IV

407 21 2
                                    

SCREEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEECH

"Pakingshutakels!" sigaw ko ng masubsob ang mukha ko sa upuang nasa harap. Bigla bigla na lang kasing pepreno, buti sana kung may seatbelt ang bus. Nagising tuloy ang natutulog kong diwa.

"Aray ko bwiset, ano bang meron?" tanong ko kila Justine habang hinihimas ang nauntog kong mukha.

"Guys ilabas na ang popcorn, manonood tayo ng drama" sabi ni Justine. Tumingin naman ako sa harap at nakitang nagkakagulo ang iba sa amin. Tumingin ako sa bintana at napansing naka-park ang bus namin sa isang kalsadang napapaligiran ng maraming puno. Asan ang bundok dito?

"Fuck! Let me go! Uuwi na ako!" narinig kong sumigaw si Charlene at pagkaraa'y bigla na lang bumaba ng bus. Sinundan naman siya ng iba sa amin pati ni Mr. John. Dahil chismosa ako ay sinundan ko din sila pero dun lang ako sa may pinutuan ng bus.

"What happened here?" tanong ni sir.

"Mr. John ayoko na. I-iuwi niyo na ako... natatakot na ako" sabi ni Charlene habang umiiyak at nakayakap sa boyfriend niyang si Alexis.

"May problema ba?" tanong ni sir ngunit walang sumagot. Tumingin siya kay Samantha na naka-sandal sa bus at nakatitig lang sa kabigan nito, wari'y naghihintay na sagutin ni Samantha ang tanong niya.

"Fuck I don't know! She's just sleeping a while ago tas bigla bigla na lang siyang nagsisigaw habang umiiyak." iritadong sagot ni Samantha.

"Class, bumalik na kayo sa bus. Malapit na tayo sa bundok, kailangan na nating makarating dun para di tayo abutan ng dilim" sabi ni sir at akmang pabalik na sana sa bus ng sumigaw na naman si Charlene.

"NO! UUWI NA AKO! ALEXIS PLEASE UMUWI NA TAYO... AYOKO NA, NAKAKATAKOT" hagulgol ni Charlene at mas lalong napayakap kay Alexis. Naningkit naman ang mga mata ko dahil naguguluhan ako sa inaasal niya.

"Charlene stop the drama will you?! Walang mangyayaring masama. This is just a camping and aside from that, walang mangyayari sa inyo kung palagi kayong matatakot! You need to face your fears kaya bumalik na kayo sa loob ng bus!" agad naman kaming natinag sa pagsigaw ni sir kaya kanya kanya kaming balik sa upuan namin. Hindi ko alam kung paano tumahan si Charlene sa pag-iyak pero pakiramdam ko, may something na nalalamn si Charlene. Ugh di ko alam!

Ayokong ma-stress. Ayoko ng mag-isip ng kung anu-ano. Good vibes muna ngayon...

---

"Sir sure kayo aakyatin natin itong bundok?" nag-aalinlangang tanong ni Mailane. Tumingala naman ako para mas makita yung bundok at OHMYGOLLYWOW! Kaya ba ito ng powers ko? Huhuhuhuhu.

"Yes. Don't worry, kapag naka-punta na tayo sa tuktok niyan, mamamangha kayo sa view. Kaya naman kailangan na nating kumilos dahil malapit ng mag-gabi. At nga pala, walang signal sa bundok kaya sorry na lang sa inyo"

"Owwwwwwwwwwwww!" agad kaming napaungol sa narinig. Walang signal?! DAPAK MEN! Paano na ako ngayon magi-spazz kay Bacon babes nito?

"Class wag na kayong mag-reklamo, you need to face the real life kaya tayo na" at wala na nga kaming nagawa kung hindi sundan si sir paakyat ng punyetang bundok na ito. Real life ba kamo? Ano bang akala niya sa buhay ngayon? Fake? Psh!

---

"Aray ko tangina namang mga sanga na to oh! Ang babading! Lagi na lang humahampas sa ulo ko, gusto lang maka-tsansing sa gwapo kong mukha ehhh"

"Pffffffttt" napailing na lang ako sa samu't saring hirit ni Jairon. Lagi kasing tumatama sa ulo niya yung mga sanga ng punong madadaanan namin.

"Pre kalma... Alangan namang iyang mga sanga pa ang mag-aadjust sayo?" sabi ni Xymon sa kanya habang may patapik tapik pa sa balikat neto.

LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon