Meeting my Engot - 10

6.4K 278 35
                                    






"Fritz, anong meron? Bat nakasimangot? At anong nangyari doon sa kaibigan mo, bat may sinusundot sa kanal yun?" tanong ni mama nang makarating ako ng bahay


"hayaan niyo na si Jopay ma,hobby niya yun gusto niya kasi yung aroma ng kanal. Ok lang ako ma,akyat lang ako" matamlay kong sagot dito


"pagod ka ba Fritz anak?"concern na tanong nito sa akin


"yun na nga ma e,wala pa kami pero napapagod na ako"sagot ko kay mama


"ay bongga ka diyan anak, humuhugot hahahha" tumatawang sagot sa akin ni mama


"sige ma,akyat na ako"pagpapaalam ko dito


"sige lang anak,umalis ka,iwan mo ako.. ganyan naman kayo e,lahat naman iniiwan ako e" ganting hugot naman nito


"hahahaha see? Wit papakabog si mader" pahabol na sabi nito


"ikaw talaga ma, sige po pahinga muna ako"sabi ko dito


"Oh sige anak, pag may problema wag mahihiyang sabihin sa akin Fritz ha?"pagpapaalala nito sa akin


"okay po,thank you ma" tanging sabi ko dito bago ako tuluyang umakyat


Totoo kaya yung sinabi ni Jopay,dapat pa rin ba akong makonsensya sa sinabi ko kanina? Hay naku,walang hiya kang engot ka,imbis iniisip ko ang assignments ko ngayon ,e ikaw ang lumalabas sa isip ko.


Sa sobrang kaiisip ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako, marahil sa pinagsamang pagod na din sa school at kalokohan ni Jopay kanina.


"Fritz,kakain na tayo" gising sa akin ni mama


"nakatulog pala ako, anong oras na po ba?" pagtatanong ko kay mama


"oras na ng pagmamahal....tarush hahaha alas syete na Fritz,bumaba ka na diyan at kakain na tayo" sabi ni mama bago tuluyang umalis ng kwarto ko


Tinignan ko muna ang phone ko bago ako bumaba at katulad ng kanina ay wala man lang paramdam ang engot na yun.Ni hindi man lang ba siya magsosorry? Eh saan naman Bingo, kayo ba?


"Fritz, ano ba? Nagsasandok ka na ng kanin wala ka pa ngang plato e, kinakalat mo e" sita sa akin ni mama nang mapansin nitong kanina pa ako sandok nang sandok sa placemat


"Ay sorry ma hahahahaha akala ko dahon ng saging"palusot ko dito


"sus. Sino ba ang iniisip mo? Gusto mo na ba mag-asawa ha? Ipapakasal na kita kay Jopay nang magkaapo na kami ng papa mo" pananakot nito sa akin


Meeting my EngotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon