“Twelve Hours ang biyahe mula Irio hanggang syudad kaya eto ate pababaunan kita ng pagkain para hindi ka magutom.”sabi ni Clara na kapatid ni Cloe habang inaabot sa kanya ang Lunch box na may lamang pagkain. Napaka-thoughtful talaga ng kapatid niya.
“Sige aalis na ko baka maiwanan pa ako ng barko.”sabi ni Cloe kay Clara bago ito umalis. Naiwang mag-isa si Clara sa bahay nila dahil madalas wala ang mama nila na busy sa Farm nila.
Takbo ang ginawa ni Cloe papuntang daungan. Muntik pa siyang maiwanan ng barko mabuti na lang at nakita siya ng kakilala kaya naihabol pa siya. Ang kakilala na iyon ay si Arwin, May lihim na paghanga kay Cloe kaya madalas niya itong tulungan kahit na kay Cloe magkakilala lang sila dahil hindi naman sila masyadong nag-uusap.
Buntong hininga ang ginawa ni Cloe sa muling pagtapak niya sa Maynila. Ilang araw siyang magtatagal sa Maynila dahil bukod sa pag-asikaso sa Charnel House ni Dash ay may business din siyang aasikasuhin para sa Farm nila. Tutuloy siya pansamantala sa bahay ng Tita niya na kapatid ng mama niya.
Malakas ang hangin sa dagat habang umaandar ang barkong sinasakyan ni Cloe papuntang Maynila. Tangay na tangay ng hangin ang buhok niya at nag-senti mode ang loka habang nakatingin sa langit na may konting bituin, Natatakpan kasi ng ulap ang ilan sa mga bituin.
Iniisip ni Cloe ang lahat ng posibleng mangyari sa pagtuntong niyang muli sa Maynila. Pero ang OA niya sa loob ng tatlong taon isang beses sa isang taon siyang pumupuntang Maynila kaya naman nakakaloka rin siya. Ngunit iba ngayon, Ilang araw siyang magtatagal. Noon kasi sumasaglit lang siya sa libingan ni Dash pero ngayon magtatagal siya para lang makakuha ng koneksyon sa isang Coffee Exposition na dadaluhan niya.
Isa lang ang hiling ni Cloe, Ang walang makakilala sa kanya na mga kaklase noon sa Maynila dahil baka tanungin siya ng ilan sa mga ito kung ano na siya ngayon matapos magpakasal at makipaghiwalay sa isang Derick Padilla tatlong taon na ang nakalipas..
Mahimbing ang tulog ng isang Derick Padilla sa sariling Condo sa Blue Tower. Ilang beses tunog ng tunog ang kanyang phone pero wala siyang balak sagutin iyon. Alam naman niyang ang Lola Eva niya lang iyon at pwede rin ang papa niya o ang mama niya.
“Sht naman!”reklamo ni Derick dahil kanina pa kanta ng kanta ang phone niya ng..
“WE WILL, WE WILL ROCK YOU! ROCK YOW!”iyon ang napili niyang ringtone para magising siya kaya lang walang epekto, Nagisising man siya matutulog muli. What’s the use? Matapos ng mag-ingay ng alarm na iyon masusundan ng isa pang..
“SHE’S MY CHERRY PIE!”na ringtone naman niya kapag may tumatawag. Wala ng nagawa si Derick kung hindi ang sagutin ang lintek niyang cellphone na ke-aga-aga nagko-concert.
“Hello?”walang gana niyang sagot at bumangon siya sa kama niyang gulo-gulo.
“Derick kanina pa tawag ng tawag ang Lola Eva mo, Binabalaan ka na namin na kapag hindi ka pa pumunta dito sa Office puputulin namin ang Credit Cards mo.”sabi ng mama ni Derick sa kanya mula sa kabilang linya bago siya babaan. Magrereklamo pa sana siya pero binabaan na siya kaya napahilamos na lang siya ng mukha.
“Sht! Sht! Sht! Pero teka paano nila puputulin ang Platinum Card na walang limit? Pero sht pa rin!”sabi ni Derick sa sarili habang pinagsisipa ang kama niya at dahil tanga siya at nakalimutan niyang matigas ang pinaka-ilalim ng kama niya ayun nasaktan siya.
BINABASA MO ANG
Loving You Again
HumorThree years ago, Derick Padilla and Cloe Bernardo marry each other. They think that tying a knot with the one you love is already the Happy Ending like the things in Fairy tales. Since they are too young, childish and immature to know what reality i...