Chances - 16

5.3K 214 11
                                    





 Tahimik at hindi kumikibo si Engot habang nasa sasakyan kami papunta sa dinner niya with the Samonte's. Hindi ko alam kung bakit ang init ng dugo at todo tanggi ito sa pamilyong iyon gayong dinner meeting lang naman ang pupuntahan niya. Kung hindi pa siya pinakiusapan at binantaan ni Abuelita na ibabalik ako kay Ms. Scarlet if hindi siya pupunta, ay hindi pa ito papayag. No choice si Engot kung hindi sumunod na lang kahit labag sa loob niya.


"Hindi na dapat ako pumayag sa pagpunta sa dinner na ito, this is bullshit" seryosong sabi ni Engot habang nasa byahe na kami papunta sa isang fine-dining restaurant.


"It's a must. Hindi sa lahat ng oras gusto mo ang masusunod" sagot ko naman dito habang nakatingin ako sa bintana ng sasakyan


"You don't understand. Those Samonte's are fame suckers, lahat gagawin nila para maidikit ang pangalan nila sa mga Figueroa" naiinis nitong sagot sa akin


"then sana sinabi mo yan sa Lola mo hindi yung sa akin ka naghihimutok ngayon" walang gana kong sagot dito


"I'm not! Pero sana hindi mo na lang pinaalala kanina, pumayag lang si Abuelita doon dahil sa sobrang kakulitan ng mga iyon. You see Bingo? Hindi mo sila kilala" sagot naman nito sa akin habang binubuksan ang bintana para manigarilyo. Aba nag Espanya ka lang na Engot ka natuto ka nang manigarilyo!


"so when did you start smoking?" bigla kong natanong dito na ikinagulat ni Lino dahilan para itapon niya ang sigarilyong kasisindi niya pa lang.


"sorry..... uneasy lang talaga ako. i have this feeling na something not good is gonna happen" pagpapaumanhin nito sa akin


"don't be, okay lang, that's your life. You do what you do and I'll do what I want to do" sagot ko naman dito


Hindi na nagsalita si Engot matapos nun at nanatili na lang itong nakatingin sa akin ng seryoso. Ang bilis kasi nagbago ng mood niya kanina sa mansion nang pilitin siya ni Abuelita to attend this meeting. Hindi ko alam bakit badtrip na badtrip siya sa mga Samonte na iyon. Kaagad din kaming nakarating sa itinakdang lugar, hindi na dapat ako sasama at maghihintay na lang dito sa kotse nang hatakin ako ng Engot na ito palabas.


"Ano ba?!" galit kong reklamo dito habang hila-hila ako papasok ng restaurant


"tsk" tanging reaksyon nito habang ipinagpatuloy ang paglalakad.


Ilang sandali pa ay narating namin ang isang table kung saan nakaupo ang isang magandang babae na mukhang kanina pa kami hinihintay ...mali si Engot lang pala. I thought isang buong pamilya ang makakameeting ng Engot na ito pero mukhang isang magandang dilag lang pala. Sobrang ganda niya, Malala!!... she have this Latina Feautures na katulad ng mga model na rumarampa sa Victoria's Secret Fashion Shows. She's wearing this very revealing red dress na tinernuhan niya ng red lipstick, she looks seductive.


"Marlino!!" masayang bati nito sabay yakap at halik kay Engot reason kaya sapilitan kong tinaggal ang mahigpit na pagkakahawak ni Engot sa mga kamay ko.

Meeting my EngotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon