6. Tama ba???

46 0 0
                                    

Tama ba.... na hindi pinayagan si Gloria na lumipad sa ibang bansa para magpagamot?

Hindi ba't ang tatay ng ating presidente ay pinayagan din ni dating pangulong marcos na mangibangbansa para magpaopera?

hindi ba maaring gawin din ito ng pamahalaan?

Wala na bang right to life si CGMA?

Hindi ba mas maganda kung hahaba pa ang buhay nya para mapagdusahan niya ang mga ginawa niyang kawalanghiyaan?

Ang mga basehan ba ng gobyerno ay sapat na dahilan para hindi siya payagang umalis?

Maari pa rin naman siyang bantayan kahit nasa ibang bansa siya, di ba?

Tama ba... na ang paglipat kay CGMA sa Veterans mula St. Luke's ay gagastusan ng palasyo?

Bakit ba kailangang akuin ng gobyerno ang gagastusin sa pagpapagamot kay CGMA kung kulang na nga sa pondo ang pamahalaan para sa kalusugan ng mamamayang Pilipino?

Uunahin pa ba ang isang taong nagkasala sa samabayanan kaysa sa pangangailangan  ng mahihirap?

kailangan pa bang akuin ng gobyerno ang gastos kung maari namang sa St. Lukes pa rin si CGMA tutal ay mapera naman sila?

Bakit hindi na lang ilaan ang perang ipambabayad para sa hospitalization ni CGMA sa mga taong mas nangangailangan?

Ano ba ang problema kung sa St. Lukes nakahospital arrest si CGMA, nasa Pilipinas pa rin naman ang St.Luke's ah.

Bakit kaialangang gastusan siya ng guberno?

Bakit hindi na lang ituon ang panahon kung pano mapapaangat ang kalagayan ng mga mamamayang naghihirap?

Tama ba... na hindi naibalik kay Erap ang kanyang pagkapangulo?

Ayon sa aking propesor sa pol sci. hindi makatarungan ang ginawang people power laban kay Erap.

hindi dapat ito kinilala.

Hindi dapat nawala si Erap sa palasyo dahil dun.

Maraming linabag na batas ang mga taong sumupil sa termino ni Erap.

bakit hindi ito nagawan ng aksyon?

patunay lang ba ito na hindi umiiral ang katarungan sa ating bansa?

maski ang simabahan ay nakigulo noon.

hindi bat hiwalay ang kapangyarihan ng gubyerno at simbahan?

Hindi ba't malinaw iyon sa konstitusyon?

Marami siyang nagawang hindi tama, pero hindi siya napatalsik sa tamang paraan.

Maraming nalabag ngunit hindi nagawaran ng karampatang aksyon.

Mauulit na lang ba iyon ngayon?

bakit ba ang daming makasariling tao at pilit na ibinababa ang isang tao?

bakit kaliangang may nakakapangibabaw at bakit kailangang may natatatapak-tapakan?

Tama ba ang lahat ng nangyari sa mga nakalipas na taon?

Hindi,

wala na tayong magagawa para balikan at itama ang mga iyon

ngunit

marami pa tayong magagawa para hindi na maulit ang mga iyon.

IKAW?

TAMA BA ANG PARAAN NG PAMUMUHAY MO NGAYON?

Mga saloobin koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon