VI

312 14 14
                                    

"Pakshet!"

"Walangya! Pwede bang manahimik ka na lang Ivan?!" sigaw ni Xymon kay Ivan dahil kanina pa ito nag-iinarte.

"Eh gago kanina pa tayo naglalakad, hanggang ngayon di pa rin tayo nakakaalis sa pesteng bundok na to!" iritadong sabi ni Ivan.

"Tsk! Naliligaw na ata tayo ehh," dagdag pa niya.

"Naliligaw man o hindi, manahimik ka pa rin! Kanina pa ako nagpipigil sayo ah! Hindi lang naman ikaw ang may gustong makauwi kaya tumahimik ka na lang," sabi ni Xymon.

"Kasalanan mo to eh. Dapat hinintay na lang natin si Sir. Paano kunv bumalik siya edi nagkasalisihan na? Tangna mo rin kasi minsan ano?"

Hindi na nakapagpigil pa si Xymon at mabilis na kwinelyuhan ang negrong 'to. Nyeta kung ako yan, baka kanina ko pa nasipa ang junjun niya.

"Kasalanan ko? Kasalan kong sumunod kayo sakin? Diba nag-usap usap tayo at lahat kayo pumayag na bumaba na tayo sa bundok na to?!" Sigaw ni Xymon sa pagmumukha ni Ivan. Mukha namang nainsulto doon si Ivan kaya mabilis na idinapo ang kamao niya sa pisngi ni Xymon.

"Whoah!" Napasinghap kaming lahat.

Kinamot ko ng sagad ang aking buhok. So magsusuntukan pa sila diyan? At si Xymon naman gumanti din ng suntok, aba pano kami makakababa ng matino kung ganito?

"Isa! Di pa kayo titigil oh ako mananapak sa inyo?!" Pagbabanta ko pero dinedma lang nila ako at patuloy sa pagsasapakan habang iniinsulto ang isa't-isa.

"Negrong Ivan ka, kanina pa ako nagpipigil sayo!" Sigaw ni Xymon. Napakagat na lang ako ng labi para mapigilan ang sarili sa pagmumura. Pusang gala, wala atang araw na di ako nakakapagmura... sasagarin pa ako ng dalawang to.

"Ang hirap kasi sayo masyado kang mayabang. Anong akala mo ikaw ang leader dito? Pakyu sagad!" Tugon naman ni Ivan.

"Oh oh oh! Tama na yan! Nagkakabasagan na kayo ng mukha eh, sige kayo.. ako na lang ang pogi dito."

Napafacepalm na lang kaming lahat na mga babae.

"Really Jairon? Mang-aawat na nga lang nagawa pang purihin ang sarili," sarkastikong sabi ni Mailane.

"Ilayo niyo sakin yan kung ayaw niyong manghiram yan ng mukha sa kabayo," gigil na sabi ni Xymon habang pinupunasan ang dugo sa gilid ng kanyang labi.

"Lul! Di mo na kailangan sabihin... talagang lalayo na ko dito. Walang mangyayari kung didikit ako sa mga tangang gaya niyo!" sigaw naman ni Ivan habang nagpupiglas mula sa yakp ni Jairon.

Aba! Nangdamay pa ang loko. Dahil nasagad na talaga nila ang pasensya ko.. lalo na ni Ivan, kumuha ako ng isang bato at akmang ibabato sa yun kanya iyon kung hindi lang ako napigilan ni Mailane.

"Wag mo akong pigilan Mailane, paduduguin ko talaga mukha ng negrong yan! Sinong tinawag mong tanga hah?!"

LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon