Chances - 4

4.9K 204 16
                                    





Bingo's POV



"masaya ako at nakita kitang ulit Bingo? Three years na din simula nang huli tayong magkita right?" ang masaya nitong bati sa akin habang nakaupo ako sa harap ng lamesa niya. Over naman yung "nakita ulit Bingo" para namang dati siyang bulag,char lang.


Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang magi-interview sa akin. Wala din namang ibinalita sa akin si Jopay dahil siya lang naman ang madalas bumisita sa Kalye Ibarra. Nakakatuwang isipin dahil ang layo na pala ng narating ni Melgar.


" Hindi ako makapaniwala na magiging boss pala kita if ever... I mean ..parang dati kasi sir nakakainuman ko lang kayo.....bigatin ka na ngayon Sir Melgar" nakangiti kong sagot sa kanya habang pinapanatili ko ang pagiging pormal sa harap niya. Ayoko namang isipin niya na wala akong respeto sa kanya, gusto ko lang magpakara-professional.


"Come on Bingo...anong Sir, sir diyan..... Huwag ka ngang ganyan..." pigil nito sa akin habang patuloy na tumatawa.


"Sir nakakahiya naman kasi...." Sagot ko sana


"Sige isa pang sir at hindi kita tatanggapin dito" pananakot naman nito sa akin sabay kindat nang nakakaloko .


Grabe in all fairness naman dito kay Melgar mas lalo siyang gumwapo kahit na nagmature ang itsura niya. Hindi naman mature to the point na mukha siyang Lolo kung hindi mukha na siyang young professional ngayon at bachelor na bachelor ang dating.


"Sige na nga ang kulit mo kasing tukmol ka e" napipilitan kong sagot na kaagad ikinatawa niyang  nang malakas.


"good..good... Namiss kita Bingo ha. I heard kasama niyo na si Jopay ngayon?" biglang pagtatanong nito sa akin


"oo actually siya ang nagsabi sa akin na dumiretso na ako dito" nahihiyang sagot k onaman dito


"ahhh ano ka ba okay lang yun. Kung nalaman ko lang nang mas maaga na wala kang work ako pa sana nagpresinta na dito ka magtrabaho. By the way, oo kinausap kasi ako ni Caloy yung sweetheart ng bestfriend mo if pwede kitang ipasok dito. Hindi na ako nagdalawang-isip dahil alam ko naman na matalino at competent ka e" mahabang sagot nito sa akin


Yun naman pala e, si Caloy naman pala ang sagot. Akala ko naman kung sinong connections ang sinasabi ni Jopay , mga kababata lang pala namin.


"..so kamusta ka na?..... sino na ba ang nagpapatibok ng puso mo ngayon?" pagiiba nito ng topic habang nakatunghay sa table niya na para bang gustong-gusto talagang makipagkwentuhan


"....masaya naman...." Tanging naisagot ko dito


At bigla na lang ako nitong tinignan nang seryoso at biglang tumawa ulit.


"im getting it Bingo... gusto ko nga sanang  mag-apply sa puso mo pero I know how to read between the lines. Ramdam ko pa rin kung sino yung laman niyan" nakangiti nitong sabi sa akin habang nginguso ang dibdib ko.

Meeting my EngotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon