Meeting my Engot - 4

6.6K 322 9
                                    




 "anyare ma, may business meeting? Bakit seryoso? Sinong peg mo ngayon, Vilma or Nora?" nagtataka kong tanong dito

"Fritz!" seryosong sagot ni mama

"yes, speaking . may i know who is the line?" natatawa kong sagot dito 

"FRITZ!!!" mas malakas na sigaw ni mama

ay shocks, seryoso pala 

"Ma bakit po?" natatakot kong tanong dito

"bat di mo isipin ang ginawa mong kasalanan ha, bata ka!" seryoso pa rin nitong tanong sa akin

Ito ang ikinatatakot at ayaw ko kay mama, iba siya paggalit total opposite pag Masaya siya.

Tinignan ko naman si Engot at nakayuko lang ito sa likod ni mama. Ano bang ginawa ko? Bukod sa sinungitan ko siya na sa tingin ko normal lang sa akin.

"ma, hindi ko po talaga alam" mahina kong sagot dito dahil na din sa takot na nararamdaman ko

"Naglakwatsa ka nang wala man lang pasabi Fritz, hindi naman kita pinagbabawalan lumabas kasama ang mga kaibigan mo pero iba ngayon e, dahil may naghihintay sayo. Hinintay ka ni Lino hanggang alas-onse ng gabi at hindi lang yun Fritz, pinagtripan siya ng mga adik sa labas ng university niyo. Hindi yun mangyayari kung kahit papaano ay nagsabi ka..." galit at nanginginig na sabi sa akin ni mama.

Jusko may highblood pa naman si mama.

Hinintay niya pala ako hanggang gabi? Shit nakalimutan ko na tinanong niya pala ako kung anong oras ang labas ko.

"ganyan ba kita pinalaki Fritz..." nanginginig na sigaw ni mama sa akin

"ma, sorry po......" nakayuko kong sagot dito

"huwag ka sa aking magsorry....ayusin mo to Fritz ha" mahina ngunit madiin nitong sagot sa akin sabay lakad nito paakyat sa kanyang kwarto.

What have I done? Hala siya

Matapos umakyat ni mama ay namagitan ang katahimikan sa pagitan namin ni engot na hindi rin nagsasalita. Alam kong sa kanya dapat ako humingi ng sorry ngayon pero hindi ko alam kung paano sisimulan, feeling ko ang makasarili ko sa ginawa ko and insensitive na rin.

"sige Bingo uuna na ako" mahinang pagpapaalam ni Engot

Mamatay na siya? Uuna na daw e..

"saglit lang Lino....." pagpipigil ko dito habang binubuksan na nito ang pinto palabas ng bahay

"uhhhh ano.... Pasok ka muna, gamutin natin mga sugat mo..." nahihiya kong sagot dito.

Hindi na naman ito nagtanong at kaagad din itong bumalik sa kinaroroonan niya kanina

"upo ka muna diyan Lino, kukuhanin ko lang yung medicine kit namin" sabi ko dito bago ako pumasok ng cr kung saan nakalagay ang med. Kit namin.

Mabilis ko lang itong nakita at kaagad din akong bumalik sa sala kung saan nakaupo si engot

"gamutin natin ha..." naiilang kong tanong dito

"sige ako na lang...Bingo..." nahihiya nitong sagot sa akin sabay kuha ng bulak na pinapahid ko sa mukha niya

"ahhh, ako na.. di mo naman makikita yung sugat mo e" pagpigil ko dito.

Ipinagpatuloy ko ang paglilinis sa sugat nito hanggang sa malagyan ko na din ang mga ito ng ointment.

"salamat ha" sabi nito sa akin

"Lino,sorry kanina ha..... hindi ko alam na aabot sa puntong kailangan pang mapahamak ka..." nahihiya kong pagpapaumanhin dito

"ahhh,wala yun. Nag-alala lang kasi ako baka may tinapos ka kaya ka ginabi" nagkakamot ng ulo nitong sagot sa akin

"sorry talaga Lino, alam kong masungit ako pero hindi ko naman gustong may mangyaring masamang sa ibang tao dahil sa kagagawan ko, kaya sorry talaga" sabi ko ulit dito

"sige,okay na yun" nakangiti nitong sagot sa akin.

"sorry talaga ha, wag kang mag-alala pipilitin kong wag ka ng sungitan." Sabi ko na lang dito though alam kong hindi ko kayang panindigan yun

"sus,di mo yun kaya" sabi nito sabay tawa

"kapal mo ha!" inis na sagot ko dito

"tignan mo, wala pang 5 minuto masungit ka na agad hahaha" natatawang sita nito sa akin

"pinoprovoke mo ko e" tanging nasagot ko dito.

"sige sige, mauuna na ako. May pasok ka nab a bukas?" pagiiba nito ng usapan habang tumatayo na mula sa pagkakaupo sa sofa

"wala pa, sa isang araw pa. sige mag-iingat ka sa pag-uwi engot ka pa naman" pagpapaalam ko dito

"at saka ano......salamat pala sa paghihintay Lino....sorry na din" nahihiya kong pahabol dito

"wala yun, malakas ka naman sa akin e" tanging sagot nito sabay kindat sa akin

"HOY!! bat may pagkindat? akala mo naman bagay sa may black-eye mong mata yan!" pagsusungit ko ulit dito

Nakakainis kasi e, ang landi ng kindat effect

"wala lang,para kiligin ka hahaha" tanging sagot nito

"kwento mo sa ninja turtles, lampa ka naman e. Black eye agad? kung ako nakalaban ng mga yun baka nasa orthopedic na mga yun" pagmamayabang ko dito

Ang yabang ko shet haha

"ulul, isusumbong nga pala kita kay Melgar na crush mo siya"pananakot nito sa akin

"gago ka ha!" sigaw ko dito sabay tulak dito palabas ng pinto ng bahay na ikinahalakhak naman nig ago

Walang hiya yung engot na yun, ipananakot pa ang issue kay Melgar. 



----------------------

please vote and comment na rin 

Meeting my EngotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon