sa ground field. Grabe ang lawak naman dito! 'Yong mga transferee na nakasama namin kahapon ay sila rin ang mga nandito. Ang sarap makalanghap ng sariwang hangin!!

"Wala bang manonood sa atin dito?" tanong ni Val kay Airyn habang naglalakad kami. Wala rin sina Jhane at Zyrelle. Nakakapagtaka naman?

"Wala dahil nasa klase na sila. Kayong mga transferee lang ang nandito pati ang mga guide niyo."

Parang kinabahan ako. Heto na naman tayo. Bwisit!

Bigla akong may naalala. "May tanong ako, bakit si Charlie ang nakalaban ko kahapon? Eh, ang nabunot ko naman si Neithan?"

Kumunot ang noo ni Airyn. "I don't know?"

"Baka naman si Charlie talaga ang nabunot mo!" sabat ni Dara. Umiling ako. Hindi ako pwedeng magkamali!

"Bakit may ganito? Hindi pa ba tapos kahapon?" tanong ni Winzé kay Airyn. Ngumiti naman si Airyn.

"This is different from what you did yesterday. This time, you will not use your magic. You will just use your physical strength." Tumango-tango naman kami. Mabuti naman kung ganoon.

"Pumila na kayo roon." Sumunod kami sa utos ni Airyn.

Nakipila naman kami sa likod ng mga babaeng transferee.

May dumating na lalaking nakasalamin at mukha siyang Professor. Nakatayo siya ngayon sa harap naming lahat. "Good morning, transferees! I am Professor Wonwoo. And today is the last part of Show Ability! And this time, you will use weapons and your physical strength instead of magic. Are you all ready?"

Nasa harap din ang mga guide namin. Nakita ko na nga si Neithan at ang mga kasama niya. Nandoon din sina Airyn, Kairo at Jater.... pero wala si Charlie! Yes! Wohoo!


"YESSS!!" Sigaw nila at nakisabay din ako dahil sa tuwa. Wala lang. Masaya ako, eh!


"Wow! Hahawak tayo ng espada?" tanong ni Dara. Napatingin ako sa kaniya.

"Maybe," sagot ko habang nakangiti na medyo natatawa.


"Your guides are here. And they will choose the weapons you will use. I know they can help you a lot. Always listen to your guides. Good luck everyone!" nakangiting sambit ni Professor Wonwoo.

CREWD ACADEMY: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon