Meeting my Engot - 24

4.8K 209 8
                                    



Jopay's POV:

Naloloka at nangangarag ang beauty ko sa nangyayari sa kaibigan kong si Bingo. Kahit mataray at suplado si Bingo ay nagging malapit pa rin kami sa isat-isa dahil sa likod ng patapang na aura nito ay ang pagiging kalog at maalalahanin nitong kaibigan. Naaalala ko pa noong elementary pa lang kami yung lagi niya akong binibigyan ng hanny na kendi , yung bibigyan niya ako ng mag extra notebooks niya noong highschool dahil alam niyang wala akong pambili ng school supplies. Mabait ang pamilya ni Bingo at sa lahat ng mga nangyayari sa kanila ngayon ay masasabi kong isa ako sa pinakamalungkot. Minsan nga ay sila pa ang nagiging  mas pamilya ang turing sa akin dahil laging busy ang mama ko sa pagmamadyong, habang ang mga nakatatandang kapatid ko naman ay may kanya-kanya ng pamilya. 

Feeling ko hindi nila deserve ang lahat ng ito at sa mga oras na ito ay wala akong ibang hiling at yun ay sana magbalik na sa dati si Bingo.Naaawa ako sa kaibigan ko tengene nemen kasi ni Papa Lino e, bigla na lang nag missing in action. Kung pwede ko lang sana hanapin sa buong Pilipinas yun ginawa ko na dahil nasasaktan akong makitang ganito si Bingo. Ang bilis ng mga nangyari parang kailan lang nakikita ko pa silang nagliligawan at naghaharutan pero ngayon yung luha na ni Bingo ang nakikita ko.Namimiss ko na siyang kabiruan at kaasaran pero sa ngayon pipilitin kong magstay sa tabi ng kaibigan ko hanggang sa bumalik siya sa dating masiglang Bingo.


"Bingo , gagraduate ka na bukas bhe!!!! This is so exciting! Tara na't magdiwang hahahaha bongga!" masiglang kong sabi sa kanya nang makapasok ako sa kwarto niya


At as usual kagaya ng nakaraang mga araw ay nakahiga lang ito at nakatulala sa kawalan


"Jopay gusto ko lang munang mapag-isa" matamlay nitong sabi sa akin bago ibinaling ang tingin sa kabilang side ng kama niya.


Ayokong nakikita nang ganito ang kaibigan ko, nasasaktan ako.


Dahan dahan akong umupo sa tabi niya at mataman siyang tinignan. This is not him, hindi siya yung pilosopong Bingo, hindi siya yung sumpunging Bingo, ano na nangyayari sa kaibigan ko?


"nandito lang ako Bingo ha?" mahina kong sabi sa kanya


Pero nanatili itong nakatulala


" Iwan ka man nilang lahat pero ako di kita iiwan Bingo, kasi pamilya ko na din kayo. Para na kitang kapatid at sa nakikita ko ngayon .....nasasaktan ako bhe....balik ka na sa dati ha..pwede mo akong iyakan friend, basta di kita iiwan "ang sabi ko dito at hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako.


Sa narinig ay dahan-dahang lumingon si Bingo sa akin at hinawakan ang kamay ko.


"Salamat Jopay, kakayanin ko para sa inyo. Kakayanin ko" umiiyak nitong sabi sa akin at hindi ko na napigilan ang yakapin ang kaibigan ko.


Isa ako sa mga taong aasa sa pagbabalik ni Bingo.



Bingo's POV:


Ayoko nang gumising kong tutuusin, bawat umaga mas narerealize ko lang na iniwan na ako ng taong mahal ko. Ganito pala yung pakiramdam ng iniwan, ganito pala yung pakiramdam na kinaiinisan ko dati , ito pala yung nararamdaman nung mga taong sinasabihan ko lang ng OA noon, pero ang pinagkaiba lang naming lahat ay iniwan ako nang hindi ko alam ang totoong dahilan. Hindi ko alam kung ano ang konkretong dahilan sa pag-iwan sa akin ni Lino, baliw na baliw ako kaiisip kong kulang ba ang pagmamahal ko o baka naman nasakal na siya sa akin.

Meeting my EngotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon