Chapter 4

907 26 11
                                        

Edited na po ang librong ito, Kailangan niyong magre-read mula umpisa. :)

____________________________

Hindi malaman ni Cloe ang gagawin niya sa araw na ito. Una nagkita sila ni Derick makalipas ng tatlong taon mula ng maghiwalay silang dalawa. Pangalawa ininsulto siya ni Derick hindi lang isang beses kung hindi higit pa sa apat na beses ang pang-iinsultong natanggap niya. Pangatlo na-hold up siya kaya tangay ang wallet niya mabuti na lang at naiwan niya sa Irio ang cellphone niya. Ang tanga niya rin kasi pero maswerteng cellphone nagpakasaya sa Irio.

“Ugh! Cloe bakit ang malas-malas mo!”untag ni Cloe sa sarili at pinaguuntog ang ulo sa palad niya. Nagmukha tuloy siyang tanga habang naka-upo sa waiting shed sa labas ng Greenville Convention Center at wala siyang pamasahe papunta sa bahay ng tiyahin niya.

Mabuti na lang wallet lang niya ang natangay at hindi ang bag niya kung hindi lagot na pero hindi pa rin mabuti dahil wala siyang pamasahe pauwi.

“Ang panget-panget mo na nga ginagawa mo pang tanga ang sarili mo.”ayan na naman ang demonyo sa isip-isip ni Cloe. Akala niya umalis na ito kasama ng pinsan niya pero mukhang nagkakamali ata siya. Oo alam na niyang pinsan ni Derick si Greg dahil si Greg pa mismo ang nagbunyag sa kanya at walang balak sabihin ang Ex-husband niya.

“Pake mo? Umalis ka na nga sa harapan ko.”pagsusungit ni Cloe at nagtantrums ang gaga. Natawa naman si Derick sa kabaliwan ng ex-wife niya. Bukod kasi sa losyang na idagdag pa ang maitim nitong kulay at nababaliw na pagiisip.

“Eh naaawa ako sa iyo eh baka mamaya damputin ka ng mga taga-mental dahil aakalain nila baliw ka na.”sabi nito sa kanya kaya wala ng nagawa si Cloe kung hindi itulak si Derick sa kinauupuan nito malapit sa kanya. Nalaglag si Derick sa kinauupuan niya at sinamaan ng tingin si Cloe.

“ANONG PROBLEMA MO?!”singhal ni Derick sa kanya habang tumatayo at pinagpagan ang sarili dahil nadumihan siya.

“EH GAGO KA EH!”singhal pabalik ni Cloe kay Derick at naiyak na. Pesteng Derick iyan pinaiyak si Cloe pero pautot lang iyan ni Cloe hindi naman si Derick ang dahilan ng pag-iyak niya eh. Yung nangyayaring kamalasan sa kanya ngayong araw ang iniiyakan niya.

“Tsk! Iyakin ka pa rin kaya kita hiniwalayan eh.”at natigilan saglit si Cloe sa sinabi ni Derick, Walanghiyang lalaki talaga napaka-salbahe.

“Tigilan mo na ko pwede? Ang daming kamalasan ang nangyari sa akin ngayon. Una nakita kita ulit, Pangalawa ininsulto mo ko first time na magkita tayo matapos ng tatlong taon at Pangatlo na-hold up ako pwede ba tigilan mo ko!”inis na sabi ni Cloe habang umiiyak. Hindi nakaramdam ng guilty si Derick tinawanan pa niya si Cloe kaya sinamaan siya ng tingin ni Cloe.

“Oh tapos? Anong gagawin ko? Ang tanga mo kasi wag mong isisisi sa kamalasan ang katangahan mo.”pangiinsulto pa sa kanya ni Derick. Suko na si Cloe! Dapat hindi na niya nilapitan si Derick para maging cool silang dalawa dahil masaklap na pangyayari ang nangyayari sa kanya.

“Madami akong problema pwede ba? Wag kang dumagdag!”inis na sabi ni Cloe kay Derick na patuloy pa rin sa pangiinsulto sa kanya.

“Akala mo naman pasan niya yung daigdig.”sabi ni Derick sa kanya kaya naman bumuntong hininga na si Cloe. Hindi maiintindihan ng rich kid ang sitwasyon niya, Oo mayaman sila dati pero dati iyon hindi na ngayon kaya pasan niya talaga ang daigdig ng pamilya niya.

Nag-aaral pa si Clara at kahit may Public school sa Irio kailangan niya pa ring tustusan ang kapatid. May sakit ang mama niya pero pinipilit pa rin magtrabaho sa Plantation. Nakasangla ang lupa ng Coffea Paradise sa bangko at malaki-laki pa ang utang doon kahit na tatlong taon na niyang hinugulog-hulugan dahil sa interes. Idagdag pa ang Charnel House ng baby niyang si Dash (dahil mukhang nakalimutan na ni Derick si Dash.) na babayaran niya ng halos ilang libo at natangay ang wallet niya kung saan nandoon ang pambayad sa Charnel House nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon