II

440 22 4
                                    

"Na eureureong eureureong eureureong dae

Na eureureong eureureong eureureong dae---"

Bigla akong napatigil sa pagkanta't sayaw at bahagyang tinanggal ang earphones na nasa tenga at sumilip sa bintana ng kwarto ko. At hindi nga ako nagkakamali ng pakiramdam, nandyan na kasi ang mga magulang ko.

Tinitigan ko muna sila saglit papasok ng bahay atsaka bumalik sa kaninang ginagawa.

"Da mulleo seoji anheu myeon

Dachyeodo molla"

Pinagpatuloy ko na lang ang pakikinig sa kanta ng mga asawa ko. Oo asawa ko ang exo papalag ka?! Suntukan na lang oh!

Pero mapagbigay naman ako, sa inyo na ang iba basta sakin si Sehun tsaka si Tao. Lalong lalo na si Baekhyun. Pati na rin si Kris tsaka Luhan---oo, lahat na lang kaya eh noh?

Napahiga na lang ako sa kama habang patuloy sa pakikinig at nakatitig sa orasan. Potek ang boring! Wala naman kasi akong makausap sa bahay. Si Nanay Lucia na siyang nakasama ko na sa pagtanda, umalis na ng trabaho. Yan tuloy ang loner ko. Ang workaholic naman kasi ng mga magulang ko, wala ng time sa akin tss.

10: 47 pm na. Gising pa kaya sila Justine? Hmmm matawagan nga.

[Hello?]

"Waaaaah! Justine gising ka pa! Hohohoho"

[Sorry, the number you have dialed is currently sleeping so please get a life!]

"Gaga wag ka ng mag-inarte! Wag ka munang matulog, chika tayo------punyeta!" napamura na lang ako ng biglang binaba ni Justine ang tawag. Gaga talaga yun, lagot siya sa akin bukas.

Dahil mamamatay na ako sa sobrang boring, bumaba na lang ako ng kusina para magtimpla ng gatas. Ang sabi nila, pampatulog daw ang gatas kaya bubugbugin ko kung sino man ang nagsabi ng mga katagang yun kapag di ako nakatulog agad.

Habang naglalakad sa pasilyo ng bahay namin ay hinihigop ko na sa baso ang gatas.

"Pwe! Lintik naman oh" nasambit ko ng mapaso ang dila ko.

Bigla naman akong natigilan ng madaanan ko ang kwarto ng mga magulang ko. Nakasara ang pinto pero rinig na rinig ko ang boses nila na parang nagtatalo.

Lumapit ako sa pinto at idinikit ang tenga doon para maki-chismis.

"Asdfghjkl---Kelly---asdfghjkl---fault---asdfghjkl"

Pusang gala naman oh! Ayoko na punyeta! Naglakad na lang ulit ako sa kwarto at mabilis na inubos ang gatas.

Kinakain na naman ako ng kuryosidad ko sa usapan nila mommy at daddy. Hindi ko na tinapos ang pakikinig kasi hindi ko rin naman marinig yung ibang salita nila atsaka bukod dun, natatakot din ako sa kung ano man ang maririnig ko. Natatakot ako kasi na-involve ang pangalan ko. Ako ang pinag-uusapan nila at mukhang alam ko naman kung bakit, kaya mas natatakot akong pakinggan pa sila. Panigurado, tungkol ito kay Abelyn.

Kelly at fault lang ang naintindihan ko sa pinagsasabi nila. 'Kelly's fault' ba ang ibig sabihin nun? For sure, sinisisi nila ako sa pagkawala ni Abelyn. Kaya siguro hindi nila ako pinapansin at kinakausap kasi dahil sakin nawala ang paborito nilang anak na si Abelyn. Alam kong simula pagkabata pa lang hindi na ako malapit sa kanila daddy at tanging si Abelyn lang ang madalas nilang pagtuunan ng pansin, pero iba na ngayon. Matapos ang insidenteng iyon, mas naging malamig na ang pakikitungo nila sa akin. Ni hindi man lang nila ako magawang pansinin at balitaan kung buhay pa ba ako.

Tama. Iyon nga siguro ang dahilan ng mga magulang ko kung bakit ganito ang pakikitungo nila sa akin. Bakit ba ngayon ko lang naisip ito? Ngayon naiintindihan ko na sila mommy. Ang kapal pala ng mukha ko para magalit sa kanila dahil simula't sapul, sila lang naman ang may karapatang magalit dito. Pero bakit ganito parin? Hindi parin mawala ang galit ko sa kanila? Wala akong karapatan magtanim ng sama ng loob pero hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko, naiinis parin ako sa pakikitungo nila sa akin. Like hello?! Anak parin nila ako, hindi ba pwedeng tanggapin na lang nila ako at maging masaya dahil may natitira pa silang anak?

LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon