Prologue
“Gusto ko pong pakasalan si Cloe.”lakas loob na sabi ni Derick sa harapan ng parents nila saka hinawakan ang kamay ni Cloe na nakayuko sa harapan ng magulang niya. Nung nakaraang linggo pa nila pinag-iisipan na magsama na sila dahil alam nilang sila na habang buhay.
“Dyosmiyo anak! Alam mo ba ang sinasabi mo?”bulalas ng ina ni Derick at napasapo ng noo dahil sa narinig niyang sinabi ng anak.
“Opo ma at desidido po talaga ako.”mariing sabi ni Derick sa magulang nila, Huminga ng malalim sa Cloe at tumingin din sa parents niya.
“Mama, Papa. Mahal na mahal ko po si Derick kaya po payagan niyo po kaming magpakasal.”pagsusumamo ni Cloe sa magulang niya. Nagkatinginan ang mag-asawang Bernardo bago bumaling sa anak nilang si Cloe.
“Anak naririnig mo mo ba ang sinasabi mo?”hindi makapaniwalang sabi ng ina ni Cloe na pati mismo ang dalaga niya ay magsasalita ng ganyan.
“Mga bata pa kayo for Goodness sake! Grade 12 lang kayo, Ni hindi ka pa legal Cloe.”sabi ng ama ni Cloe sa kanya at napa-iling na lang sa pag-pigil ng inis sa anak. Lumunok ng laway sa Cloe at parang may bara sa lalamunan niya. Mahal na mahal niya si Derick at hindi niya alam kung anong gagawin niya kapag nawala ito sa kanya.
“Kaya nga po nagpapa-alam kami sa inyo.”pagsagot ni Derick sa ama ni Cloe at nagpakawala ng napakalalim na buntong hininga ang ama ni Cloe.
“Derick! Hindi porket legal ka na pwede mo ng hatakin si Cloe sa lahat ng kalokohan mo.”sita naman ng ama ni Derick na kanina pa nag-iisip ng linya niya para sa anak. Nagkatinginan ang dalawa na ngayon ay mahigpit ang kapit ng kapuwa kamay nila.
“Tito hindi po ako hinahatak ni Derick, Kaming dalawa po ang nagdesisyon dito. Payagan niyo na po kami hindi ko po alam ang gagawin ko kapag nawala siya sa akin.”at umiyak na si Cloe sa harapan ng magulang nila. Agad namang pinunasan ni Derick ang luha sa mata ng babaeng mahal niya.
“Sige na po payagan niyo na kami.”pagsusumamo naman ni Derick sa harapan ng magulang nilang dalawa. Magrereklamo pa sana ang magulang nila ng bumababa ang nakakatandang Padilla na si Lola Eva.
“Payagan niyo na.”sabi nito habang naglalakad pababa ng hagdan sa bahay ng mga Padilla. Napalingon naman ang apat sa nakakatandang Padilla.
“Ma? Alam niyo po ba ang sinasabi niyo? Mga bata pa ang dalawang ito.”sabi ng ama ni Derick at pinanlisikan ng mata ni Lola Eva ang ama ni Derick.
“Kung tumututol ka lumayas ka sa pamamahay ko, Payagan niyo na ang dalawa ako ang magiging responsible sa hinaharap kung sakaling maging mali man ang desisyon nila.”sabi nito bago umupo sa sofa. Sumaya ang mukha ng dalawa at ngumiti kay Lola Eva.
“Hindi po namin kayo bibiguin lola, Pangako.”
![](https://img.wattpad.com/cover/8995387-288-k579449.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving You Again
ComédieThree years ago, Derick Padilla and Cloe Bernardo marry each other. They think that tying a knot with the one you love is already the Happy Ending like the things in Fairy tales. Since they are too young, childish and immature to know what reality i...