I

693 24 5
                                        

A/N: Before anything else (chos) ito po ay short story lamang meaning hindi ito lalampas ng 10 chapters kaya pwede niyo ng pagtyagaan. At isa pa, marami kayong mababasang mura dito. Hindi ko na siya ise-sensored para damang dama niyo, pero believe me or not, ibang iba ako sa attitude ng mga bida dito. Huhuhuhu mahirap din para sakin mag-type ng mga bad words lalo na't mga 16 years old and below ang madalas na nagbabasa ng mga stories ko. Pero gusto kong mag-take ng risk eh. Gusto kong matry ang ganitong genre kaya pagbigyan niyo na ako XD I repeat, this story is full of cussing so kung masyadong painosente ang utak mo ay lumayas ka na dito XD At ngayon pa lang binabalaan na kita, maaari mo ng itigil ang pagbabasa kung ayaw mong masayang ang iyong oras. At bakit ba ang dami kong pinagsasabi? 0.0

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

"Lampas isang buwan na nga po matapos ang insidenteng nangyare sa mga estudyante ng Cresent Academy. Matapos matagpuan ang mga bangkay ng nasabing mga estudyante sa kinahulugan nilang bangin ay marami na ngayong takot na mga mag-aaral sa paga-outing dahil naalarma na nga sila mata-----"

Agad kong pinatay ang tv dahil sa punyetang balita.

Ang tagal kong di nakapanood ng tv tapos ngayong manonood na ako, eto namang balita ang bubungad sa akin? Nanggagago ba sila?!

Tss.... Kami ngang mga naka-survive sa aksidenteng yun naka-moved on na tapos yang mga gagong media hindi? Aba'y punyatera!

Dahil sa inis ko ay kinuha ko na lang ang bag ko at padabog na lumabas ng kwarto. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad ng biglang mapatigil dahil sa katahimikang bumabalot sa buong bahay.

"Psh. Hindi na naman sila umuwi" nasabi ko sa kawalan bago ipinagpatuloy ang paglalakad. Sumakay ako sa bisekleta ko at pumunta na ng Cresent Academy. Maaga tuloy akong nakapasok dahil sa pesteng balitang yun. Bwisit.

At dahil maaga pa nga ay tumambay muna ako sa school field. Pinagmasdan ko ang lahat ng estudyanteng naririto rin.

Matapos ng insidenteng iyon, halos invisible na kami sa lahat ng mga tao. Kala mo naman kung sinong malilinis, ang sarap pagbabasagin ng mukha kaya lang nakakatamad. Susundin ko na lang ang payo ng adviser namin na wag din silang pansinin para quits lang.

"Boo!"

"Putanginaaaaaaa!" bigla akong napasigaw sa gulat at nilingon ang gagong gumulat sa akin.

"Gago ka talaga Xymon" sabi ko atsaka binatukan siya ng malakas. Tumawa naman ng malakas ang kasama niyang si Justine.

"Tulala ka na naman kasi" sabi ni Xymon atsaka tumabi sa akin. Tumabi na rin sa akin si Justine kaya napapagitnaan ako ng dalawang loko loko.

Di na lang ako umimik dahil nakakatamad magsalita.

"Nakasimangot ka na lang palagi. Parang ikaw lang ang nagmamay-ari ng lahat ng sama ng loob~" kanta ni Justine na patama sa akin. Takteng boses yan! Sintonado na nga, wala pa sa tono at ang luma na ng kantang yun... gusto ko na tuloy magpakamatay---charot!

"Ano na namang kinapuputok ng butsi mo?" usisa ni Xymon.

"Wala na naman ang parents mo no?" nadali ni Justine! Kasi naman nakakaimbyerna. Daig ko pa ang walang magulang neto dahil puro na lang sila nasa opisina!

"May tama ka! Pero may isa pa eh... yung punyetang balita na paulit ulit na lang" sagot ko ng matahimik na silang dalawa pero asa naman. Sila mananahimik?! Pwe!

"Haaay nako girl. Kaya nga tayo binigyan ng second life ni Lord eh. Don't waste it kakabusangot mo lang. Nakakasura yang pagmumukha mo eh" sabi sa akin ng loka lokang Justine.

"Tarantads ka talaga. Kung ako nakakasura eh sayo? Nakakamatay?" sabay ngisi ko pero tumawa lang siya. Haaaaay etong babae nga namang to oh, lahat na lang dinadaan sa tawa. How I wish na sana ganyan din ako.

LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon