Prologue

3.6K 35 13
                                    

"Kelly, look at me. I'm here, just look at me and hold my hand" utos sa akin ni Xymon ngunit patuloy parin sa pag-agos ang mga luha ko.

"I-i'm scared" nanginginig kong sabi at mas lalong napayakap kay Justine habang ang kaliwa kong kamay ay nakahawak naman sa kamay ni Xymon.

"No no no... we'll be fine okay? Don't be scared, proptotektahan kita" tugon ni Xymon ngunit hindi parin mawala ang takot na nararamdaman ko.

"Are we all gonna die?" bigla akong natigilan sa tanong sa akin ni Justine.

"Hindi ko alam" pilit kong hindi mabasag ang boses ko dahil ayokong makita ako ni Justine na mahina. Dapat tatagan ko ang loob ko...

"We will be safe Justine. Just trust me. Wag lang kayong hihiwalay sa akin. Tandaan niyo to, I will do anything just for the both of you." tumango tango naman kami sa sinambit ni Xymon.

Nagyakapan kaming tatlo habang patuloy ang naririnig kong sigawan at mga iyakan ng mga kasama namin sa bus.

Lahat natatakot sa maaaring mangyari.

Napatingin ako sa dako ng driver, kitang kita ko ang pagpupursigi niya na maibalik ang preno ng bus kahit na malapit na kami sa bangin.

Napapikit na lamang ako at mas hinigpitan ang pag-yakap sa mga kaibigan ko.

"Panaginip lang to" pilit kong ibinubulong sa sarili ang mga salitang iyon ngunit mukhang wala na talagang pag-asa. Patagal ng patagal... mas lumalakas ang hiyawan ng mga kaklase kong kasama. Patuloy parin sa pag-andar ang sinasakyan naming bus dahil ito'y nasiraan ng preno.

Ang dapat outing namin ng buong klase ay naging isang bangungot para sa aming lahat.

"Kelly, I love you" bigla akong nabingi ng marinig ko ang katagang iyon sa bibig mismo ni Xymon. Ito ang unang pagkakataong sabihin niya iyon sa akin kaya mistulang lumundag ang puso ko sa tuwa.

Unti unti akong napangiti at magsasalita na sana ako ng napansin ko ang pag-iba ng galaw ng bus. Dahan dahan akong tumingin sa bintana at mistulang bumagal ang paggalaw ang lahat.

Muli akong napapikit at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Xymon atsaka bumulong. "I love you too." at tuluyan na ngang bumagsak ang bus namin sa bangin.

Hindi ko alam kung paano nangyari sa amin ito. Sinadya ba ito o sadyang tadhana na ang gumawa para sa aming lahat?

Ordinaryong tao lang naman kami. Kahit mga barumbado kami, alam ko namang hindi namin kayang gumawa ng mabibigat na kasalanan kaya di ko lubos maintindihan na sa dinami dami ng tao sa mundo, bakit kailangan kami pa?

Gusto lang naman naming mag-saya pero bakit kailangan naming magdusa?

We are just students that wanted to be happy but now we're doomed.

We are all in the dead end and now, We are lost.

LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon