"WHAT?!" sabay sabay naming tanong.
"Class, calm down. I have decided, we need to go on a camping"
"Are you nuts sir?! Our classmates are gone plus the fact that we cannot attend the graduation march, may oras pa kayo para sa letseng camping na yan?!" di na ako nakapagpigil pa at sinigawan na si sir.
"Lower down your voice! I'm still your adviser at isa pa, camping is the only way to solve our problems!" medyo tumaas na din ang pananalita ni sir.
"What do you mean sir?" kunot noong tanong ni Xymon. Nakakacurious tuloy kung anong iniisip niya.
"Can't you understand? We are all lost and the only way to find ourselves is to be in a place where we can have peace!" mistulang pagalit na sabi ni sir dahil lahat kami ay tutol sa desisyon niya. Napakagat na lang ako ng labi dahil kapag di ako nakapagpigil, susugurin ko tong teacher na to kahit gaano pa siya ka-gwapo. Putangina lang, pinagloloko niya ba kami?!
"What the hell sir?! Seryoso ka talaga sa camping na yan? Hindi niyo man lang ba inisip na baka mangyari ulit yung dati?" tanong ni Ivan.
"Exactly my point! Yan ang dahilan ko kung bakit gusto kong magkaroon tayo ng camping. Kahit ilang beses niyo pang sabihing naka-moved on na kayo sa aksidenteng yun, pwes di niyo ako mauuto. Kung tuluyan na nga kayong naka-move on, bakit takot parin kayong makarinig ng balita tungkol sa aksidenteng iyon? Bakit walang naglalakas loob sa inyo para i-open ang topic na iyon at pag-usapan ng buong klase? Bakit natatakot pa rin kayong makisalamuha sa ibang tao? Kung ang mga sarili niyo, mauuto niyo pwes ako hindi! Alam kong hanggang ngayon, sinisisi niyo ang isa't isa sa pagkamatay ng mga kaklase niyo. At hindi naman ako magdedesisyon ng isang bagay ng basta basta na lang. We will have a camping becaus ALL OF YOU ARE STILL SCARED!" mahabang saad ni sir, emphasizing the last few words. Natahimik tuloy ang lahat.
Shet ang haba nun ah! Pwede ng ipadala sa mmk. Pero seriously, his words are partly true kaya napangisi na lang ako.
"This is bullshit and that's suicide!" agad namang naagaw ni Samantha ang atensyon ng lahat ng hampasin niya ang kanyang table at pagalit na sumigaw. "Ano bang magbabago kung mangyayari nga yang camping na yan? Wala naman hindi ba?! Hindi parin naman magbabago ang katotohanang wala na ang mga kaklase namin! Na wala na ang ibang mga kaibigan ko pati na ang boyfriend ko!" at tuluyan na nga siyang humagulgol sa iyak at eto namang si Charlene na to the rescue at agad na niyakap si Sam para patahanin.
Tinitigan ko lang si Samantha habang patuloy sa pag-iyak. After that accident, ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Umiiyak at mahina. Dapat humahagalpak na ako sa tawa ngayon dahil ang tagal kong pinangarap na makita siyang humagulgol pero ni isang ngiti ay hindi ko magawa. I feel guilty and I fucking don't know why. Paking tape naman oh! Bakit ako maguiguilty, ako ba nagpaiyak sa bitch na yan?!
Tss.... Pero naiintindihan ko ang nararamdaman niya... pare-parehas lang naman kaming nasaktan dito.
"You're wrong Samantha, many things will change kung makikisama kayo. Someday, masasagot rin yang mga katanungang bumabalot sa isipan niyo but you need to find it out yourself.." kalmadong tugon ni sir.
"Since graduation practice na next week at hindi naman kayo kasama, naisipan kong... habang sila nagpa-practice, tayo naman ay nasa isang camping. Malayo sa mga tao, malayo sa mga problema. Tayo tayo lang... sama sama nating hahanapin ang nawawalang mga sarili at pagbalik natin, magiging tayo na ulit and dating tayo. So who's going with me?" tanong ni sir. Sandali tumahimik ang lahat na wari'y nag-iisip.
"I'm going" nanlaki ang mga mata ko at napanganga. Agad akong lumingon sa gagong nagsalita at itinaas ang kamay.
"Siraulo ka ba?! Nakahithit ka ng shit?! Tangina anong prolema mo?" pabulong na sigaw ko kay Xymon. Tinignan muna niya ako saglit bago siya ngumiti ng malapad. Potek pinagmamalaki ba niya yang gilagid niya?! Lengye, baliw ang gago.
