V

467 25 10
                                    

"Huta namumuti na si Ivan ohhh! Kailan niyo balak umalis sa bundok na to?!" iritadong tanong ni Jairon sa amin dahil gabi na naman pero wala parin kaming nagagawa. Kahit ako, nabablangko na rin ang isip ko.

"Tangina! Pati si Jairon nangingitim na ang gilagid. Shit naman naho-homesick na ako" sabi naman ni Ivan.

"Letse ang iingay niyong bakla kayo! Pwede bang manahimik muna kayo? Eh kung nag-iisip din kayo ng paraan para makababa na tayo sa putahamnidang bundok na to?!" sumbat sa kanila ni Mailane kaya wala ng nagawa ang dalawa kung hindi ang manahimik.

"Students, matulog na muna kayo... gabi na" walang buhay na sabi ni Mr. John.

"Uwaaaaaaaah! Ayoko... baka mamaya ma----" hindi na natapos ni Justine ang sinasabi dahil pinangunahan na siya ni sir.

"Babantayan ko kayo." at wala na nga kaming nagawa pa at nagsipasukan na sa kanya-kanyang tent. At dahil nawawala sila Raymart, Charlene at Alexis... sila Mailane at Samantha na ang magkatabi sa isang tent, samantalang sila Jairon at Ivan ay sa isa namang tent at mag-isa na lamang si Mr. John.

"Kelly... wag mo kong iiwan ah. Natatakot ako" sabi sa akin ni Justine at yumakap sa pagkakahiga. Nginitian ko naman siya at hinaplos haplos ang ulo.

"I won't" bulong ko sa kanya bago siya tuluyang makatulog.

At dahil hindi ako makatulog, napaupo muna ako saglit at nakitang di rin pala makatulog si Xymon.

"Xymon" tawag ko sa kanya ngunit tinignan niya lang ako.

"Anong problema? Kanina ka pa tahimik ahh" sabi ko sa kanya.

"May iniisip lang" sagot niya. Nakakapanibago talaga kapag nagiging seryoso siya. Parang hindi na siya yung Xymon na isip batang laging pa-cool ang aura na matagal ko ng nirereyp sa isip ko.

"Tungkol saan?" tanong ko naman.

"Hindi mo ba napapansin? Isa-isang naglalaho yung mga nakaligtas sa bus accident." sabi niya na nagpakunot sa noo ko.

"Ah?" tanong ko dahil hindi ko siya maintindihan.

"Patricia, Joseph, Krizhel, Arianne and Camile... they were all gone. Pati sila Charlene. Alexis at Raymart ay nawawala. At baka pati si Julie din, kasi diba hindi siya nakasama sa camping na to? Ewan ko pero may pakiramdam akong iniisa isa tayong mga nabuhay sa aksidenteng yun" seryosong sabi ni Xymon kaya nagtindigan ang mga balahibo ko sa katawan.

"S-shit nakakatakot ka naman Xymon! Punyeta wala naman tayo sa Final Destination movie para mangyari yang mga pinagsasabi mo ehhh" sabi ko at napayakap sa mga binti ko dahil bigla na lamang akong nilamig.

"But stil... paano kung real life Final Destination na pala to?"

"Uwaaaaaaaaaaah! Piste natatakot na ako ah!" sabay bato ko sa kanya ng unan pero di niya pinansin iyon.

"At isa pa, lately may napapansin akong tao na laging nagmamasid sa akin noon. Di ko tuloy mapigilang mag-isip na baka may kinalaman siya sa mga nangyayari satin ngayon"

"N-nagmamasid sayo?" di makapaniwalang tanong ko.

"Oo pero di ko makilala ang itsura niya. Lagi siyang naka-hood at shades. Bakit? Nangyari rin ba sayo?" tanong niya at saglit naman akong natigilan.

Hood and shades....

Bigla kong naalala yung taong madalas kong nakikita ko sa labas ng bahay namin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nagsimulang tumulo ang aking mga pawis kahit na nilalamig ako ngayon.

"Bakit Kelly? Ano, may nagmamasid din ba sayo noon?" tanong ni Xymon sakin na disididong malaman kung hindi lang siya ang nakakaranas ng minamasdan ng taong naka-hood at shades.

LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon