Chapter 1

1.6K 25 1
                                    

“Cloe!”sigaw ng isang matandang babae kay Cloe at napatigil si Cloe sa pagpapatuyo ng mga coffee beans sa ilalim ng araw. Nanlaki ang mata ni Cloe ng nilingon at makita ang matandang babae na papalapit sa kanya.

“Misis Sandoval!”nanlalaki ang matang sabi ni Cloe sa matandang babae at napatayo pa siya sa sobrang gulat. Nanggagalaiti itong lumapit kay Cloe at agad namang tumakbo si Cloe palayo kaya naman naghabulan silang dalawa sa Coffee Farm nila na halos ilang ektarya rin ang lawak.

“Hoy!”hingal na tawag ng matanda kay Cloe agad namang na-guilty si Cloe at akmang lalapitan ang matanda ng sumugod ulit ito. Nakalimutan ni Cloe malakas pala ang stamina ni Misis Sandoval dahil madalas itong tumakbo noon, Errand Girl ito noon sa isang kilalang Mansion sa kabilang bayan.

“Misis Sandoval kung may mali man sa mga kape niyo papalitan ko na lang po.”hingal na sabi ni Cloe habang tumatakbo. Hindi nagpatinag ang matanda hanggang sa naabutan niya si Cloe.

“Sana ay sinabi mo iyan nung tinimbang mo ng tama ang mga kape ko.”sabi nito sa kanya at napatigil sa pagkatakbo si Cloe. Alam niyang laging tama ang timbang niya sa pag-kilo ng mga Roasted Coffee Beans, Hindi siya nagkakamali kailanman.

“Sandali lang po Misis Sandoval, Tama po ang timbang ng kape niyo.”sabi ni Cloe sa matandang babae, Tumaas ang kilay nito at nilabas ang Hand fan na parang mala-Donya. Pawisan ito at naglalagkit pero hayaan mo na Donya na siya ngayon dahil sa Coffee Bar niya.

“Anong tama? Kulang!”sabi nito at kumunot ang noo ni Cloe, Alam kasi talaga niya na walang problema sa mga kape nila kapag dating sa pagtimbang parating sakto.

“Misis Sandoval, Ipapakita ko ang records namin para lang mapatunayan sa inyo na tama ang kilo ng kape niyo.”siguradong sabi ni Cloe at napataas ang kilay ng matandang babae na para bang hindi naniniwala kay Cloe.

“Posibleng dayain niyo ang records niyo, Gusto ko ng hustisya.”sabi nito at nagmatigas kay Cloe. Napakamot naman ng ulo si Cloe dahil sa kakulitan ng matandang babae na masarap gumawa ng kapeng timplado, May Coffee Bar nga ito hindi ba?

“Isang kilong roasted Coffee para sa hustisya? Ayos na po ba?”tanong ni Cloe at namula sa inis ang matandang babae na para bang iniinsulto ni Cloe ang hustisyang tinutukoy niya.

“Dalawang kilo ay hindi Apat na kilong roasted coffee at may bonus pang isang kilong Decaf coffee.”napasubong sabi ni Cloe, Napanguso naman si Misis Salvador dahil maganda ang sulsol sa kanya ni Cloe at parang gustong i-urong ang tinutukoy niyang hustisya.

“Talaga? Apat na kilong roasted coffee at may bonus na isang kilong Decaf Coffee?”tanong nito sa kanya na para bang naninigurado. Umiwas naman ng tingin si Cloe sa matandang babae.

“Uh.. Apat na kilong roasted coffee at kalahating kilong decaf?”sabi ni Cloe dahil mahirap kasing mag-Decaffeinated ng kape masyadong matagal at matrabaho ang proseso. Unti-unting tinignan ni Cloe si Misis Salvador na napangiwi sa sinabi niya.

“Maka-alis na nga lang a-”agad namang hinawakan ni Cloe ang braso ni Misis Sandoval dahil for sure papagalitan na naman siya ng mama niya.

“Oo na po! Apat na kilong roasted coffe at isang kilong decaf coffee.”sabi ni Cloe na ngayon ay siya na ang ngumingiwi. Ngiting tagumpay si Misis Salvador habang si Cloe talunan, Kailangan niyang ihanda ang sarili mapupuyat siya sa pag-proseso ng Decaf Coffee.

Hindi niya pwedeng galawin ang nasa storage dahil malalaman ng mama niya ang inventory nila ng mga kape sa storage room. “Eyebags, Lulusog ka na naman.” sa isip-isip ni Cloe habang nakangising aso sa harapan ni Misis Salvador.

Loving You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon