Chapter 21: CREWD Emporium

60.1K 2.2K 135
                                    

┏━━━❆❘༻🀦༺❘❆━━━┓

CREWD EMPORIUM

┗━━━❆❘༻🀦༺❘❆━━━┛

 ⦗ 2024 version ⦘

Sabi ni Airyn ay mamimili muna kami sa CREWD Emporium lalo na't wala kaming mga sapat na gamit. Ito raw 'yong nagsisilbing market sa loob ng academy. Lahat ng kailangan mong bilhin ay narito na. Lalo pa't hindi maaring lumabas ng academy ang mga student. Nakikita ko na nga ang mga ibang student na may mga bitbit at masayang lumalabas sa bawat store. Gabi na ngunit hindi mo alintana ito dahil sa mga sky lantern na nakalutang lang sa itaas. Nakakamangha.

Si Faye naman ay naiwan sa dorm dahil tulog pa rin siya. Buti at hindi kami nakakain ng cookies dahil mali pala 'yong hinalo ni Airyn sa cookies. Imbes na magic food potion, sleeping potion pala 'yong nalagay niya! Pambihira! Inubos pa naman lahat ni Faye 'yong cookies!

Naalala ko ang usapan namin kahapon. Lalo na ang huling sinabi ni Airyn.

"All of you are ordinary only. I can't sense any magical aura or different energies from all of you."

Napapaisip tuloy ako kung ano ba dapat ang gawin. Sabi ni Airyn ay pansamantalang dito muna raw kami dahil 'yon ang sinabi ni Principal Grey sa kanya nang mag-usap sila. Pero baka makahalata ang ibang students at mapahamak ko pa ang mga kasama ko. Dapat na ba kaming apat na umalis na dito? Pero kailangan ko pang hanapin si Avrelle... What if silang tatlo na lang ang pauwiin ko? Kaming dalawa na lang ni Faye ang mag-stay—

"Hoy, Sendy! Tulaley ka r'yan! Ano'ng iniisip mo?" 

Napaigtad naman ako nang gulatin ako ni Dara. Kahit kailan talaga si Dara, oh.

"Naiisip ko lang, wala akong pera," pagdadahilan ko. Pero totoo 'yon. Sabi kasi ni Faye, hindi ko na raw kailangan magdala ng pera. May pera raw siya. Hindi ko nga alam sa'n niya tinago mga pera niya, at sa'n niya kinuha 'yong pinambayad sa sinakyan namin train. Hindi ko naman siya magising kanina, kaya no choice ako.

"Huh? Akala ko ba sagot mo na lahat, sabi ni Dara?" inosenteng tanong ni Val sa 'kin.

Nginatngat ko ang kuko ng thumb ko. Oo nga pala, sinabi ko pala 'yon kay Dara. "A-Ano kase... Balik na lang ulit tayo rito kapag gising na si Faye. Nasa kanya ang pera natin..." nahihiyang sambit ko.

Natawa naman si Airyn sa mga reaksyon namin. May dinukot naman si Airyn sa bulsa niya at ipinakita ito sa amin. Itim na tela na parang may laman sa loob at may tali ito na ribbon sa ibabaw. Kinalas niya naman sa pagkakatali ang ribbon at tumambad sa amin ang mga kumikinang na gold at silver na coin. Nagningning ang mga mata namin dahil sa ganda ng iba't ibang design ng mga ito. May star na design, at may parang shield din. Ngayon lang ako nakakita ng mga ganitong coin.

"Hmp! Yabang..." nakangising asar ni Zyrelle kay Airyn.

Dumukot ng isang coin si Dara at pinagmasdan niya ito. "Hala! Ang bigat!" puna niya sa hawak.

Kinuha ko sa kamay niya ang ang coin at tiningnan din. Purong gold lahat at may shield na design. 

"Iyan ba ang perang ginagamit niyo rito?" namamanghang tanong ni Val.

"Obviously?" sarkastikong sambit ni Zyrelle.

"Tss," pagre-react ni Winzé sabay irap.

"'Yang hawak mo, Sendy, 'yan ang nakuha ko sa last mission ko, no'ng magpunta kami sa normal world."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Airyn. Ibig sabihin, ito ang nakuha niya no'ng iligtas nila kami ni Mama no'n.

CREWD ACADEMY: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon