Chapter 3

794 27 7
                                        

“Nga pala anak, Pumunta ka sa Greenville Convention Center sunduin mo yung pinsan mo doon nang-chicks na naman.”sabi ng mama ni Derick, Nakabusangot namang tumayo si Derick sa sofa sa Office ng Lola Eva niya dahil sa pinsan niyang chickboy na nakasama niya sa States sa loob ng tatlong taon. Doon nakatira ang pinsan niya at umuwi ito ngayon para guluhin siya.

Napa-iling na lang si Derick habang nagmaneho papuntang Greenville Convention Center. Mabilis naman siyang nakapunta doon dahil walang traffic sa kalsada, Pagpasok palang niya amoy na amoy niya ang amoy ng kape sa Exhibit Hall ng Greenville Convention Center kung saan may Exposition ang mga may hilig sa kape at may negosyo ng kape.

Naglakad si Derick papuntang Bar and Restaurant ng mahagip ng mata niya si Greg na pinsan niya. Lalapitan niya sana ito ng may nakabangga siyang babae sa balikat kaya natapon ang kape nito.

“Oh my gosh my coffee!”sabi nito at pinunasan pa ang sarili gamit ang tissue na hawak. Mabuti na lang at malamig ang kape at hindi mainit kungdi lapnos ang makinis na balat nito.

“I am sorry miss.”sabi ni Derick dito at inabutan ng panyo. Napatulala naman yung babae kay Derick na para bang iniisip niya kung saan niya ito nakita.

“Oh my gosh! Are you the grandson of La Fuentel?”react nito kay Derick na para bang manghangmangha na nakabungguan niya ang apo ng isa sa pinaka-sikat na Businesswoman na may-ar ng La Fuentel.

“Uh-huh? Paano mo ko nakilala?”tanong ni Derick sa babaeng nakabungguan niya ng kape. Ngumiti naman ito at nilahad ang kamay niya.

“I am Sheena Filomeno, Nagkita na tayo four months ago sa VIP party ng La Fuentel.”sabi ni Sheena at tinanggap naman ni Derick ang kamay nito. Masasabi ni Derick na anak mayaman si Sheena dahil sa malambot nitong kamay at sa kutis nito pati na rin sa pag-salita ng Tag-lish.

“Nice meeting you but i have to go.”sabi ni Derick kay Sheena at iniwanan ito. Hinanap ulit ng mata ni Derick ang pinsang si Greg pero nawala naman ito sa kanya kaya naghanap ulit siya. Lalagpas na sana siya sa Exhibit Hall kung saan may Exposition tungkol sa kape ng makita niya ang pinsan niyang may kausap na babae at katawanan. Napatitig siya sa dalawa na parang kilala kung sino ang babaeng kausap at katawanan ng pinsan niya.

Wala pa ring tulog ang kawawang si Cloe simula ng makatapak siya sa kalapit na probinsya ng syudad. Isang oras na biyahe pa para makapunta siya ng Maynila, Alas-sais na ng umaga at wala na siyang oras alas-otso ang simula ng Coffee Exposition.

Dahil late na rin nagpasya si Cloe na dumiretso sa Greenville Convention Center. Halos trenta minutos lang siyang nahuli dahil rush hour kanina at ma-traffic. Mabuti na lang at may free coffee kaya naman kahit papaano nagigising si Cloe dahil sa caffeine ng kape.

“Anong coffee bean po ang ginamit dito?”tanong ni Cloe sa free tasting sa bawat stall sa Exhibit Hall. Tumingin naman sa kanya ang babae at ipinakita ang pangalan ng kape, Coffea Canephora also known as Robusta Coffee. Malakas sa Caffeine ang kapeng iniinom niya siguradong gising na gising siya.

“May distributor po ba kayo ng Coffee bean o bumibili pa kayo sa Market?”tanong pa ni Cloe sa isa sa tindera sa isang stall.

“Sa Market kami bumibili, Bakit?”tanong naman nito kay Cloe, Ngumiti si Cloe at inabot ang calling card ng Coffea Paradise.

“May plantation po kami ng coffee bean kung gusto niyo kaming maging Distributor mas makakamura kayo kasi walang patong na presyo hindi tulad sa Market.”sabi ni Cloe habang nakangiti sa Tindera, Nginitian naman siya ng tindera.

Loving You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon