Chances - 2

5.1K 227 6
                                    




Salamat sa patuloy na nagbabasa ng story na ito. Alam ko po na medyo common na ang plot ng story ko pero ang sure ko lang na pwede nitong ioffer ay ang learnings na mapupulot mula sa mga taong sinaktan at iniwan. Ano daw? lol




Bingo's POV:


"Sigurado ka ba dito sa sinasabi mong kakilala mo? Baka mamaya sindikato ito Jopay ha?" paggtatanong ko sa kanya habang kasalukuyan akong nag-aayos ng buhok sa kwarto ko habang si Jopay naman ay prenteng nakahiga sa kama ko


As usual galing na naman siya sa trabaho niya himala nga lang at hindi ito gumimik ngayon, baka hindi pinayagan ni Caloy


"Ay grabe siya oh? Ano ka ba? Sure na sure yan, 90% sure ako na matatanggap ka. Ako pa ba? Marami kaya akong connections, dahil sa Globe abot mo ang mundo" confident nitong sagot sa akin


"Paano mo naman nakilala itong HR manager na sinasabi mo ha?" tanong ko ulit dito habang nilalagyan ko na ng wax ang buhok kong matagal ko nang hindi napapagupitan


"Connections nga!! Ulit-ulit?" nakukulitan nitong sagot sa akin habang iniirapan ako.


Aba nagmamataray ka ha


"Baka naman nakaone-night stand mo na naman yan ha. Isusumbong kita kay Caloy niyan" tanong ko ulit dito sabay tawa nang nakakaloko na kaagad namang ikinainis ni Jopay para batuhin ako ng unan na hawak nito


"Uy grabe naman hindi naman ako ganyan kalandi Bhe, si Caloy lang ang nakakajugjugan ko hahahaha" tumatawa nitong sagot sa akin na para bang kinikilig


"Hala ang landi. Kamusta na nga pala si Caloy? Namamasada pa rin ba siya ng Trcicycle ngayon?" pagtatanong ko dito


"Okay naman siya, isa pa rin siyang amphibian hahaha Joke lang. Sa isang buwan sasakay na siya sa barko kinuha na  siyang ng tiyuhin niya kaya ayun" kwento naman nito


Talaga nga naman. Nakakatuwa namang isipin na kahit papaano umaayos din ang buhay ng mga naging kaibigan ko. Si Melgar kaya? at saka si.... Nevermind haaay


"Kinakabahan talaga ako Jopay, medyo wala akong tiwala sayo e" nangaasar kong sabi dito 


Pero biro lang yun alam ko naman na hindi niya gugustuhing may mangyari sa aking hindi maganda


"Grabe ha......just trust me with this. Ano ka ba hindi kita ipapahamak para na king tiyuhin hahaha" tanging sabi nito sa akin bago ako tuluyang iniwan sa kwarto.


"Wow ha, ikaw nga ang mukhang kong tiyahin e. Magstress-tab ka girl" pangaasar ko naman dito na hindi niya pinansin at pinandilaan na lang ako.


Hindi ko maipagkakaila na kinakabahan ako dahil sabi sa akin ni Jopay ay dalhin ko na lamang ang resume ko at diretso interview na daw ako. Ganun siya kasigurado sa kakilala niya sa loob ng Magazine company na kilala sa paggawa ng mga men's magazine sa bansa. "Tease Magazine "ang pangalan nito , title pa lang alam mo nang hindi ganun ka disente ang nakalagay dito. Noong unang nagresearch ako tungkol sa kumpanyang ito ay medyo nagdalawang-isip din ako dahil hindi ako ganun ka-komportable sa nature ng business nito lalo na sa content. Pero naniniwala naman ako na hindi lang puro malisyosong content at pictures ang nakalagay doon, kahit papaano naman siguro ay may artistic side ito. Isa pa promotions at marketing ang pagaapplyan ko at malayong mapunta ako sa editorial board nito.

Meeting my EngotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon